(((Keira's POV)))
Nabibingi ako sa katahimikan naming apat sa mesa. Gusto ko nang ubusin agad tong kinakain ko para makatayo na, kaso parang hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga kasama kong kumain. Ayoko namang iwan ang pakain ko, dahil wala pa akong kain mula pa kagabi.
"Kie, pwede ba tayo mag-usap!" The three said in unison na kinakaba ko, may ginawa ba kong hindi ko alam na nakasama sa kanilang tatlo? Bakit kailangan nila ko kausapin?
"Kailangan sabay sabay?" Pabalang kong tanong.
"Sige, mag-usap muna kayo, saka tayo mag-uusap" sabi ni Ken in a serious tone na bihira lang maganap.
Masarap naman ang ulam manin, ah, bakit nagsusungit tong si Ken? hindi bagay, at lalong hindi ako sanay!
"Pero pwede paki-ubos muna ang pagkain? Madaming nagugutom" dagdag naman ni Charms.
Nang matapos kami mag-almusal, pumunta kami ni Clark sa park nang village. Suot nya na pala yung damit nya na nilabahan at dinryer nya daw kagabi ng hindi ko alam. Aba feel at home pala sya sa bahay namin kagabi pagpanik ko.
"Bakit ka nga pala napasugod dito kagabi?" Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.
Maraming bata sa park kasi weekend, mainggay, pero parang nabibinggi ako sa katahimikan naming dalawa, eh.
"I've been calling and texting you kasi, pero walang sagot kaya pinuntahan na kita" sagot nya
Kung hindi ako natatakot sa pwedeng sabihin nila Ken mamaya malamang sa malamang nagwala na ko.
"Pero bakit ka pa naghintay, umuulan pa, dapat umuwi ka na"
"Nag-aalala nga kasi ako" mahina nyang sagot habang hindi nakatingin sakin. Kinilig naman si ako, si crush nag-alala sakin. Not the typical me, pero ganito pala ang feeling pag yung taong gusto mo nag-aalala para sayo, medyo cliché pero nakakakilig.
"Teka nga, bakit naman, don't tell me you like me!"pabiro kong sabi, pero deep inside hinihiling kong sumagot sya ng yes or kahit simpleng oo man lang.
"Actually, yes" he answer straight to my face with matching eye contact pa.
Natahimik ako bigla sa sinabi nya, para akong nabingi na nalulunod na nagugutom na nahihilo na parang lumulutang na hindi ko maintindihan. Para pa akong biglang nanigas dahil sa dalawang salitang binitawan nya.
"I like you, that's why I care for you" sabi nya pa na lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko, mas malakas pa sa kabog nung hinahabol kami ni Jimuel.
"A-ah, a-ahm, h-hindi ko alam ang isasagot ko" nauutal at nahihiya ko pang sabi.
"Kei, those statements are true, and they are not questions for you to answer" sabi nya saka ako nginitian. Yung ngiti nyang nakakatunaw, pakshet, nalaglag na ata yung puso ko!!! "Naiilang ka na ba?" Medyo mahina at may halong panunukso nya pang tanong nang mapansin nyang nananahimik ako. "Tara na nga, iuuwi na kita, mag-uusap pa kayo nila Kendra" he said sabay tayo at hawak sa kamay ko.
Ang layo ng bahay namin sa park, pero habang naglalakad kami feeling ko ang lapit lapit lang nya! Pakshit! Tadhana bakit ang epal mo today! Pero okay lang, gusto ako ng taong gusto ko, hahahaha omo, salamat pa rin! Pag nakilala kita lilibre kita sa kahit saan ng kahit ano! Promise!
"Oh pano, text text na lang" nakangiti nyang sabi habang hawak pa rin ang mga kamay ko.
"Sige, salamat ulit sa pag-aalala. Inggat sa pag-uwi" sabi ko naman. Dahan dahan pa yung pagbitaw nya sa mga kamay ko at hanggang sa mawala sya sa paningin ko ay super lawak pa rin ng ngiti ko.
"Mukhang ikaw na si Miss Umaasa, ah!" Biglang sabi ni Charms na bigla na lang sumusulpot sa likod ko.
"Tse!" Sabi ko na lang saka dumiretso sa loob. Paakyat na sana ko sa room ko nang tawagin ako ni Ken.
"Hoy Miss Paasa, mag-uusap pa tayo diba?" Masungit na sabi nito, kaya napaatras ako para pumunta sa tapat nilang dalawa.
"Tungkol saan ba?" Medyo walang gana kong tanong.
"Kayo na?" Curious na tanong ni Charms, napangiti ako sabay iling.
"Hindi pa"
"Hindi pa!" Pag-uulit pa nila sa sinabi ko.
"Magiging pa lang ganun?" medyo seryoso paring tanong ni Ken,
"Hindi ko alam, hindi ko sure, di pa kasi sya nanliligaw, eh" sagot na habang ngiting ngiti.
"So may balak kang sagutin sya?" Charms.
"Why not?" Patay malisya kong sabi, "I like him, and he said he likes me too"
"He likes you?" Sabay na naman nilang sabi na parang hindi pa naniniwala sa sinasabi ko.
"Ay grabe sila, makareact, ah, ganun ba ka-imposible yung sinasabi ko?" Inis kong tanong sa kanila.
"That's not what we wanted to say, friend" pagka-clarify pa ni Ken.
"Baka lang kasi mamis-interpret mo yung sinabi nya" dagdag naman ni Charms
"Well that's what he said earlier, he likes me that's why he cares for me, yun ang sabi nya" sabi ko na lang.
"Naniwala ka naman agad?" Tanong ni Charms,
"I really don't know, basta ang alam ko, gusto ako ng taong gusto ko" nakangiti kong sabi, tinignan lang nila ako ng tingin na nakakaloko na parang nanunukso na ewan, napailing na lang tuloy ako.
"Ikaw na inlove, sige ikaw na" sarcastic na sabi naman ni Charms na kinatawa naman ni Ken. Lakas ng tawa ni Ken nang maalala ko na sabi nya kanina ay may dapat kaming pag-usapan, tungkol naman kaya saan yun?
"Anyways, earlier, you told me that we need to talk, tungkol saan ba?" bigla kong tanong.
Nagkatinginan muna yung dalawa bago magsalita "Si..... Ken may sasabihin, diba Ken?" pagtuturo ni Charms kay Ken na kinalakihan pa ng mata nito.
"Gagang to! nanuro pa, eh, ikaw nga yung sinabihan!" reklamo ni Ken sabay batok kay Charms,
"Packing tape ka Ken ang sakit, ah!" reklamo naman nung isa at nagbangayan na nga sila, sinasadya ba nila to?
"Hoy! ako tigil tigilan nyo, ah, may tinatanong ako!" pag-aawat ko sa kanila saka na naman sila nagtinginan.
Huminga muna nang napakalalim si Ken bago ako tinignan "Friend, kasi, she wants to talk to you" mabilis at malinaw nyang sabi, hindi man nya nilinaw kung sino ang she na tinutukoy nya, malinaw na sakin kung sino yun, kaya bigla na lang nawala yung good mood ko.
"Tinext nya ako kagabi, she's aking for help, nagpapatulong sya samin para makausap ka" dagdag pa ni Charms.
"Bakit kayo pa ang tinext? pwede naman syang direktang tumawag sakin" pag-uumpisa ng pagtataray ko.
"Hindi ka daw kasi nya macontact, and your not even answering her phone calls" sagot ni Ken, napabitter laugh na lang ako.
"Kasalanan ko pa? If she really wants to talk to me, buka33s naman lagi tong bahay at alam ko namang may susi sya, so why didn't she come over and talk to me personally!?" inis kong tanong sa dalawa.
"Friend, please, just talk to her, gusto nya lang daw ipakilala ang fiancé nya sayo" sabi naman ni Charms.
"Tell her that I hate her and I don't want to talk to her anymore, tell her that she can do whatever she wants, marry any man she likes and talk to anyone she wants, but she can't talk to me!" pagtataray ko "Tell her that she can build a new family if that's what she wants, basta wag na wag nya na akong guguluhin, at wag na wag nya na akong madamay damay dyan sa kasal na binabalak nila, dahil pumuti man ang uwak, bumaliktad man ang mundo, at mabuhay man si Lapu Lapu, hinding hindi ako pupunta!" dagdag ko pa saka na umakyat at iniwan yung dalawa na hindi man lang hinayaang mag salita.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Tiểu Thuyết ChungSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?