Elle's POV:
It's been a month since the breakers moved to LA. Kelan kaya sila babalik? Hayts. Aaminin ko, nakakamiss din pala ang mga kakulitan nila. Nakakamiss sya.Tumingin ako sa paligid at nakitang walang nagbago. Hayts. Wala pa din sila. Wala pa din sya. Wala pa din si James.
"Anak? Ikaw na bahala kay Nelle ah, magingat sa pagpasok." Sabi ni Mama kaya tumango ako at nagmano na sa kanya.
"Si Papa po?" Tanong ko kay Mama. "May pinuntahan ata sandali. May tumawag e." Sagot naman nya kaya nagkibit balikat na lang ako.
"Nelle, tara na?" Tanong ko sa kapatid ko at nginitian nya ako bago tumango. Ganun pa din naman ang buhay ko, normal pa din.
Papasok, uuwi, gawa ng homeworks o kung ano, tingin sa paligid, tulog, kain.
"Ate namimiss mo ba sila Kuya James?" Tanong ni Nelle kaya ngumiti ako sa kanya at tumango. "Oo." Sagot ko naikinangiti naman nya.
"One month na pala ang nakalipas 'no, Ate? Namimiss ko na ang kakulitan ni Kuya Louise. Sabi kasi nya sa akin tuturuan nya daw ako mang-prank." Nako talaga si Louise. Malilintikan sakin yan, tuturuan pa si Nelle ah. Nako nako!
"O'sya. Pumasok ka na. Kainin mo 'tong baon mo ah? Magiingat." Bilin ko at tumango naman sya. "Ate, magingat sila sayo ah. Kumain ka para may lakas ka kapag nang-holdap ka na. Bye, Ate." Sabi nito kaya napapoker face ako.
Kahit kelan talaga napakaepal nya. Hay nako. Napatingin ako sa paligid at naglakad na lang para makapasok na din ako.
Pagpasok ko pa lang ay kumpulan na ang mga estudyante kaya nagtaka naman ako. Ano kayang meron? Parang ngayon na lang ulit nagkaron ng gantong kumpulan. Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Elle!" Huh? Bakit pamilyar ang boses na yun? Hmmm. Baka nagha-hallucinate na ako. Yeah...
"Elle!!!" Napalingon ako pero wala naman. Ah. Baka hina-haunting na ako?! Sino?! I didn't killed anybody!
"Elle! Dito!" Napalingon ako sa kumpulan at nakita kong may nakataas ang kamay. Nanlaki ang mata ko ng nagmake-way ang mga tao at nakita ko si...
"MIGS?!" Sigaw ko at lumawak naman ang ngiti nya. Mas pumogi sya e.. Pero mas pogi pa din si Silber-- Hayts.
Sinugod naman nya ako ng yakap kaya natawa ako at niyakap sya pabalik. Nakarinig na ako ng bulungan pero binali-wala ko na lang. Sanay na akong pinaguusapan dito, masyado kasi akong maganda e.
"Namiss kita!" Bati ko sa kanya bago kami maghiwalay sa pagyayakapan namin. "Mas namiss kita!" Bati din nya at ngumiti.
Ilang buwan din mula noong huli ko syang nakita. Grabe, mas pumuti sya at humaba din ang buhok. Hindi siguro uso ang haircut sa ibang bansa 'no? Ahihihihi.
"Mas gumaganda ka na ah. Mabuti at pinahaba mo na ang buhok mo. You look beautiful, more beautiful." Sabi nya kaya namula ako. Hindi kasi ako sanay na binibigyan ng compliment. Ang sarap pala sa pakiramdam 'no? Kapag napapansin yung ganda mo.
"Ikaw din ah! Nagimprove ka na! Tara gumala?" Tanong ko at ginitgit sya kaya natawa sya.
"Pano school mo?" Tanong din nya kaya nagkibit balikat na lang ako at naglakad palabas ng gate. "Isasakripisyo ko school day ko para sayo, swerte mo 'no?" Natawa sya at pailing iling na tumakbo papunta sa akin.
"Indeed, lucky." Sagot nya at inakbayan ako at tinapik ko naman agad iyon dahil baka may makakita at ichismis pa ako. Tsk.
Namiss ko talaga ang bestfriend ko, although hindi kami matagal nagkakilala pero sya ang una kong kakampi. It's good na nandito na sya. It's good na may kakampi na ulit ako.
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!