Chapter 28: Back

116 9 1
                                    

Elle's POV:
It's been a week since everything happened. The encounter with his parents didn't end well. Silberyo cried after having this crazy talk about us being in a relationship. I now know that his parents didn't like me cause' i'm ugly and James can have any girl that he wants.

Oo, masakit. Pero pinagtanggol ako ni James and i was grateful. Matapos sabihin ni James ang mga katagang "lumayas na kayo bago pa magdilim ang paningin ko." Ay nagwalk out na silang dalawa. I was happy but it didn't felt right, ramdam kong mahal na mahal ako ni James pero bakit ang sakit. 

Hindi ko alam kung nasaan na ang parents ni Silberyo pero alam kong naandito pa din sila sa Pilipinas. First encounter ko sa kanila pero bad impression na agad ang nakita nila. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak kapag naiisip ko ang paguusap namin.

Bakit kasi hindi na lang ako naging perfect?

Baka kung pinanganak lang ako na mas maganda, mas mayaman... baka mas masaya ako ngayon. Baka hindi ganun yung sasabihin nila sakin kung mas maganda buhay ko. 

It's been three days since James and I talked long. Ewan ko ba, masyado na syang busy dahil sa mga concert and i'm too busy studying. Madalas kong kasama si Migs since magkaklase ulit kami. Hindi ko na din masyadong nakakausap sila Louise dahil nga may concert sila, para bang iniiwasan namin harapin ang issue.

And today? It's monday. Yey! Note the sarcasm. Agad akong bumangon at pumunta sa banyo, kinuha ko na ang uniform bago maligo. Hindi ko na talaga alam kung ano bang dapat kong maramdaman pero lagi akong dinadapuan ng kalungkutan.

Naiinis ako, naiinis ako kasi namimiss ko sya pero wala akong magawa. Naiinis ako kasi pinipilit kong maging masaya kahit ang lungkot ko naman talaga. Naiinis ako kasi parang okay lang din sa kanya na minsan na lang kami magusap. Naiinis ako kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi sobrang mahal ko na sya.

Parang kailan lang ang sweet sweet pa namin sa isa't isa tapos ngayon parang nilalayuan nya ako. No, the time is keeping us apart. And I hate it. Nakakainis talaga!

Nagslide ako pababa ng hagdanan at naglakad patungo sa kusina. "Good morning!" Bati namin sa isa't isa nila Mama. Well atleast ito hindi nawalan ng oras, sabay sabay pa din kaming naguumagahan at naghahapunan.

Pamilyang Estrada yan e.

"Ah oo nga pala, ihahatid ko sila James sa Pampanga. May mall tour daw dun." Sabi ni Papa kaya napairap na lang ako. Concert na naman. Hay nako! Concert concert.

Tinusok ko ang chicken na nasa plato ko, "Oh anak? Dahan dahan lang sa chicken. Murder na yan." Napabitaw ako sa tinidor kong hawak ng marealize na gutay gutay na ang manok na uulamin ko. Oh diba? Manok na ngayon at hindi tuyo. Improving na kami e. Ahihihi!

"Sige Ma, Pa, Nelle. Una na ako. May ipapakita daw kasi sa akin si Migs. Bye!" Sabi ko ng matapos kong kumain at ngumiti naman sila sa akinat nagba-bye na din.

*Ancient Acamedy*
"Bespren! Lungkot mo ata ngayon?" Pambungad sa akin ni Migs kaya napabuntong hininga na lang ako. Malungkot nga ba talaga ako?

Habang naglalakad kami ay nakipag usap na lang din ako, "Wala naman. Ikaw? Bakit ang saya mo ngayon?" Tanong ko at inakbayan naman nya ako kaya siniko ko sya at namilipit sya sa sakit. Wala talaga ako ngayon sa mood para makipag-asaran.

"Aray! Ang init ng ulo mo, anniv kasi ng parents ko kaya masaya ako." Sabi nya bago ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik. "Kamusta naman ang daddy mo?" Tanong ko at ngumiti pa sya lalo.

"He's doing fine now, niyaya nya nga akong mag-hiking. Adventurous kasi ang isang yun e." Sabi nito at mukhang excited na excited na. Si James kaya? Asan kaya ang parents nya? Asan din kaya sya ngayon? Ano kaya ginagawa nya?

Nasasamid kaya sa ngayon kasi iniisip ko sya? Hmm...

"Hoy Elle! Sabi ko bukas ang alis namin at sa makalawa na ang balik ko. Wag mo ko masyadong mamiss ha?" Natatawang sabi ni Migs kaya nag make face na lang ako at naglakad na. Wala ako sa mood makipag asaran.

"I see na wala ka sa mood, yeah?" Nagtatakang tanong ni Migs kaya napabuntong hininga ako at marahan na tumango.

"So why?" Tanong ulit nya kaya napairap ako at padabog na umupo sa may bench sa may hallway. Kailangan ko talaga ilabas galit ko.

"Ganito kasi yun... The past few days, nakilala ko ang parents ni James at medyo hindi maganda ang first meet. After that biglang lumiit ang communication namin ni James. Naiintindihan ko naman na busy sya dahil sa mga concert pero sana kinausap nya muna ako kahit isang minuto lang... Hindi yung nagpapamiss sya masyado." Sabi ko at nagulat ako ng hawakan mi Migs ang pisngi ko.

Pinahid nya ang basa doon at napagtantuan ko na naiyak na pala ako.

"Don't worry.. He loves you... He'll come around." Sabi ni Migs at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin kaya napayakap na lang din ako pabalik at pumikit.

"And I thought you'll miss me.." Mistulang nakakita ako mg multo dahil pagmulat ko ay nakita ko si

Silberyo

Nakakuyom ang kamao nya at nakita ko ang laglag na rosas, mukhang balak nyang ibigay sa akin. Kumalas ako sa pagkayakap at mabilis na tumayo. Masamang tingin ang pinukol nya sa akin bago sya tumingin kay Migs.

"Silberyo, k-kanina ka p-a ba dyan?" Nauutal kong tanong dahil sa masyadong pagkabigla. Bakit hindi nya sinabi na dadating sya? Sana nasundo ko sya.

"I was supposed to suprise you, hindi ko alam na ako pala ang masusupresa." Sabi niya at nagsimula na syang maglakad paalis. Napatitig lang ako sa likudan nya dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Go after him." Sabi ni Migs at napatango agad ako bago mabilis na tumakbo para maabutan sya.

"Silberyo teka!!!!" Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nasa likudan nya na ako. Hindi ko alam gagawin ko! Mabilis ko syang niyakap mula sa likod at napatigil naman sya. He's tensed muscle turns light and he's heavy breathing became smooth.

"You should go talk to your 'bestfriend' while hugging." Sabi niya at tinatanggal ang pagkayakap ko mula sa kanya.

"He was just telling something to me... And i missed you." Pagkasabi ko nun ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso nya.

May heart attack ba ang isang 'to?

"I missed you too, but let's go home first." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Madami akong narinig na bulungan pero nag-flip na lang ako ng hair. Ang gwapo kaya ng kasama ko! Ahihihihi.

*****
Naglalakad na kami ngayon papasok sa gate namin at niyakap naman nya agad ako. Mahigpit nyang hinawakan ang bewang ko kaya napayakap ako pabalik.

I missed his smell, i missed his soft hair, i missed his pinkish lip, i missed his hugs, i missed him.

"I missed you so damn much!" Sabi ni Silberyo kaya natawa ako. "I missed you more." Sabi ko at niyakap syang muli.

Nakita ko namang sumimangot sya pagkatapos kumalas sa pagkayakap sakin, "Why are you hugging Migs anyway?" Tanong nito at ramdam ko ang pagkairita sa boses nya. Natawa ako ng bahagya dahil kakaiba pala to magselos, hindi nagagalit.

"Well I was sharing my moments encountering your parents, it didn't go well, right. Maybe next time i'll talk to them." Sabi ko at umiling naman si Silberyo sign na ayaw nya akong makipagusap sa mga magulang nya.

"You don't have---"

"Done with your lovy dovy reunion? I think i'll talk to your GIRLFRIEND, son." Nagulat ako ng may magsalita na lalaki mula sa likod namin kaya napahiwalay ako sa kanya at napatingin sa kausap namin.

"I can't believe you fell for this girl, she's just a nerd, James."

His parents.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon