(((Kendra's POV)))
Dahil sa dramang naganap, hindi namin napasukan ang first subject namin, buti na lang wala paring prof. Yung second subject naman namin ay nakakaantok, pero 10% kasi ang attendance sa kanya, kaya kailangan pagtyagaan.
Habang on-going naman yung third subject namin, hindi kami mapakali ni Charms kaka-check kay Kei.
This was probably the first time na nakaramdam kami ng ganito for her. Alam naming malakas sya at kaya nya ang sarili nya, she can even fight her own feelings, pero iba kasi ang sitwasyon ngayon. Oo nilalaro at nakikipaglaro sya sa mga boys, pero hindi nya pa naranasan to, ang paglaruan, lokohin at paasahin. This was probably all new to her.
Alam kong matagal ko nang hinihiling na mangyare to, na makahanap sya ng katapat nya, pero hindi namin aakalain na yung taong yun ay yung taong matagal na pala talaga nyang type.
Kanina habang nasa cafeteria kami, habang pinagtatanggol ni Clark ang Trina na yun over her, nakita ko na naman yung pain na una't huli kong nakita sa mga mata nya nung nag-away sila ng mom nya.
Si Kei yung tipo ng babae na mareklamo, straight to the point, kung ayaw nya sayo, ayaw nya talaga sayo. Magaling syang makisama kahit mukha syang maldita, mukhang mahirap pakisamahan pero hindi naman talaga, mukha syang mahirap pasayahin pero mababaw lang talaga ang kasiyahan nya. Sya yung tao na pag tinignan mo paniguradong sangkatutak na panlalait ang maibabato mo, except sa physical dahil kahit ako hindi ko sya mapipintasan, pero pag nakilala mo, lahat ng panlalait na inabot nya sayo, for sure kakainin mo, at hindi ka na rin maniniwala sa kasabihan first impression last.
"That's all for today, see you next meeting, the class dismissed you may go" yun na lang ang narinig ko mula sa professor namin na kanina pa nagkukwento ng talambuhay ata nya.
Nag-ayos na lang kami ng gamit namin hanggang sa makalabas kami ng room "Friendship, nagugutom kasi kami ni Ken, una ka na ba? kita na lang tayo sa bahay, dadalhan ka namin ng foods" sabi ni Charms na kinagulat ko, kelan ako nagutom?
"Sure, sige, alam nyo na kung anong gusto ko, ah" nakangiti nyang sabi saka kami bineso at nauna nang maglakad, hindi pa man sya nakakalayo may kasabay na agad sya, sinabayan sya ng isang may itsurang lalaki at mukhang may instant date pa ang bruha.
"Teka friend, kung kakain tayo, dapat sinabay na natin si Kei at sa resto na tayo kumain, kawawa naman yung friendship natin" sabi ko kay Charms.
"Friend, mamaya pa tayo kakain, maniningil muna tayo" she said sabay smirk, mukhang gusto ko yung meaning ng smirk na yun, ah!
"May plano ka na ba?" bigla kong tanong dahil I'm pretty sure parehas kami ng nasa isip.
"Naman!" proud na proud nya pang sabi saka kami nagngitan at nag high five.
"It's pay back time" sabay naming sabi nang mahina pero seryosong tono.
Bumalik kami sa room na pinanggalingan namin saka nya kinuwento ang plano na nabuo nya daw kanina habang nagkukwento ng talambuhay nya yung last subject professor namin.
Pinuntahan pa namin sila Sam sa college building nila, para mahingi ang isa sa highlights ng gagawin namin. Pinrint namin yun ng maraming copy at saka naman namin inasikaso yung isa pang surprise namin para dun sa isa pa.
Inabot na kami ng dilim sa paghahanda, dahil gusto namin memorable to, at talagang tatatak sa isip ng bawat students ng Mariana.
Nang masiguro na naming okay na ang lahat, dumiretso na kami sa resto para bumili ng pang dinner namin.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Fiksi UmumSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?