(((Kei's POV)))
"Friendship!" Tawag nila Ken at Charms ng makapasok sila sa kwarto ko ng walang katok katok. Napaka well mannered talaga ng dalawang to.
"We missed you, friend" sabi ni Ken saka ako niyakap.
"Kei, kumakain ka ba? bakit namayat ka ata lalo?" sabi naman ni Charms saka rin ako niyakap.
Makayakap akala mo isang linggo na kaming hindi nagkita, eh.
"Oo nga friend, eadible pa rin naman ang mga luto mo, sana naman nagluto ka pa rin kahit papano" sabi pa ni Ken na nakatanggap ng batok. "Aray, masakit yun, ah" reklamo nito.
"Ang aga nyo, akala ko after lunch pa kayo dadating?" tanong ko sa dalawa nang bumitaw na sila finally sa pagkakayakap sakin.
"Alas tres na ng hapon, gaga" pagtataray ni Ken.
Nang makita ko ang wall clock ko, pasado alas tres na nga. Nauna na silang bumaba, ako naman nagpalit muna.
"Morning Kei" sabay na pang-asar ni Sam at Aris nang makababa ako.
"Ang aga mo gumising for dinner" pagsusungit naman ni Sky.
"Magandang araw rin sayo my dear boyfie" sarcastic kong sabi saka sya bineso.
"At bakit kagigising mo lang?" tanong nya ng maupo ako sa tabi nya.
"Masarap matulog, malamig" sagot ko sabay ngiti.
"Mahinahon yata kayong mag-usap dalawa? di kami sanay" puna ni Aris na nasa harap namin.
"At medyo mag-jowa na rin ang tingin ko sa inyo" sabi naman ni Ken.
"Tse, dami nyong napapansin" sabi ko na lang.
"Tara kain na" Tawag naman ni Charms, kaya nagsipunta na kami sa dinning para kumain.
After namin kumain ay umalis muna sila Sam, Aris at Charms para mag grocery. Ako naman nagpaalam para makaligo na. Mabilis naman akong natapos, for the first time.
"Kei?" Rinig kong tawag mula sa labas ng pinto ko.
"Oh Sky" Sabi ko ng buksan ko ang pinto at mukha ni Sky ang bumungad sakin.
"Pwede ba kong pumasok sa kwarto ng girlfriend ko?" tanong nya ng may malaking ngiti sa mukha, kaya binuksan ko ng mas malaki yung pinto.
"Nice room, akala ko sing gulo mo yung room mo, eh" sabi nito, nagsisimula na naman syang mang-asar.
"Tsss, nasan si Ken?" tanong ko na lang,
"May pupuntahan daw sandali, sabi nya akyatin na lang daw kita dito" sagot nya saka humiga sa kama ko. "Inaantok ako, patulog muna" sabi nya saka pumikit, pinabayaan ko na lang.
Inayos ko na lang yun gamit na dadalhin ko kila Charms.
Nang matapos ko naman ang dapat kong gawin, umupo ako sa edge ng kama ko at tinignan ang lalaking natutulog dito.
"Hoy lalaki! alam kong mahal mo ko, pero bakit ba lagi mo kong inaasar? bakit ba hindi ka na lang maging sweet sakin? pag ako nainis iiwan kita" sabi ko sa kanya, tutal tulog naman sya.
Tatayo na sana ko para kunin ang phone kong nasa may sofa nang may humila sakin, dahilan para mapahiga ako.
"Anak naman ng tinola!" reklamo ko nang bumagsak ako.
"Tabihan mo ko" sabi ni Sky saka ipinulupot ang paa at braso sakin. I think wala nang inches yung pagitan ng buong katawan namin sa isa't isa, baka centimetre na lang, or wala na nga talaga?
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?