Chapy 57: Accomplish

26 1 0
                                    

(((Sky's POV)))

"Ready?" Tanong ko kay Kei na tumango lang saka hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Kaya pumasok na kami sa bahay ng mom nya.

"Anak?" Halong gulat at saya ang nakita ko sa mga mata ni tita maging sa boses nya ng makita si Kei.

"Good morning po" bati ko na tinanguan at nginitian nito.

Pinapasok naman nya agad kami.

"Anak...."

"Alam na nya?" pagputol ni Kei sa sasabihin ng mom nya, tumango naman ito at nagpatuloy sa sasabihin.

"The day that you had an accident, at yung araw na pinakilala rin kita sa tito Frank mo, sinabi ko na sa kanya agad" She said. "Akala ko nga iiwan nya na ako at hindi na matutuloy ang kasal, but instead, he wants to be your father, anak he wants us to be a family" dagdag nya pa.

Napatingin lang naman si Kei sakin at binigyan ko lang sya ng encouraging smile, kaya tumingin sya sa mom nya at tumango. Napatakbo tuloy at napayakap ang mom nya sa kanya.

"Salamat anak, I love you" masaya nitong sabi. "Sorry kung hindi ka namin napuntahan nung pasko at bagong taon huh, nasa out of town kasi kami ng tito Frank mo" she said.

"Yuh, it's fine, okay lang po" sagot lang ni Kei.

"Ah, sya na ba ang maswerteng lalaking minahal ng prinsesa ko?" tanong nya habang nakatingin sakin.

Tumingin sya sakin saka ngumiti at tumango.

"Skyler Dy, po" pakilala ko sa sarili ko saka inabot ang kamay, pero nagulat na lang ako nang yakapin nya ko.

"Thank you for loving her" sabi nito.

"Wala po yun" sagot ko naman.

"Mom, don't thank him, he doesn't love me, in fact, lagi nga akong iniinis nyan, parang hindi boyfriend" pagsusumbong ni Kei sa mom nya na tinawanan lang nito.

"Anak, nagpapakasweet lang si Skyler sayo" sabi lang ni tita saka na bumalik sa upuan nya.

"Ganun ang way ng mga lalaki ngayon, Keira" sabi naman nung tito Frank nya na tinanguan ko at ng mama nya.

"Ay, sya nga pala, bakit pala bigla ang dalaw nyo?" bigla na lang natanong ni tita.

Nagkatinginan tuloy ulit kami ni Kei, muntik na namin makalimutan yung pakay namin.

"Mom, we need to talk" casual na lang nyang sabi.

Tumango naman ang mom nya, saka na nila kami iniwan ni tito Frank sa sala.

"Ahm, tito una na rin po muna ako, hinatid ko lang po si Kei, paki sabi na rin po kay tita nauna na ko" paalam ko.

"Hindi ka man lang ba magmemeryenda?" tanong nito,

"Hindi na po, may mga aasikasuhin pa rin po kasi ako" sabi ko saka na nya ko sinamahan sa labas ng gate.

New year, new life, new us, kaya kahit mahirap, ang isa't isa na lang ang nagiging sandalan at kasangga namin.

Yung mga new year goals na nilista namin a night before new year comes ay inumpisahan na namin right after celebrating new year, literal, January 1 talaga kami nagsimula. At unang natapos ay si Charms at Aris.

"Oh, here's Sky na" sabi ni Ken nang makita akong parating.

"Okay na sya?" tanong naman ni Aris.

"Mukha naman, tanggap sya ng tito Frank nya, kaya iniwan ko na sya, at sya nang bahala tapusin yung list nya" sabi ko ng maupo ako sa tabi ni Sam. "For sure bukas tapos na nya yung kanya, eh, kayo?" I added.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon