(((Keira's POV)))
"Friend ano? Kamusta? Anong nangyare sayo? Hinanap ka namin di ka namin nakita!" Bungad ni Ken nang makapasok sya sa room ko kasama si Charms. Ayos, ah, wala nang katok katok! Wala na bang manners tong mga kaibigan ko?
"Okay ka lang ba? Pano mo natakasan si Jimuel? Pano ka naka-uwi?" Tanong rin ni Charms, mukha ngang alalang-alala sila sakin, mga hinihingal pa, eh.
"Friendships relax, hinga! Okay ako, safe ako at hindi ako nahabol ni Jimuel, kaya chill!" Paliwanag ko. Napaupo naman sila sa kama ko at huminga muna bago muling magsalita.
"Okay, so ano nang plano mo? Kausapin mo na kaya si Jimuel, baka ma-obsessed pa sayo yun, hay naku, kawawa ka!" Sabi ni Charms.
"Oo nga, pero wait, what happened to your feet? Nadapa o natalisod ka ba?" Tanong ni Ken nang mapansin nya ang paghilot na ginagawa ko sa left feet ko.
"Ah, nakabunggo ko kasi si Mr. Stupid kanina. Well actually, he was the one who saved and helped me get away from Jimuel" sagot ko.
"Sino si Mr. Stupid?" Naguguluhang tanong ni Ken.
"Yung friend nila Sam!" Sagot naman ni Charms.
"Ah, yung kaaway mo? Buti tinulungan ka friend" sabi naman nitong si Ken,
"Oo nga, eh, well actually, hindi ko sya naalala kaagad, pero sya kilala nya na ko, at tama ka buti talaga tinulungan nya ko" sagot ko naman.
***
"Buti naintindihan nya? Ano bang sabi nya?" Tanong ni Charms nang sabihin ko sa kanila na kinausap ko na si Jimuel.
"Okay lang daw, tanggap nya na daw na wala na syang pag-asa sakin"
"Sigurado ka ba? Baka mag revenge bigla yun si Jimuel, ah!" OA na sabi naman nitong si Ken.
"Revenge? Para kang sira Ken, ginagawa ba yun ng mga lalaki?" Natatawang sabi naman nitong si Charms.
"Bakit hindi ba?" Tanong nya.
"Hindi!" Sabay pa naming sagot ni Charms sa kanya.
"Hay naku, dalian nyo na, nakakahiya kung male-late tayo sa party ni Aris" sabi na lang ni Ken.
Ngayong gabi yung birthday party ni Aris.
Nakakaluwag luwag sa buhay sila Aris, well sila Mr. Boastful rin naman, si Mr. Stupid, mukhang nakaka-LL rin naman, di lang halata. Kaya ang bongga at ang sossy ng ayos ng garden theme party, nilatagan ng glass floor yung pool at nandun sa gitna nun ang mini stage.
"Girls, buti nakapunta kayo" bati ni Aris nang makita nya kami sa may entrance. "Hi Ken!" bati nya pa kay Ken na nginitian lang naman nitong isa.
"Ay, happy birthday Aris, here oh, my gift" sabi ni Charms sabay abot nung regalo nya, ginaya ko rin ang ginawa niya.
"Happy birthday, thanks sa pag-invite samin" sabi ko nang makuha nya ang regalo ko.
"Salamat, tara hatid ko kayo sa table nyo" he said at nauna nang maglakad kaya sinundan na lang namin sya.
"Hey Ken, wag masyadong halata!" Bilin ko kay Ken na mukha nang kamatis!
"A-ano bang sinasabi mo dyan Kie!?" Maang maangan pang tanong ng bruha sakin.
"Tss, don't me friend, don't me!" Sabi ko na lang. Nang marating namin yung table, may dalawa nang lalaking nakaupo.
"Oh hi couz, hi Charms, hi Kei, buti nakarating kayo" bati ni Sam samin.
![](https://img.wattpad.com/cover/53458617-288-k831829.jpg)
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?