Elle's POV:
Ahhhh! hindi ako makatulog, kaya naman wala akong tulog. Pakiramdam ko tuloy ay ultimo pag pikit kagabi ay hindi ko nagawa. Sya lang ang naiisip ko. Si Silberyo. Totoo bang nagseselos sya?"JUSKO! Natulog ka ba anak?! Mukha kang pinag kaitan ng kama!" Napabangon ako at tumingin sa may pintuan at bumalik sa pagkakahiga.
"Ma, pano mo po malalaman kung galit sayo ang isang tao?" Tanong ko at naramdaman ko ang paglapit nya sa akin at pagtitig.
"Mahirap na tanong yan anak, bakit magkagalit ba kayo ni James?" Napalingon muli ako sa kanya at tsaka ibinaon muli ang sarili sa kama.
Magkagalit nga ba kami o sya lang 'tong galit?
"Sabi po kasi ni Migs baka daw po nagseselos sya sa amin." Sabi ko bago ko maramdaman ang pagupo ni Mama sa gilid ng kama ko kaya umupo din ako at napahilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko.
"Bakit? Ano namang ginawa nyo na ikinaselos nya?" Tanong nito kaya sandali akong napatitig. "Tinaboy ko po sya--" Naputol ang sasabihin ko at napa-aray ng bigla nya akong batukan.
"Bakit mo naman ipinagtabuyan?! Nako, anak." Singhal ni Mama sa akin kaya muli ang humiga at napaisip na naman.
Bakit ko ba yun ginawa?! Iyan tuloy!
"Anak malalaman mo lang kung galit sayo ang isang tao kapag," Napaayos ulit ako ng upo at nakinog mabuti. "Una, hindi ka kikibuin. Pangalawa, iiwasan ka. Pangatlo, hahanap ng ibang kasama para hindi mo sya malapitan. At higit sa lahat, sasabog yan sa galit kapag binanggit mo si Miguel sa kanya." Sabi nito kaya napahiga ulit ako.
Operation 101: To know if James is mad at me
*****
"Louise! Nakita mo ba si Silberyo?" Tanong ko kay Louise ng makasalubong ko sya, tinignan nya ako at ngumiti."Nagmumukmok sya e, hindi ko alam kung nasan mismo. But you'll figure it out." Sagot nito na ikina kunot ng noo ko. Hmmm, asan nga ba si Silberyo---
Park! Siguro ay nandun sya ngayon!
At tama nga ako, nakita ko sya doon malapit sa pond. Nakaupo lang sya kaya naman tumabi ako sa kanya ng walang pasabi.
"Huy, galit ka ba sakin?" Tanong ko pero hindi nya ako kinino. "Huy, kausapin mo ako." Pangungulit ko pero wala pa din. "Huy, kausapin mo naman ako oh." Pakikiusap ko pero wala pa din syang sinasabi. Kaya naman tumayo ako at naglakad na lang palayo.
First option check.
Limang minuto din akong pabalik balik sa may garden at pool para lang hintayin si Silberyo. At noong makita ko sya ay tumakbo agad ako papunta sa kanya at hinila sya pero hindi ko nagawa kasi masyado syang malakad. Hindi pa din nya ako pinansin at bigla na lang iniwasan. Option two check! Oh god.
"Hey Louise! Wanna grab some drink?" Rinig kong sigaw nya kay Louise na nasa may damuhan at nakahiga. Option three check!
Iche-check ko pa ba yung four o wag na? Pero pano ko malalaman kung galit nga sya sa akin? Aalamin ko pa ba o wag na? Ano gagawin ko? Pano ko malalaman ang sagot kung sarili ko lang kinakausap ko? Teka...... Ano ba talaga gagawin ko?
Naguguluhan na ako! Kaloka.
"Lalim ata ng iniisip mo, mas malalim pa sa pool natin na 6 ft." Napalingon ako sa biglang tumabi sa akin na si Tristan. Ay ewan bahala na, kailangan ko ng mahihingan ng tulong.
"Tristan, halimbawa may galit sayo pero hindi ka sigurado pero pinapakita nyang galit sya pero naguguluhan ka pa din. Ano gagawin mo?" Tanong ko dito at kumunoot ang noo nya tsaka nagisip. Hindi ko na talaga alam gagawin ko e! Wala nang makakatulong sa akin! Waaaah!
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!