Chapy 11: Hurt

64 4 0
                                    

(((Keira's POV)))

"Hoy kung magpapakamatay ka wag ka mandamay!" Sigaw ng lalaki mula sa isang kotse, pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad.

"Hoy miss, wala akong pambayad sa'yo pag nasagasaan kita, pwede ba mag-ingat ka! tumabi ka dyan!" Sigaw rin ng isa pang truck driver!

"Hoy wag ka ngang mamasyal sa gitna ng kalsada! Kargo pa kita pag nagkataon!" Sigaw na naman ng isa pang driver.

"Punyeta! Eh, ano kung masagasaan ako?! Pakialam nyo ba? Yung mga magulang ko nga walang paki sakin, eh! Kayo pa na hindi ko naman kilala!"sigaw ko at the top of my lungs habang nasa kalagitnaan ng kalsada! Mga hinayupak sila! I have my freedom that's why I can do whatever I want! "Sige! Sagasaan nyo ko kung gusto nyo! Go on! Wala namang may paki sakin, eh" dagdag ko pa. "Sige na! Hit me! hit me!!!"

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas dito, nanghihina at medyo nanginginig na rin ang mga tuhod ko nang makapansin ako ng isang ilaw na palapit nang palapit sakin!

"Kei!!!!!" Boses ng dalawa kong kaibigan ang huling narinig ko bago ako pumikit dahil sa sakit ng ulo ko, sana sa pagmulat ko wala na yung sakit.

(((Charms POV)))

Tumama ang ulo ni Kei sa simento dahil sa lakas ng impact nang tumilapon sila kanina, kaya agad namin syang dinala rito sa hospital, meron din syang konting galos, at mukhang napakadaming dugong nawala sa kanya, sana lang hindi nya kailanganin ng blood transfusion, mahirap kasi hanapin ang blood type nya.

"Kendra, Charms!" Tawag nila mamu at papu samin habang tumatakbo sila palapit samin, sinalubong namin sila at niyakap.

"Where is she? How is my apo?" Nag-aalalang tanong ni papu.

"Papu, hindi pa po kasi namin alam kung anong lagay nya, nasa E.R pa rin po kasi sya at hindi pa rin lumalabas ang doctor" sagot ko "Halos isang oras na nga po sila dyan sa loob, eh" dagdag ko pa.

"Oh God, protect our beloved grand child please" biglang sabi naman ni mamu.

"Mamu relax, masamang damo po si Kei, that's why we know that she can survive" sabi naman ni Ken na nakatanggap ng death glare sakin. Sabihan ba namang masamang damo ai Kei in front of her grand parents? Adik din, eh!

"Sorry mamu, just kidding" bawi na lang nya sabay peace sign pa.

"Oh, eh, sino naman ang binatang ito?" Tanong ni mamu na ngayon ay nakatingin at nakaturo sa lalaking nasa likod ni Ken.

"Mamu, si Clark nga po pala, sya po ang nakakita at nagligtas kay Kei kanina" pakilala ko kay Clark na agad namang nagmano kila mamu at papu.

"Kung ganun pala ay utang namin sayo ang buhay ng apo namin. Maraming salamat jiho ha" sabi naman ni mamu.

"Naku, hindi po, kaibigan ko po si Keira kaya wala pong kaso yun" sagot naman ni Clark.

"Mamu, papu, upo po muna kayo" sabi ni Ken na ginawa naman nila. Hindi pa man din nag-iinit ang mga pwet namin sa pag-upo ay napatayo agad kami dahil kay Clark.

"Doc!" Biglang sabi kasi nito.

"Doc, kamusta po ang lagay ng apo namin?" Salubong ni papu sa doctor.

"She's fine now, medyo malaki at malalim ang sugat nya sa ulo, kaya naman kinaylangan pa namin itong tahiin. But, don't worry, she's safe now and you can visit her once we already transfer her into the recovery room" sabi nito samin saka na nag-excuse at iniwan kami.

"Thank God she's fine!" Bulong ko na kinangiti naman ni Ken.

Nang mailipat sa recovery room si Kei saka lang dumating si tita.

"Ma, how is she?" Nag-aalalang tanong nya pagpasok nya sa room.

"She's fine now, medyo malaki at malalim daw ang sugat nya sa ulo, kaya naman kinaylangan pa itong tahiin" paliwanag ni mamu.

Napahawak si tita sa bibig nya at dahan dahang lumapit kay Kei.

"Diyos ko, kasalanan ko to, kung hindi dahil sakin hindi sya magagalit at tatakbo! Hindi sana sya mapapahamak!" umiiyak nyang sabi habang hinahaplos ang buhok ni Kei.

"Tita, wag nyo pong sisihin ang sarili nyo, aksidente po yung nangyare" pagpapalubag loob naman na sabi ni Ken.

The whole time na nandito sila hindi kami nagsasalita ni Ken hanggang sa matapos na ang visiting hours.

"Ma, pa, is it okay with you kung hindi ko muna kayo maihahatid? I want to take care of my daughter" paalam ni tita kila mamu at papu. Magsasalita na sana si Papu nang sumabat si Ken.

"Ahm, mamu, papu, tita Karen, with all due respect po, hindi naman po sa pinagtatabuyan namin kayo" pag-uumpisa nya saka ako tinignan "Pero, knowing Kei, I think it is much better kung hindi po muna nya makikita ang isa sa inyo" mahina nyang sabi. Nagkatinginan naman sila tita, papu at mamu.

"Tita, I think Kendra's right, siguro mas makakabuti po kung pahupain muna natin ang galit ni Kei bago nyo po sya ulit kausapin" segunda ko sa sinasabi ni Ken.

"Karen anak, mukhang may point naman sila Charms, siguro kailangan muna nating pabayaan si Keira na makapag-isip bago mo sya kausapin ulit" pag sang-ayon naman ni mamu samin.

"Pero m..."

"Karen, nandito naman sila Kendra at Charms para bantayan ang anak mo, so don't worry" sabi naman ni papu.

"Opo tita, we'll take good care of her" pag-assure naman ni Ken kay tita.

"Babalitaan po namin kayo pag gising na sya" sabi ko naman. Kaya napabuntong hininga si tita at muling tinignan si Kei na tahimik na natutulog.

"Okay" mahina na lang nyang sagot. Lumapit sya ulit kay Kei at hinalikan ang noo nito na ngayon ay may benda. "Call me if you need anything" bilin nya pa samin. Pareho naman kaming napatango ni Ken.

"Ihahatid ko na po kayo" prisinta ko pa pero pinigilan ako ni Ken.

"Ako na lang Charms, may bibilhin rin naman ako" sabi nito. "Clark, sumabay ka na rin, para makapagpahinga ka, if you want pwede ka namang bumalik na lang tomorrow" sabi ni Ken dito, hindi naman na umangal si Clark kaya lumabas na sila.

"Hoy Kei! Gumising ka na! Kakainis to! Alam mo namang ayaw kong napupuyat, eh! Pero dahil sayo, mapupuyat pa ko!" Reklamo ko habang seryosong nakatingin kay Kei na peaceful na natutulog.

Dahil hindi ko naman makakausap ang tulog na si Keira, kinuha ko na lang ang isa sa mga magazines na nakapatong sa table sa tapat ng mini salas ng room ni Kei at binasa ito hanggang sa makabalik si Ken na may dalang pagkain.

"Charms, okay lang bang dumalaw sila Sam dito bukas?" Bigla nyang tanong.

"Oo naman, bakit hindi?" Sagot ko habang ngumunguya pa, "Pero teka, pano ba nila nalaman na nandito tayo?" Tanong ko.

"Tinawagan kasi ako ni Sam, dumaan daw sila sa bahay kanina para sana makikain, tapos ayun nasabi kong nandito tayo sa hospital" sagot nya kaya napatango na lang ako.

Nang matapos kaming kumain bumalik na kami sa tabi ni Kei.

"Hay! Kawawa naman yung kaibigan natin" buntong hiningang sabi ni Ken na tinanguan ko lang.

"Sanay tayong tatlo na sama samang hinaharap ang problema, kung pwede lang hatiin natin yung problema at pain na bitbit nya, ginawa ko na! Para kahit papano, gumaan man lang yung nararamdaman nya" mahabang litanya ko na nginitian lang ni Ken.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon