Chapy 31: Karma

39 2 0
                                    

(((Keira's POV)))

Tama nga sila Ken at Charms, digital ang karma, pero letche sya! kailangan talaga sa ganitong paraan at sa ganitong panahon?

Great! just great! Bwisit na karma yan! pag nakilala ko talaga sya malalagot sya sakin ng bonggang bongga!

Isa pa tong tarantadong Clark na to, hindi pa sya nakuntento na pinahiya nila ko sa cafeteria at pinamukha sakin kung gano nila kamahal ang isa't isa, talagang dapat puntahan pa ako at ipamukha sakin na nagmamahalan sila! leche talaga sila! magsama silang dalawa ng syota nyang hilaw! bwisit!

Nahihirapan na ako, kasi para akong lutang na hindi ko maintindihan. Sa loob ng isang buong linggo kong pagpasok sa campus, para lang akong sira ulo na pumapasok lang para sa attendance, madalas pa nga akong masita ng mga professors ko dahil lagi daw akong tulala at parang lutang sa klase.

Pero buti na lang kahit papano mabait pa rin sakin ang tadhana at hindi ko pa nakikita o nakakasalubong ang mga taong ayaw kong makita. Hindi ko maintindihan kung bakit at pano pa ba ko babalik sa dating ako, hindi ako to, hindi ako nagseseryoso lalo na ng mga lalaki. Pero bakit ngayon, letsugas talaga, ano bang pinakain sakin ng hinayupak na Clark na yun!

Saturday na ulit, isa't kalahating oras na lang ang itatagal ko sa campus, sana lang, sana talaga wag ko na silang makita. Utang na loob naman please, tama na ang pangto-torture!

"Hey Kei, uwi na tayo!" rinig kong tawag ni Ken sakin.

Takte, pati oras hindi ko na namamalayan, wala naman akong masyadong iniisip, pero bakit feeling ko sobrang preoccupied yung utak ko?

Nasa parking na kami nang makita ko ang mga taong hindi ko gustong makita. Pasakay na ko sa kotse, eh, sana hindi na lang ako lumingon leche lang talaga!

"Oh, hi Keira, loving the scene? nagugustuhan mo ba yung napapanuod mo?" tanong nya, dun ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kanila.

Putcha naman kasi, may bahay, may hotel, may motel, may kwarto, pero bakit dito pa sa parking sila naglalampungan! pwede naman rin sa loob ng kotse!

Gusto kong sumagot, magsalita, tarayan at barahin si Trina pero hindi ko mahanap ang boses ko, feeling ko bigla akong napaos, kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang pumasok na lang sa kotse, pero bago ako tuluyang makapasok, bigla na lang may humawak sa braso ko.

"I'm still talking to you, so don't you dare turn your back on me" sabi nya sabay patapon na binitawan ang braso ko.

"Trina ano ba!" rinig kong awat ni Charms na muling lumabas sa kotse.

"What? totoo naman, eh, kinakausap ko pa sya" sabi nya.

Simula pa last week wala na ko sa wisho makipag-argue, saka kahit wala naman akong ginagawa feeling ko pagod na pagod ako, at kahit na gutom ako parang tamad na tamad rin akong kumain. At ngayon, kahit gusto kong sampalin ang babaeng nasa harapan ko, tinatamad ako, feeling ko ang bigat ng braso ko.

"Besty, ano? how are you feeling? badly broken?" tanong ni Trina na may halong pang-aasar, hindi ko alam kung bakit pero kahit ang tignan sya tinatamad na rin ako.

"Hoy Keira! Ano pipe lang? ayaw magsalita?" sigaw nya, malamang sa malamang bwisit na bwisit na sya dahil sa dami ng mga sinasabi nya wala akong pinapansin.

"Trina pwede ba, pagod na ko" walang gana at medyo pagod kong sabi.

"Pagod? Pagod ka na bang umasa na makukuha mo ulit ang boyfriend ko? in your dreams Keira, in your dreams!" She said, pero wala na kong pake, basta ang alam ko lang, gusto ko nang umuwi at matulog.

Papasok na sana ulit ako sa kotse ng hatakin nya ang buhok kong nakatali, kaya napa-upo ako.

"Hoy Trina ano ba!" rinig kong suway nila Ken sa kanya na ngayon ay nasa ibabaw ko na at hawak hawak ang buhok ko, pero ako, parang isang mannequin na walang buhay, aware akong sinasabunutan nya ko, pero parang wala akong nararamdaman dahil ni hindi ko sya nilalabanan.

"Lumaban ka Keira! lumaban ka!" panghahamon nya pa, yung utak ko sinasabing labanan ko sya, gantihan at saktan rin kagaya ng ginagawa nya sakin, pero yung katawan ko mismo ayaw nang kumilos.

"Ano hahayaan mo na lang ba talagang maubos ang buhok mo huh, lumaban ka!" sigaw nya saka ako sinampal sa magkabila kong pisngi "Lumaban ka sabi, eh!" sabi nya na naman at muli na naman akong puna-ulanan ng sampal "Lumaban ka! Lumaban ka!" sabi nya at pinagsasampal na naman ako. Nawala lang sya sa harap ko ng hilahin sya ng guards ng campus palayo sakin.

"Gaga ka! impakta ka talaga Trina!" sigaw pa ni Charms habang inaalalayan sya ng guards palayo sa kinaroroonan namin. "Baliw na yun, may sira na talaga ang ulo nya!" sabi nya pa ng humarap na sya sakin.

"Kei, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nila habang inaayos yung buhok ko na hindi ko na alam kung ano nang itsura.

Sumakay na lang nila ako sa kotse hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Kei, ano bang nangyayare sayo?!" naiinis pero halata pa rin sa boses ni Charms na nag-aalala sya.

"Oo nga, shunga ka, bakit mo hinayaang ganyanin ka ng bruhang impaktitang Trina na yun ng hindi ka man lang nakakaganti" sabi naman ni Ken habang sinusuklay nya yung buhok ko, nandito na kami ngayon sa room ko.

"Kei, it's not you, it's so not you, kilala ka namin, at sa nakikita namin, hindi ikaw yan" sabi ni Charms na tapos nang lagyan ng ointment yung mga sugat ko dala ng kalmot ng babaeng Wolverine na yun sakin kanina.

"Ano ba Kei! buhay ka pa ba? o naglalakbay na ang diwa mo? sinabunutan, sinampal nakalmot ka na at lahat kanina nakahiga ka lang at hindi man lang lumaban? anong klaseng anesthesia ba ang nilaklak o tinurok mo sa sarili mo huh??" inis na tanong ni Ken.

"Hindi ko alam, hindi ko na alam, I don't even know myself anymore, alam kong hindi ako ganito, pero kahit anong gawin ko, parang ang bigat bigat pa rin, bakit yung sakit nandun pa rin at paulit ulit ko yung nararamdaman!" mahina kong sabi kaya naupo sila sa magkabilang gilid ko.

"Sa tuwing gigising ako o bago matulog, hinihiling ko na sana isang araw mawala na sya, pero sa araw araw at gabi gabi na matutulog at magigising ako, bakit imbis na mawala o gumaan, parang lalong bumibigat at lumalala yung sakit na nararamdaman ko?" umiiyak kong sabi kaya hinimas na lang nila ang likod ko.

"Siguro bukod sa mga kasalanan na nagawa ko ngayon, madami pa kong kasalanang nagawa sa past life ko, kaya doble doble yung karma ko ngayon" humihikbi ko pang sabi.

"Friendship, ano ka ba, you're a good person, wala kang kasalanan kahit kanino" sabi naman ni Ken na tinanguan lang ni Charms.

"Siguro si Clark at Trina nga ang karma ko sa lahat ng mga kasalan ko" sabi ko pa.

"Kei ano ka ba, hindi yan totoo, kaya pwede ba, stop thinking about your karma" sabi ni Charms.

"And please, stop crying for that man anymore!" dagdag naman ni Ken na pinupunasan ng thumb nya ang mga luha sa mukha ko.

Gusto ko nang huminto sa pag-iyak, pero dahil sa ginagawa ng dalawang to, parang lalo lang akong naluluha!

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon