Chapy 41: Gone

38 1 0
                                    

(((Keira's POV)))

"You really did a great job in changing him huh, walang wala nang bakas ng old Sky!" sabi ni Charms sakin.

Nandito kami sa may garden at busy kumain ng burger habang nakatingin sa direksyon nila Sky na busy gumagawa ng hindi ko alam kung ano.

"Well, hindi naman ako ang may gawa nyan, yung pinsan ko, at inenhance naman ni Sky, so technically, wala akong ginawa" sabi ko habang busy pa rin sa pagkain ng burger ko, ang sarap talaga pag libre.

"Fairness sa inyong dalawa, ah, nagmahal, nasaktan, nagpakulay! pak! ganorn" energy na energy namang sabi ni Ken na katuro pa sa buhok namin ni Sky, natawa na lang tuloy kami ni Charms.

"Grabe no, sobrang pogi na talaga ni Sky, lamang na lamang na sya kila Aris at Sam" sabi naman ni Charms na nakatingin pa rin sa direksyon nila Sky.

"Yung totoo, si Sky ang tinitignan mo o yung pinsan ko?" pambabara ni Ken dito na inirapan na lang nya.

Seeing him from a far, mukha namang masaya sya sa pagbabago nya, fits him perfectly. Lalong nakikita yung kagwapuhan nya kapag masaya sya, kapag ngimingiti kitang kita yung perfectly white teeth ng mokong.

"Kaso parang nahawa sya ng very slight kila Aris" komento naman ni Ken na kinakunutan ng noo ko.

"What do you mean?"

"Babaero na rin si gago, look!" sabi nya, kaya napatingin kami ulit sa direksyon nila Sky.

Nakita naming lahat sila may kanya kanya nang babaeng katabi, hindi lang isa, kaliwa't kanan pa. Napa-iling na lang tuloy ako sa nakita ko.

"That's what he likes, then let them be" sabi ko na lang at tinatinapos ang kinakain kong burger nang makaakyat at makabalik na kami sa room.

"Yung totoo, si Sky o si Aris ang inaano mo dyan?" tanong naman ni Charms na inirapan na lang din ni Ken.

Kaloka tong dalawang to, puro lalaki ang pinagaawayan!

Napatingin tuloy ulit ako sa direksyon nila Sam, it looks like he is really enjoying the new him, bagong bago na nga talaga ang Sky na nakikita ko. Well good for him.

"Alam nyo, nasagap ko sa ibang girls ng college nila, sobrang laki na daw ng pinagbago ni Sky" biglang chika ni Charms.

"Sobrang laki naman talaga, eh, look at him naman, lilevel na kila James Reid ang hotness nya" singit namam ni Ken.

OA nung lilevel kay James Reid sa hotness, ah.

"Gaga, hindi nga lang daw sa looks, eh" saway ni Charms kay Ken na kung makatingin sa direksyon nila Sky, eh, kala mo hinuhubaran na niya ang mga to. Finorward ni Charms ang ulo nya, yung tipong bubulong, ganun "Sabi nila babaero na rin daw sya, madalas nga raw sya makita sa mga bars na iba iba ang katable" pabulong nyang pagtuloy sa chismis nya, bumulong pa sya, eh, malakas naman yung pagkakasabi nya parang hindi rin bulong.

Nang sumunod na araw nadatnan ko sa bahay si Sam at Aris, kausap yung dalawa.

Bumili lang ako ng ice cream sandali, may bisita na kami.

"Kei!?" sabay na banggit pa nila Sam at Aris sa pangalan  ko na may halong gulat pa, pero agad naman itong nawala ng ngitian ko sila.

"Hi" tipid kong bati sa dalawa. Saka na dumiretso sa kusina para kumuha ng lagayan ng ice cream, saka ko sila binalikan para makapagmeryenda na kami.

Sumama ko sa pagkukwentuhan nila hanggang sa mapunta ang topic namin sakin at kay Sky.

"Pak na pak yung changes, eh, noh, #ChangeIsComing" sabi pa nitong si Ken.

"Ganun talaga, bad Keira is gone, hello good Keira na" sabi ko na lang sabay tawa.

"Buti ka pa maganda naging epekto sayo ng change" sabi naman ni Aris kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Ken, saka muling tumingin kay Aris.

"What do you mean?" tanong ni Ken,

"Since last month kasi, mula ng baguhin sya ni Kei, unti unti namin nakitang, nilalamon sya ng atensyong natatanggap nya mula sa iba" sagot nito na kinagulat ko.

"Pero mukha nam....." hindi natapos ni Charms ang sasabihin nya ng magsalita si Sam,

"Hindi sya nagbago?" pagpapatuloy nya sa sasabihin sana ni Charms, "Pag kami ang kasama nya, oo, pero madalas, nakakalimutan nya kami" tuloy nya pa.

"Lumalala pa ang pambababae nya" Aris added.

"Unti unti nang nawawala yung Sky na natagal na naming kaibigan" said Sam.

Muli, nagkatinginan kaming talo nila Ken,

"Did I just created a 2.0 version of my old self?" tanong ko sa kanila "I think I've created a monster" I added.

"No friend, hindi" sabi naman ni Charms.

"Tama si Charms, sabi mo nga, physical lang ang inayos nyo ng pinsan mo, and inenhance ni Sky, so yan ang kinalabasan, kaya wala kang kasalanan" paliwanag naman ni Ken.

"A-ah, Kei, hindi ka nama namin sinisisi ni Sam, wala naman kaming sinisisi" sabi nan ni Aris,

"Alam ko naman, medyo nakonsensya lang ako, kasi kung hindi ko ginawa yan, baka sya pa rin yung Sky na kaibigan nyo" nakasimangot kong sabi,

"Kei, sya pa rin naman yung kaibigan namin, siguro nasobrahan lang sa pagbabago, kaya, di kami sanay, so don't blame yourself" sabi pa ni Sam na kina ngiti ko.

Bigla namang tumawa si Ken, nababakiw na ba sya?

"Tinatawa tawa mo?" masungit na tanong ng katabi nyang si Charms,

"Wala, ngayon ko lang rin kasi narealize na, ang laki laki na rin ng pinagbago ni Kei" malawak ang ngiti sa labi nyang sabi habang nakatingin sa akin, "Yung totoo, ikaw babae! san mo tinago yung kaibigan naming maldita, malandi at ipaktita?" tanong  nya na para bang tinatakot ako, kaya natampal ko sya,

"Ayan, lumabas na ulit!" sabi ni Sam na kinatawa na naman naming lahat.

"Nagpapahinga pa! ginambala mo, eh, ayan nasampal ka tuloy!" sabi ko kaya natawa na naman si gaga,

"Impaktita ka pa, ah" Charms said while still bursting a laught.

"Pero Kei" tawag ni Sam na nakakuha ng atensyon namin, "Salamat pa rin sa ginawa mong tulong kay Sky" he continue na nginitian ko na lang bilang tugon.

Pero sana hindi mawala yung Sky na kaibigan nyo dahil sa nagawa ko.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon