Epilogue

86 3 0
                                    

(((Kei's POV)))

10 months later

"Ay ang ganda ng bahay, ah" initial reaksyon ni Ken.

"Fairness sa interior, simple but elegant, lakas makamayaman ng black and white theme" puri naman ni Charms.

"Wait para sa bagong kasal?" tanong ni Ken,

"Not sure, babae yung client ko, eh" sagot ko.

Dinala ko sila dito sa newly finished project ko para hingin ang opinion nila. Pano yung client namin binigay lang samin ang address at sinabing gusto nyang ayusan ko ang bagong bili nyang bahay, gusto nya ayusin ko yun na parang dream house ko. Nagpadala lang sya ng perang gagamitin, then hindi na nya ko ulit kinontact.

"Tingin nyo magugustuhan ng client?" medyo hindi ko siguradong tanong sa dalawa.

Hindi naman ito ang unang beses kong magdesign ng malaking bahay, pero ito ang unang beses kong magdesign base on what I want, not what my client's want. Mahirap na madali. Mahirap kasi wala kang guide na pagbabasehan at susundin, pero madali rin at the same time kasi I don't have to deal with the demanding client na kung umasta akala mo mas marunong pa sila sayo.

"Oo naman, magugustuhan yan, design kaya yan ng isang Keira Raven!" Sabi pa ni Ken.

"Nambola pa si gaga, tara na nga sa bahay, magluluto si mommy" sabi ko na lang.

After nilang kumain at i-invade ang room ko, umuwi na sila, since may mga paper works pa daw sila.

Dahil wala na akong gawain, nakita ko na naman ang pillow heart na bigay nya. Yung perfume nya, nakahilera rin sa lagayan ko, pag sobra ko na syang miss, yun ang ginagamit ko, paubos na nga sya.

Nahiga na lang ako at nakita ko ang picture naming dalawa na nakadisplay sa bed side table ko.

"Keira!!!!" Biglang sigaw ng apat na tao na biglang sumulpot mula sa biglang bukas na pinto, kaya napatayo ako bigla.

"Oh, bakit nandito kayo? Walang work?" gulat kong tanong kila Sam at Aris,

"At kayong dalawa, bakit kayo bumalik?" tanong ko kila Ken at Charms. "At bakit kung makasigaw kayo ng pangalan ko, kala mo may sunog" I added.

"Ngayon ang dating nya!" malawak ang ngiting balita ni Aris.

"Wait, sigurado ka? pano mo nalaman?" hindi ko pa makapaniwalang tanong,

"Basta lets go, salubungin na natin sa airport!" masayang sabi ni Sam at walang ano ano, hinila na nila ako.

While on our way to the airport halo halong feelings na naman ang nararamdaman ko. After a year, makikita ko na sya ulit, pero kinakabahan ako, kaya napahawak na lang ako sa ring na bigay nya.

Finally!

"Kei?" tawag ni Ken sakin.

"Nandito na tayo" sabi naman ni Sam.

Ganun ako katagal tulala? walang traffic? nandito na agad kami?

Well, it's fine, buti nakikisama ang trafic sakin.

Hindi na kami sa arrival area naghintay, sa labas na lang mismo.

"Grabe, siguro mas gwapo na si Sky" excited na sabi ni Charms.

Habang tumatagal ang paghihintay namin, lalo akong kinakabahan.

Pinagkukwentuhan na lang namin ang college days namin nang makita ko na ang taong hinihintay namin na naglalakad palabas nang may malawak na ngiti. Natulala ako, pakiramdam ko maiiyak ako sa tuwa, sobra ko syang namiss. Pero nang tuluyan na syang makalabas, hindi pala sya mag-isa, may kasama sya, nakakawit pa ang mga braso nito sa braso nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon