(((Keira's POV)))
"Walang hiya kang malandi kang higad ka!! minahal ko yun tapos anong ginawa mo? inagaw mo? tapos ano? iniwan mo rin? walang hiya ka nga talaga, halika dito at uubusin ko yang buhok mong higad ka!" sigaw ng eskandalosa kong schoolmate na ex-girlfriend daw ng hindi ko naman kilala dito sa harapan ko.
Hay, nananahimik ako dito sa garden, tapos bigla na lang sya susulpot na parang kabute?
para ano?
para awayin ako?
WOW, ah! just WOW!!
Tumayo ako at hinarap sya with my fears expression.
"Excuse me! wala akong inaagaw kahit kanino, lalong lalo na sayo. Ngayon, kung trip mo magwala at manigaw, wag sa harap ko, kasi una sa lahat, hindi ko kilala ang boyfriend mo, pangalawa, hindi kita kilala, at panghuli, wala akong paki sa inyong dalawa!" sabi ko then umalis na sa kinatatayuan ko.
Aba nananahimik ako at nag-aaral ng taimtim dahil may test kami mamaya, tapos bigla na lang akong susugurin ng bruhildang yun na mukhang lalaki, at sisigawan pa ako ng kung anu-anong paratang?
Ang kapal nya, ah!
"Kala nya, kahit malandi ako, nag-aaral ako, minsan na lang to, tapos iistorbohin nya pa ako!? Who the hell she think she is?!" tanong ko sa libro ko.
Lumipat ako ng pwesto, nandito na ko sa room para sa next class ko.
Oh, by the way, ako nga pala si Keira Raven, 18 years of age, sophomore, student at Mariana College.
Yung nangyare kanina, sanay na ko dun. Sa kagandahang taglay ko ba naman, malamang sa alamang, maraming lalaki ang iiwan talaga ang mga jowa nila at hahabulin ako, chos. Pero seriously, hindi ko talaga maalala na may humahabol sakin na, ano nga pala pangalan nung jowa nung babaeng mukhang lalaki na yun? Hindi ko na maalala yung name na binanggit nya.
"Kei, ano na naman bang ginawa mo at may kaaway ka na naman?" bungad ni Charms, one of my girl friends.
"Friend, wala akong ginagawa, sya yung baliw na bigla na lang sumusulpot sa harap ko habang nag-aaral ako ng mabuti, nagulat na lang ako kasi bigla na lang nag eskandalo doon" reklamo ko habang nakahawak pa yung isa kong kamay sa dibdib ko na para bang super naoffend ako. "Nag-aaral lang ako, friend"
"Eh, hindi mo naman ba kilala yung ex nya?" tanong naman ni Kendra.
Napatingin ako sa ceiling ng room at pilit iniisip yung name na sinabi nung babae kanina.
"Teka, ano ba pangalan nung ex nya?" tanong ko sa kanila.
"Harvey De Leon?" patanong ding sagot ni Kendra.
"Ah, I think I don't know him" walang gana kong sagot saka na binalik ulit ang atensyon ko sa libro.
Magrereact pa sana sila, kaso hindi ko na sila pinansin kaya, umupo na lang din silang dalawa sa tabi ko at nagreview na rin.
***
5 minutes bago ang time para sa next subject namin, nagbabasa ako nang may kumalabit sakin mula sa likod, nakaupo kasi ako sa gilid ng pinto sa bandang likod.
"Keira" pabulong na tawag nito sakin.
Tinignan ko sya nang may halong pagtataka, and I know, even sila Kendra at Charms tinignan din sya.
"Sorry sa ginawa ni Elise kahapon, ah, sana hindi ka galit" he said na mukhang nagmamakaawa.
Who's Elise? saka sino ba tong lalaking to?
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?