(((Skyler's POV)))
"Kapag nalaman ng iba ang kwentong yan, lagot ka talaga sakin, bawal yan ipag-sabi, kahit doon sa dalawa mong kaibigan" mahigpit na bilin nya sakin nang matapos nya ang mala teleserye nyang istorya tungkol sa dati nya best friend.
Nahuli nya raw kasing niloloko ng boyfriend niya si Trina, and she can't do anything, dahil matapang sya, pinuntahan daw nya yung lalaki sa dorm nito, kinompronta nya pero syempre nung una, nagdeny pa yung lalaki, pero umamin din at sinubukan din syang akitin. Naisipang sakyan ni Kei ang trip ng boyfriend ng best friend nya, para makakuha sya ng ibidensya, but the thing is, nalaglag ang phone nyang may record ng usapan nila sa tubig, dahil nakuha ito nung lalaki at nilaglag sa sink. Then the boy forced her to make love with him, nanlaban sya, pero huli na, nakatulog sya dahil sa hindi nya malamang dahilan and boom, nang magising sya mukha na ng best friend nya ang sumalubong sa kanya, and sa loob lang ng isang buong araw nawala sa kanya ang matalik nyang kaibigan na sinubukan lang naman nyang protektahan.
"Pero bakit hindi mo pinaliwanag sa kanya yung totoo? bakit hinayaan mong maging ganun ang tingin nya sayo, at bakit hinayaan mong ang lalaking yun ang maging dahilan ng pagkakasira nyong dalawa?" sunod sunod kong tanong.
"You think I'm that stupid para hindi yun gawin, syempre nagawa ko na yun" she said then drink, "Hindi lang sya naniwala kasi wala ng proof, and syempre yung tarantado nyang ex wagas kung maka deny sa nalaman ko, at dahil na rin sa nakita nya lalong lumala, kaya pinabayaan ko na lang sya" sabi nya.
"At hinayaang magalit sayo nang ganun? to the point na gagantihan ka nya sa ganung paraan?" usisa ko na naman na sinagot lang naman nya ng tango. "Pero wala talagang nangyare sa inyo?" tanong ko ulit na naging dahilan para magsalubong ang dalawa nyang kilay.
"Hindi ako lasing, nawalan lang ako ng malay, at alam kong sandali lang yun, kilala ko rin ang katawan ko, and para makasigurado, nagpatest na rin ako at negative naman ang lumabas kaya 101% sure ako" siguradong sigurado nya pang sabi.
"Sayang din yung 3 years of friendship nyo, ah" sabi ko na muli nyang tinanguan.
Sa tuwing nakikita at nakakasama ko ang babaeng to, ang daming mga bagong bagay sa kanya ang nadidiskobre ko. Ibang iba nga sya sa babaeng nakilala ko noon at sa babaeng naririnig kong pinag-uusapan at kinaiinisan rin ng halos lahat ng babae sa campus, well except dun sa dalawa nyang best friend. Yes she has that snob and kinda bitch personality, oh no, let me replace that, hindi lang pala kinda, she really has that bitch personality, pero hindi ko alam na may ganto pala syang side.
"Ano, don't tell me, na fall ka na sakin after hearing my story" sabi nya na nagpabalik sakin sa mga senses ko, doon ko lang din narialize na nakatitig na pala ako sa kanya, napa-iling na lang tuloy ako.
"Asa!" sabi ko na lang, nakita ko naman ang pag-smirk nya.
"You know what, you're almost perfect, but I can't fully understand why do you keep on hiding it, lahat ng pinapakita mo sa mga tao, ay ang imperfections and flaws mo" she said na kinagulat ko. Simula ng magkaroon ako ng muwang sa mundo, wala pang nagsabi na I'm perfect, kahit na ang mama ko. "Bakit ba?" dagdag nya pang tanong sa statement nya.
"Saang banda ba sa akin ang perfect na sinasabi mo?" tanong ko.
"You!" confident nyang sabi, "Your whole personality is almost perfect" dagdag nya pa.
"My personality might be perfect for you, but for her, I'm just a nerd who is badly crazy over her" sabi ko, naibaba nya tuloy ang boteng hawak nya dahil sa sinabi ko.
"So you mean, dahil sa appearance mo kaya ka nya pinalitan at iniwan? wow, ah, kala mo naman ang ganda nya magdala ng damit!" sabi nya na may halong bitterness at saka uminom ulit "Yung damit oo maganda, pero hindi sya!" dagdag nya pa.
Magsasalita na sana ako nang itapat nya sakin ang mga palad nya.
"Sssshhh, don't you ever try to defend her against me" awat nya agad. Kaya nanahimik na lang ako at straight na ininom ang natitirang laman ng boteng hawak ko.
"Shit na buhay kasi to, bakit hindi na lang naging madali! puro na lang hirap, eh!" reklamo ko. "Pati ba naman pagmo-move on mahirap!?" inis kong tanong.
"Sino ba kasing may sabing magmadali ka? chill ka lang kasi, easy lang, wag kang magmadali, hindi naman yan project na may deadline" sabi nya.
"Ah, so dapat namnamin ang sakit ganun?"
"Gago, syempre hindi, nanamnamin mo, wala namang lasa yun, magugutom ka lang!" sabi nya saka muling iminom. "Alam mo kasi, ang pagmomove on, parang paghihintay yan sa sugat mo na gumaling, pano gagaling kung babalatan mo ng babalatan? syempre hayaan mong kusang mawala! ganun din sa pag momove on, hindi minamadali, dahil the more na minamadali mo, the more na tumatagal gumaling" dagdag nya na naman.
She's absolutely right,
"Ikaw ba, naka move on ka na ba doon sa lalaking hindi naman naging sayo?" bigla ko na lang naitanong, nakatanggap tuloy ako ng death glare.
"Hindi pa" mahina nyang sagot, yung sapat lang para marinig ko. "Pero sana papunta na doon, wag lang sana maligaw" dagdag nya.
"Sira yata yung sasakyang nasakyan ko kaya ayaw umabante, stock pa rin ako" sabi ko, tapos bigla na lang syang napatitig sakin ng seryoso, titig na parang nanghahamon o nang-aakit? "W-what?" nauutal ko tuloy na tanong.
"Hop in" sabi nya sabay ngiti, ngiting mukhang hindi ko gusto ang kahulugan.
"What?" gulong gulo kong tanong.
"Sira ang nasakyan mo diba? sumabay ka na, ihahatid kita" she said then smirk and took a sip on her drink.
Naguluhan ako bigla sa mga sinabi nya, may laman ba yun?
"May ibig bang sabihin yung statement mo?" curious kong tanong, at dahil doon, nakita ko na naman ang mga mata nyang sobrang nakakaloko.
"Tutulungan kita maka move on, and dahil mabait ako sige libre na" sabi nya saka sumubo ng pulutan.
"So anong tulong naman yan, rebound, magpapanggap tayong mag boyfriend at mag girlfriend ganun?" straight to the point kong sabi, pero imbis na tumango ay bahagya syang natawa.
"Ang luma, ah! pwede naman kitang tulungan ng hindi tayo nagpapanggap o hindi nagiging mag-on, ang chaka ng idea mo, tigil tigilan mo nga pagbabasa at panunuod mo ng mga cliche na story" sabi nito sabay tungga na naman.
"Eh, pano pala?"
"I'll change you, no buts, no what if's and no why's, just let me change you" seryoso nyang sabi saka na muling uminom.

BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?