(((Keira's POV)))
Pagkagaling ko sa bahay nila Sky dumiretso ako sa room ko, kahit kelan tanga talaga sya, pag pinatagal nya pa, hindi ko na sya tutulungan!
Anong akala nya sa kabutihang loob ko, 7/eleven, 24 hours open?
Wait, 24 hours open ba ang 7/11?
Jollibee na lang kaya?Hay, whatever, minsan na nga lang mag-exist ang gantong ugali ko tatanggihan nya pa? bahala sya!
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan sya, naka limang dial muna ako bago nya sagutin.
"Ako to, I just want you to know na yung offer kong pagtulong ay limited time lang mag-exist, it's only valid up until tomorrow 5 pm!" sabi ko saka binaba ang phone.
Ayoko ng alone time, kaya matutulog na lang ako.
Nagising ako dahil sa ringtone ko na napaka-inggay.
"Let's start" bungad sakin ng nasa kabilang linya nang pindutin ko ang answer botton.
"I'll pick you up at 7 pm sharp" sabi ko saka na pinatay ang tawag.
Tinignan ko ang oras, alas sais na, kaya tumayo na ko at agad na tinawagan ang mga contacts ko, kailangan gawin na lahat ng dapat gawin ngayong gabi lang, dahil bawal na akong mag-absent sa mga susunod pang araw dahil halos dalawang linggo na akong MIA sa campus.
Saktong 7 ng marating ko ang bahay nila Sky at nandun na sya sa tapat ng gate nila at hinihintay ako.
"San tayo pupunta?" tanong nya agad sakin hindi pa man din kami nakakalabas ng village nila.
"First stop, sa optical shop" sabi ko lang at hindi na muling nagsalita.
Papasukatan ko lang sya ng contact lens at ipakikilala sa stylist friend/cousin ko para sya na ang bahala sa kanya sa mga susunod pang araw. Alam ko naman kasing hindi kakayanin ng ilang oras lang ang gusto kong gawin sa kanya.
"Dra. Chan, this is my friend, Sky, the one I was telling you about" bati ko sa eye specialist ng family namin.
Pagagawaan ko kasi sya ng dalawang contact lenses at ako naman ay magpagawa ng eye glasses. Pero dahil hindi ko na mahihintay yung ipagagawa ko, since wala namang grado ang mata ko, bumili na muna ko ng pansamantalang eye glasses. Habang sinusukatan si Sky, inikot ko ang shop at nakakita ako ng spectacles na type ko, may pinkish syang metal frame pero sa taas lang, at kulay puti naman yung handle or temple nito.
Nang matapos kaming sukatan ng mata ay dumiretso kami sa isang salon. Kilala ko ang may-ari, at sya ang pinsan ko na pagbibilinan ko kay Sky. Hindi ko sya direct cousin or pinsang buo, kasi nga nag-iisang anak lang din si mom, pinsan ni mom ang mommy nya, that's why.
"Couz, ito na sya, si Sky, at dahil gabi naman na, bukas na kayo mag getting to know each other, ayusan mo na muna ko, dahil hindi na ko pwedeng umabsent bukas kung hindi, yari" sabi ko kaya pina-upo nya ko at sinumulan na ang session. Iniwan ko muna si Sky sa waiting area dahil kailangan ko muna shampuhin.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?