(((Keira's POV)))
Hindi nakapunta si Clark kaninang lunch dahil may biglang lakad daw sya, kaya wala pa akong breakfast and lunch, pero hindi naman yun yung mahalaga, kasi hindi naman ako nakakaramdam ng gutom. Masama kasi ang pakiramdam ko.
Nakahiga lang ako buong araw sa kama ng biglang magring ang phone ko.
"I'm in front of your house" bungad nya ng masagot ko ang tawag, it's Clark. Kaya agad naman akong napabangon at napasilip sa bintana, nakita ko sya kaya agad akong bumaba para pagbuksan sya ng gate.
Dumating sya na may dalang paper bag na may lamang pagkain mula sa isang resto. Hindi ko na sya pinagsilbihan dahil pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng gate ay sya na ang nagsara nito, hinawakan nya pa ang isa kong kamay at hinila ako papasok sa sarili naming bahay na akala mo ay sya ang may-ari.
"Let's eat" sabi nya ng lumabas sya mula sa kitchen, pero dahil nga feeling ko ang bigat ng katawan ko parang tinatamad akong tumayo.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko. "May problema ba?" Tanong nya na inilingan ko lang.
"Let's eat na?" Tanong ko kaya tumayo na sya at tinulungan rin akong tumayo para pumunta sa dinning.
Masarap sana ang pagkin kung hindi lang masama ang pakiramdam ko. Pero dahil sa kasama kong kumain, pinilit ko talaga itong ubusin, kahit na feeling ko bubukas na ang tyan ko.
Nang matapos kaming kumain ay nagligpit na si Clark at nagpaalam naman akong aakyat lang muna ko sa room ko.
Huminga muna ko ng malalim ng makahiga ako sa kama bago magsalita "Feeling ko bloated na bloated ako" reklamo ko habang hinihimas ang tyan ko. Hanggang makaramdam ako bigla ng matinding panlalamig kaya pinatay ko ang aircon ng room ko. Pinikit ko na ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Kei?" Patanong na tawag ng boses na alam kong kay Clark, bahagya kong binuksan ang mga mata ko kaya nakita ko sya na nakasandal sa tapat ng pinto. Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama ko saka ako hinawakan. "Mainit ka!" Nag-aalala nyang sabi saka nya ako kinumutan. "Nasan ba sila Charms? Bakit ikaw lang ang nandito? Dadalhin kita sa hospital" sabi nya at akmang bubuhatin na ako ng pigilan ko sya.
"No, ayoko sa hospital" angal ko "Umuwi sila Charms at Ken sa bahay nila, kaya ako lang ang nandito" dagdag ko pa.
"Pero ang taas ng lagnat mo!" Nag-aalala nya paring sabi.
"Just don't leave me and don't bring me to the hospital" mahina ko namang bilin sa kanya.
"I will" sabi nya naman. "Pero bibili muna ako ng gamot mo" sabi nya at tatayo na sana sya ng pigilan ko sya.
"May medicine cabinet sa may kitchen, may gamot din doon" sabi ko kaya tumango sya at mabilis na lumabas, mabilis rin naman syang nakabalik.
"Inumin mo muna to bago ka makatulog ng tuluyan" he said saka inabot sakin ang isang gamot at isang basong tubig.
"Thanks" I said and try my best to give him a smile.
"Wag ka nga ngumiti, halatang pilit, bukas ka na ngumiti pag magaling ka na" bilin nya na tinanguan ko lang. "Sige na, go to sleep"
"Hindi ka ba uuwi?"
Umiling sya "Pano ko uuwi kung alam kong ganyan na may sakit ka at walang kasama?" Tanong nya, umupo sya sa tabi ko at inutusan akong umusog. "Matulog ka na, babantayan kita! Uuwi ako pag magaling ka na" Utos nya kaya tumalikod na ko para matulog, pero nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko at hinarap nya ko sa kanya "Pano kita babantayan kung nakatalikod ka sakin?" Tanong nya.
Mainit na ko pero parang lalo akong umiinit dahil sa nangyayare. Nakaharap ako sa kanya at nakikita ko sya ng malapitan, sa ginagawa nya lalo akong nahuhulog sa kanya, bagay na sana hindi ko pagsisihan. Naramdaman kong masakit na ang mga mata ko kaya pinikit ko na ito.
Maya maya lang ay pati lamig naramdaman ko na rin, kaya niyakap ko ang sarili ko habang nakabalot ng kumot. "Nilalamig ka pa?" Rinig kong tanong nya, tumango ako nang hindi binubukas ang mga mata.
"Come here" sabi nya, kaya napamulat ako,
"What?" Mahina kong tanong, nakita ko naman syang umiling.
"Ako na nga lang" sabi nya, at nagulat ako ng ilapit nya pa ang sarili nya sakin saka ako niyakap. Nanlaki ang nga mata ko sa ginawa nya, bigla pa kong nanghina at feeling ko may something na gumagalaw sa tyan ko. Tapos nararamdaman ko pa ang paghinga nya sa noo ko,
parang lalo akong nilalamig?
Pwede ba mas mahigpit?
Pwede ba kong yumakap pabalik?
Mga tanong na naglaro bigla sa madumi kong utak!
Jusme Keira may sakit ka na at lahat paglandi pa rin ang laman ng isip?
"Still cold?" Napabalik ang utak ko sa kasalukuyan ng magsalita ulit si Clark na nakatitig na pala sakin, napailing nalang tuloy ako at niyuko ang ulo dahil sa hiya. "Pahinga ka na ulit" sabi na lang nya na tinanguan ko na lang.
***
Nagising ako na wala na yung lalaking kayakap ko ng matulog ako, medyo nadismaya tuloy ako. Kinapa ko ang leeg ko at mukhang magaling na ko, kaya pala iniwan na ko ni Clark, feeling ko tuloy gusto ko na lang ulit magkasakit.
Tumayo na ko para kumuha ng pamalit at maligo nang bigla na lang bumukas ang pinto ng room ko.
"Kei, anong gagawin mo?" Biglang tanong ni Clark na may bitbit na Sandok at naka-apron pa.
"Ahm, maliligo? Anong ginagawa mo? Bakit may sandok ka pang hawak? Akala ko umuwi ka na?" Sunod sunod kong tanong.
"Hindi ka pa magaling, kaya wag ka munang maligo. Nagluluto ako ng breakfast at tatawagin na sana kita para bumaba. Saka isa pa, pano ko uuwi kung hindi ka pa magaling?" sunod sunod naman nyang sagot sa sunod sunod kong tanong.
"Pero hindi na ko mainit, kaya kailangan ko nang maligo" reklamo ko, lumapit sya sakin at binalik ang mga damit na hawak ko sa cabinet, hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.
"Hindi ka pa gaanong magaling, baka pag naligo ka mabinat ka. Kaya halika na, kumain ka na lang" sabi nya at hinatak na nya ko pababa.
"Stay here first, tatanggalin ko lang yung apron ko at kukunin yung niluluto ko then kakain na tayo" utos nya at saka ako pinaupo sa sofa.
Pumasok sya sa kitchen at maya maya ay lumabas na syang may hawak na bacon.
"Teka akala ko ba kakain tayo? San tayo kakain dito sa sala?" Tanong ko.
"Tara!" He again said, he hold my hands and lead me to the garden.
"Taray naman ng garden breakfast" natatawa at kinikilig kong sabi "Bakit ang dami namang pagkain, eh, tayong dalawa lang?" tanong ko ng makita ko nang halos lahat ng breakfast meal ay niluto nya.
"Yuh, it's just the two of us, that's why I wanted it to be special" he said then umupo na sa harapan ko.
"Special nga, mga wala pa tayong ligo, eh" natatawa kong sabi, nakita ko kasing di man lang talaga sya umuwi para maligo o magpalit, eh.
Napatingin sya sa damit na suot nya, "Amoy bacon, mabango naman, hayan mo na" natatawa nya ring sabi saka na kami nagsimulang kumain.

BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Ficción GeneralSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?