(((Charm's POV)))
"Hi tita, hi tito, sunduin ko na po si Charms" bungad ni Ken sa parents ko na kasama kong naghihintay sa kanya dito sa may garden.
"Sige na Kendra jiha, mag-iingat kayo" bilin naman ni mom na tinanguan namin ni Ken.
"Mom, dad una na po kami, dalawin nyo na lang po kami sa bahay" bilin ko bago sumakay sa kotse ni Ken, tumango naman sila.
"Let's go?" Tanong naman ni Ken ng makasakay na kami, tumango ako pero binukasan ko muna sandali yung bintana ng kotse,
"Bye mom/tita, bye dad/tito" sabay naming sabi saka na umalis.
Habang nagdadrive hindi maawat sa kwento si Ken.
"Si Kei kaya?" Out of the blue nyang tanong, medyo nawala nga sa utak namin si Kei. "Umuwi kaya sya?" Dagdag nya pang tanong.
"Daan kaya tayo sa paburito nyang resto?" Suggestion ko naman, "Para may pasalubong naman tayo for her kahit papano" dagdag ko pa na tinanguan nitong kasama ko.
Hindi kalayuan sa village yung resto kaya mainit-init pa yung pagkain ng makarating kami sa bahay.
"Kei?! Kei?! Keira?!" Tawag ko nang makapasok kami sa bahay. Nagulat naman ako ng makita ko si Kei na ngiting ngiti habang pababa,
"Kei........ Clark?" Gulat na sabi ni Ken nang makita kung sino yung katawanan ni Kei.
"Oh, girls, nandito na pala kayo" masaya nyang sabi ng makababa na sila ni Clark sa harap namin. Talagang magkahawak kamay dapat? Bineso nya kami ni Ken, pero kami ni Ken ay hindi pa nakaka move on sa nakita, parang hindi pa nagpo-process sa utak namin pareho ang nakikita.
"Ah, girls, hatid ko lang si Clark sa may gate huh" biglang sabi ni Kei na iniwan kami sa kinatatayuan namin.
"Ga-galing ba sila sa room ni Kei?" Tanong ni Ken sakin na sinagot ko lang ng kibit balikat.
"So, san pasalubong ko?" Masigla at masayang sabi ni Kei na nakabalik na pala. "Friendships?!" Tawag nya pa sa atensyon namin with matching snap pa.
"Ano?" Mahina kong tanong.
"Sabi ko, kung nasan pasalubong ko" pag-uulit nya sa sinabi nya yata kanina.
"Ah, here" Sabi naman ni Ken sabay abot sa kanya ng paper bag na may lamang food galing sa resto.
"Ayun oh, tara, kainin na natin to" masaya nyang sabi saka pumunta sa kitchen.
Umupo kami ni Ken habang pinapanuod si Kei na nagsasalin at naghahanda ng kakainin.
"It's ready!" masaya nyang sabi "Let's eat" she said then started to eat, pero kami ni Ken pinapanuod lang sya, hanggang sa mapansin nyang hindi pa kami nagsisimulang kumain. "Friendships, may problema ba?" Tanong nya habang may laman pa ang bunganga nya.
"Anong nangyare sa inyo?" Bigla kong tanong.
"Bakit sya nandito?" Tanong naman ni Ken.
"Anong ginagawa nya rito?" Tanong ko ulit.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong ulit ni Ken.
"Bakit magkahawak kamay kayo?" Tanong ko na naman.
"At bakit kayo nanggaling sa room mo?" Mukhang last na tanong ni Ken kaya di ko na dinagdagan.
Si Kei naman imbis na magworry or mataranta sa sunod sunod naming tanong, ngiting tagumpay pa rin sya.
"Friendships, chill, relax, don't panic" sabi nya saka umupo at humarap ng maayos samin. "Sinamahan nya lang ako dito sa bahay okay" ngiting ngiti nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?