Chapy 17: Family

39 4 0
                                    

(((Aris's POV)))

"San sya pupunta?" Tanong ko ng umalis sa mesa si Keira.

"Baka c.r lang" sagot naman nitong si Kendra.

Inabot na kami ng dilim habang nagkukwentuhan tungkol sa mga favorite foods at movies namin hanggang sa muling makabalik si Keira na mula pa kanina ay hindi pa nagkukwento. Umikot na ng umikot ang topic namin ng mapunta kami sa usapin tungkol sa pamilya.

"But I adore you girls, so bale magtatatlong taon na kayong nakatira dito ng kayo lang?" Tanong ko na tinanguan nila.

"No maids, no drivers, no any other persons, just the three of us" sagot naman ni Charms na mukha namang masaya sa set up nila.

"Kanya kanya sa ibang gawain pero syempre madalas tulong tulong kasi wala naman kaming ibang aasahan kung di ang isa't isa, eh" dagdag pa ni Kendra.

"Parang di ko pa kaya magsolo, ine-enjoy ko pa yung moments na kasama ko mama ko, eh" sabi ni Sky na talagang super close sa mama nya.

"Okay lang din naman yun at least close ka sa mama  mo" sabi naman ni Kendra.

Nagkwneto rin naman kami ni Sam pero ewan ko ba dito sa dalawa tinatawanan lang nila kami na akala mo nagjojoke kami.

"Pero buti natitiis nyong hindi kasama parents nyo nyo?" Biglang tanong ni Sky out of curiosity.

"Oo nga, kasi diba kadalasan mga babae ang mga family oriented, close sa parents mga ganun" sabi ko pa. "Kwento naman kayo tungkol sa pamilya nyo" dagdag ko pa

"Namimiss din naman namin family namin, lalo na ako na only child, kaya nga sabi ni mommy pag nag-asawa raw ako sa kanila daw kami titira" sagot naman ni Charms. "Saka gabi gabi ko naman silang tinatawagan, pinupuntahan ko rin naman sila sa bahay pag may free time ako" dagdag nya pa.

Hindi pala sila mayaman noon, pero dahil sa tulong ng iba pa nilang kapamilya, nakapag-abroad ang dad nya at doon na nga ito nakaipon kaya sila nakapagsimula ng maliit na business na unti unting lumago.

"Ako naman, I always talk to them through skype, oha diba kala mo talaga napakalayo ko, pero ayon mas gusto daw nila through skype kesa sa phone calls" sagot naman ni Kendra. Hindi sya only child kagaya ni Charms kasi may isa pa syang kapatid na lalaki na lagi nya raw kaaway dahil sa kakulitan at kaswapangan.

Mukhang masaya rin ang pamilya nila kahit mukhang laging may world war dahil sa kanila ng kapatid nya.

Lahat kami ay natahimik at hinihintay na magsalita si Kei at magkwento ng tungkol sa pamilya nya, pero tulala lang sya at parang hindi kami naririnig man lang o napapansin.

"Kei?" Tawag ni Kendra sa kanya sabay hawak sa braso ng kaibigan na kinagulat pa nya "Sorry, are you okay?" Tanong pa ni Kendra sa kanya.

"Ah, yuh, ahm wala na bang magkukwento?" Tanong nya habang tinitignan kami.

"Ikaw na yung magkukwento" sagot naman ni Sam. Napayuko ito at ngumiti. Bihira namin sya makitang ngumiti unlike Kendra and Charms na sa isang korning jokes lang namin ni Sam ay natatawa na. Para syang babaeng madaling pakisamahan pero mahirap pasayahin.

"Masaya naman yung pamilyang meron ako, bata pa lang ako alam ko nang single mom ang mommy ko, pero okay lang, nandyan naman kasi sila mamu at papu na kasama ni mommy sa pagpapalaki sakin. Mom always give me what I want, as well as my grand parents, kaya nga hindi ko naramdaman na wala kong tatay dahil sa kanila, dahil hindi naman sila nagkukulang sa pangangaylangan ko mapa financial man or emotional" mahina at malumanay nyang kwento. "Pero kung yung tanong nyo kung namimiss ko ba sila? My answer is no, not anymore" sabi nya saka tumayo at muling ngumiti bago magsalita. "Kuha lang ako ng ice sa loob" sabi nya saka umalis.

Pag-alis ni Keira, parang dinala nya yung nga boses namin dahil lahat kami ay hindi nakapagsalita. Maliban na lang sa isang una pa lang ay di na talaga nya nakasundo.

"Alam naman pala nya masaktan, bakit kung makapag-judge sya sakin wagas!" Sabi ni Sky na masamang tingin lang ang nakuha sa dalawang babae.

"How many times do I have to tell you that you know nothing, so shut up" pagtataray naman bigla ni Kendra.

"Sinasabi ko lang naman. Saka bakit ba galit na galit yun sa mga taong nagpalaki sa kanya? Eh, kung tutuusin naman wala syang karaptang magalit, dahil kung hindi dahil sa mga yun, lahat ng meron sya ngayon ay hindi nya makukuha" sabi nya pa. "Isa pa h....... " hindi nya natapos ang sasabihin nya ng sumabat na si Charms,

"Nag-away sila ng mom nya Sky!" Pagputol nito sa sasabihin sana ni Sky. "And that's a family problem that requires private solution not others opinion" sabi nya pa, mukhang nag-iinit sila kaya magsasalita na sana si Sam ng magsalita na naman si Sky.

"Well siguro kaya sila nag-away ay dahil sa ugali nya, hindi na natiis ng sarili nyang nanay ang kamalditahan kaya hindi na sila nagkakaintindihan" sabi nya na naman, I know Sky, his a good man at hindi marunong manlait o mang-abuso ng babae nito, pero ano bang mga pinagsasabi nya about Kaira? Hindi sya to, hindi sya ang Sky na kasama namin.

"Man ano ba, mali na yang sinasabi mo" saway ni Sam sa kanya na nginitian nya lang, ngiti na hindi usual ginagawa ng kilala naming si Sky.

"Totoo naman kasi, nung nagpasabog ng ng kasamaan ang Diyos mukhang gising na gising sya at sinalo lahat yun" sabi nya pa, magsasalita na rin sana ako ng may nagsalita mula sa likod namin.

"Yuh maybe you're right, may point ka sa lahat ng sinabi mo. Wala nga kong karapatang magalit sa mga taong nagpalaki sakin, at siguro nga sinalo ko lahat ng kasamaang pinamudmod ng Diyos. Pero hindi ako ang dahilan kung bakit kami magkaaway ng mom ko" sabi nya at naglakad palapit samin at nilapag sa mesa ang bucket na may lamang yelo. "Hindi ka writer kaya wag kang gumawa ng kwento, hindi ka rin fortune teller para sabihing nasasaktan ako at lalong hindi ka judge kaya wag mo kong husgahan!" Dagdag nya pa saka na muling umalis.

"Girls, sorry, sorry talaga sa inasal nito, pakisabi na rin kay Keira humihingi kami ng dispensa ni Sam dahil sa mga pinagsasabi nitong kaibigan namin" sabi ko.

"Bakit ba kayo nagsosorry? Wala naman akong ginawang masama?" Sigaw naman ni Sky.

"Sky lasing ka na, manahimik ka na!" Saway naman ni Sam sa kanya.

"Bro sinabihan nya kong hindi ako writer kaya wag akong gumawa ng kwento, wala naman akong kwentong ginagawa. Sinabihan nya kong hindi ako fortune teller, hindi ko naman idol si madam Auring kaya hindi talaga, sinabihan nya kong hindi ako judge kaya wag ko syang husgahan, bakit judge ba sya kaya nya ko hinusgahan agad nung nalaman nya ang kwento ko? Sya nga hindi pulis pero pinag tanggol ako, sinabi ko ba sa kanya yun!" Inis nyang sabi sabay talikod, pero muli itong humarap at tumingin samin. "San ba yung daan?" Bigla nyang sabi kaya napakamot na lang kami ni Sam sa batok namin.

"Girls, we need to go, we had a great time, sa uulitin na lang" sabi ni Sam kaya tumayo na rin yung dalawa at hinatid kami sa may gate.

"Regards nyo na lang kami kay Keira" sabi ko pa bago sumakay sa kotse.

"Sige sige, inggat pauwi" sabi naman ni Charms.

Nang makalabas kami sa village ay nilingon ko si Sky sa likod at wala na itong malay, lagot na naman ata kami nito kay tita.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon