Chapter 50: Day 2

102 4 2
                                    

Elle's POV:
"WAKE UP, ELLE! WAKE THE FUCK UP!" Napabangon agad ako ng biglang may sumigaw sa tenga ko, ano ba? Wala ba silang manners? Hindi ba nila alam na napagod ako kahapon? "Hoy, kung makasigaw ka naman. Bakit ba?"

Binatukan ako ni Manager Glee at hinigit patayo, "Usapan natin, 6 o'clock ang alarm mo. Eh nakailang snooze na yun hindi ka pa gising, it's already 8 o'clock. Iniwan ka na ni James!" Napatigil ako sa sinabi nya, iniwan ako ni James?

Kind of ironic, huh.

"Bakit ba? Saan ba dapat pupunta ngayon?" Tanong ko habang kinukuha ang phone ko para tignan ang mga apps ko, "Itu-tour yung Tagaytay, hahanap ng place kung saan magandang ishoot yung music video. Ayaw mo sumama?" Tanong nya kaya umiling ako.

Kinuha ko na yung towel sa closet, "Susunod ako, wag mo paghintayin si James, baka magpakamatay yun e." Sabi ko kahit na joke lang yung ibig kong sabihin pakiramdam ko tumagos pa din sa puso ko yung katotohanan.

I would rather die than wait for you....

******
"So.... You chose to come." Sabi ni Manager Sy kaya tumango ako sa kanya, nilagay ko sa table yung bag ko bago siya harapin ulit. "Yep, so what's the news? May napili na ba kayong place?" Tanong ko bago umupo sa chair na malapit sa table.

Umiling sya kaya napatingin ako sa paligid, "Nope... We were hoping na may makita kang maganda dito, yung perfect sa scene nyo." Sabi nya kaya tumango ako at tinignan ang list ng mga places na pwede naming puntahan.

"Pwede ba tayo sa Taal Lake?" Tanong ko at tinignan naman ni Manager Sy yung mga pictures ng Taal Lake. Nakisingit din naman si Manager Glee at tinignan din ang mga pictures. "I don't know... It looks lonely and full of sad stuffs." Sabi ng manager ko kaya napatingin sakin si Manager Sy.

Tumango ako sa kanya at tumango din sya sakin, "It's perfect!" Sabay naming sabi at naagaw na namin ang pansin ng lahat. Miski si James na nakahiga ay napaupo na. "What's up with the shouting?" Tanong ni James.

"Good news, nakahanap na kami ng magandang pagshoot-an. Practice na!" Sigaw ni Manager Glee at hinigit na kami ni James, sumunod naman si Manager Sy at nakita ko na ang direktor namin. Si Direct Robert. He's chubby too!

Napatingin ako sa set na pagpapratice-an, "Wow. Mala-fairytale 'no?" Sabi ko at napatingin naman sakin si James na parang nandidiri. "Speak for yourself, lady." Sabi nya kaya napailing na lang ako.

"Magaaway na naman ba kayo?" Sabay na tanong ng mga managers namin at miski ang mga tao sa set ay nakatingin na samin, sabay kaming umiling at napayuko na lang ako bago sya lagpasan.

Nakakahiya naman 'to.

Pagharap ko ay nakatingin sakin si James kaya umiling ako, wag na tayo magaway please? Tumango naman sya at naglakad na palapit sakin. "Okay, let's do this."

"I need you, Elle, to look at him as if you can't reach him. And you, James, as if she's the one for you." Sabi ni Direct, napatitig ako kay James and his eyes reflected on mine. No, my heart... Dahan dahan nyang inangat ang mga kamay nya at napaatras naman ako.

And for a split second, I felt his hand linger on my cheeks. "We can do this, Elle." Bulong nya at napatitig naman ako sa kanya bago dahan dahang umatras, I can do this.

"We can't.... We just can't..." Sabi ko bago tumalikod at napahawak sa puso, all of it... It felt so real, so damn real. Lumingon ako at nakita kong nakatingin sakin si James, umiling ako at yumuko.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, "Please.... Don't leave me." Sabi nya at napasandal ako sa likod nya bago mapapikit, "If only I could... But I can't." Sabi ko bago kumawala sa yakap nya at tumakbo na.

*****
"You guys did a wonderful job!" Sabi ng direktor namin at napatitig naman ako sandali, it felt so real... so damn real... Narinig kong umubi si Manager Sy kaya napailing si James.

Bigla namang may nag-ring na phone kaya napatingin ako sa phone ko pero hindi sakin, "Hey love... No, actually we were just done with the shoot. Yes, ikaw? Love naman, kumain ka na.... I know, I know. Just don't starve yourself too much, okay? Yes.... I love you."

Pagka-end ng call ay napabuntong hininga ako, "Elle... Are you... okay?" Unconsciously, napabitaw ako sa hawak ko at nagulat na may dugong tumulo. It was my mirror, nabasag 'to at napatingin ako sa kamay ko. Walang nagsalita agad at nakita ko si James na nakatingin din sa kamay ko.

Napaatras ako, "I.... I think i'm tired... I should... go." Sabi ko at hinigit na ang bag ko bago tumakbo papunta sa truck ko at sinarado na yon.

What the hell is happening?

Bakit nasasaktan na naman ako? "Hindi to pwede, he's already happy. Bakit ko yun sisirain? Masaya na din naman ako, hindi ba? Okay na to. Tama na. Tigil na. Umalis ako para sa kanya at hindi ko na dapat yun sirain pa. Masaya na sya... Masaya na." Sabi ko sa sarili ko habang tinitigan ko ang kamay kong dumudugo.

Napatingin ako sa bag ko na biglang nag-vibrate kaya nilabas ko ang phone ko, "Babe...." Bulong ko at napayakap na lang sa tuhod ko. "Are you okay, babe?" Pakiramdam ko ay hindi ko na kaylangan sumagot dahil alam nya na ang sagot.

"You're going to be fine... Gusto mo bang pumunta ako dyan?" Tanong nya kaya napailing ako kahit hindi nya ako nakikita, "You don't have to... Okay lang ako, magiging okay lang ako. Kaylangan ko lang tapusin to."

Mga ilang seconds din na tahimik sya, "Elle... I know it still hurts, but you'll be fine. You will be." Sabi ko at napayuko ako, para akong bata na nawawala.

"I am hurt, I will always be hurt."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon