Chapy 27: Fight

42 3 0
                                    

(((Keira's POV)))

Bruhang yun, sampalin daw ba naman ako sa harap ng maraming tao!

Maaawa na sana ako sa kanya, kaso bigla na lang nya kong sinampal, kaya bumalik bigla yung galit ko sa kanya!

Leche sya, kung kanina gusto ko pa syang tulungan, ngayon gustong gusto ko syang sabunutan! Bwisit sya!

"Friend, ano saang planeta ka na nakarating?" tanong ni Charms na nagpabalik sakin sa senses ko.

Nandito kami sa room namin para sa last class namin today, at nasa likod ko sila ni Ken.

"Ano bang iniisip mo dyan?" tanong naman ni Ken na busy habang nakatitig sa phone nya.

"Wala naman" mahina kong sabi.

"Akala ko yung nangyare kani-kanina lang, eh" sabi naman ni Ken.

Napatingin tuloy ako sa kanila "Do you have any idea kung sino ang pwedeng gumawa nun kila Clark at Trina?" out of the blue kong tanong.

Nagkatingian sila na para bang bigla silang kinabahan, nakita ko pa kasi ang paglunok ni Ken na madalas nyang gawin kapag kinakabahan na sya.

"Wait!" mahina kong sabi saka sila hinarap at pinanliitan ng mata "Don't tell me kayo ang gumawa nun?!" mahina kong tanong na halos pabulong na, pero narinig naman nila.

Nagkatinginan na naman sila saka sabay na nagtanguan at saka ako muling tinignan, tapos ay dahan dahan silang tumango, napahawak tuloy ako sa bibig ko na bigla na lang napanganga!

"Seriously?" I asked in disbelief at muli na lang nila akong tinanguan. Bigla tuloy akong natawa dahil sa mga expression ng mukha nila, para silang takot na takot na ewan, pero dahil sa pagtawa ko, natawa na rin sila.

"Gaga ka! akala namin galit ka at ilalaglag mo kami" sabi ni Charms na binatukan pa ko ng mahina.

"Oo nga, kinabahan ako dun friend, ah!" sabi naman ni Ken na kinatawa na naman namin.

"Talagang sobrang saya mo noh!" biglang sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko, at by the looks of Charms and Ken, mukhang kilala ko na kung sino ang may-ari ng panget na boses na yun!

Nilingon ko sya at tama nga ako, it's my ex best friend, Trina, nasa likod nya si Clark at isa pang babae na mukhang third wheel "Oo sobra talaga" nakangiti kong sabi.

"See Clark, I told you! sya ang may pakana ng lahat ng kahihiyan na to!" sabi nya habang nakaturo pa sakin. "And I'm sure na kasabwat nya ang dalawa nyang kaibigan" sabi nya pa saka tinignan ng masama sila Charms at Ken.

"Hoy babae! how many times do I have to tell you na wala akong kinalaman dyan sa nangyare sa inyo ngayon! lalong lalo na ang mga kaibigan ko!" madiin kong sabi na kinalakihan ng mata ni Trina.

"Pwede bang wag ka nang mag deny! Wala nang ibang may motibo para gawin ang mga bagay na to samin!" sigaw nya at akmang sasampalin na ako pero nasalo ko yung kamay nya at malakas itong tinapon palayo.

"Don't you ever dare to slap me again, or else mararanasan mo kung pano masampal ng isang tigreng galit" I said then turn my back at her nang maramdaman kong may humawak sa buhok ko mula sa likod.

"Walang hiya ka talaga! ginagawa mo to dahil hindi mo nakuha ang boyfriend ko!" sabi nya habang sinasabunutan ako, kitang kita ko sa mga mata nya ang galit.

"Hoy Clark gago ka ba? pigilan mo nga yang jowa mo!" rinig kong sigaw ni Charms.

"Wag mo kong pagbintangan dahil wala kang proweba! kaya lumayo ka na sakin!!!" sigaw ko at buong lakas syang tinulak para makalayo sakin, at buti naman nagawa ko, agad akong tumayo at yung dalawa naman ay agad akong tinulungan para maayos ang nagusot kong damit at buhok.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon