Chapy 14: Last Day

44 3 0
                                    


(((Skyler's POV)))

"Parang nadadalas ang pagsasabay ni Clark kay Keira, ah! Sila na ba?" Tanong ni Aris kay Sam.

"Malay ko, saka, paki mo?" Pabalang naman na sagot ni mokong sa kanya. "Teka nga, bakit ba pinapakialaman mo pa si Keira? Kala ko ba yung pinsan ko yung type mo?" Tanong nya.

"Kaibigan kasi ng pinsan mo si Keira, kaya concern din ako sa kanya" sabi naman nitong isa.

"Pero nakikita ko rin naman syang may iba pang kasakasamang lalaki" sabi ni Sam. Itong dalawang to kalalaking tao chismoso!

"Hoy, kayong dalawa, mga abnormal kayo, tapusin nyo na yang tatapusin nyo ng makauwi na tayo, last day na last day nakikialam kayo sa buhay ng may buhay!" Saway ko sa kanila.

Last day na ng second sem, pero ang dami naming requirements na hinahabol dahil last day na rin ng pasahan ngayon. Kasi naman kung kelan pasahan saka magsisikilos, kahit kelan talaga tong dalawang kupal na to!

"Tsk, kung tinutulungan mo kasi kami, tapos na sana kami" reklamo naman ni Aris habang seryosong nagtataype sa laptop nya.

"Oo nga" pagsesecond demonyo pa nitong si Sam, "Palibhasa tapos ka na" dagdag nya pa ng hindi rin ako tinitignan.

"Hoy kupal tong mga to, tumulong na nga ako, naka tatlong page na nga ako bawat isa sa inyo, nahihiya naman ako sa inyo kung ako pa ang tatapos ng 10 pages na reaction paper nyong yan" sermon ko. "Ano ba kasing mga pinaggagawa nyo nung nakaraan!?" Dagdag ko pa.

"Nag basketball kasi kami ni Sam" nakasimangot na sagot ni Aris na inilingan ko na lang.

Nung pauwi naman na kami nakisabay samin yung pinsan ni Sam, wala kasi itong dalang sasakyan kaya nagpapahatid kay Sam pauwi.

"Nasan ba mga kaibigan mo?" Tanong ko.

"Si Charms dumiretso sa bahay ng parents nya, may sakit kasi dad nya, si Kei naman ayun, kasama si Clark" sagot nya.

"Eh, ikaw? Bakit ngayon ka lang uuwi?" Tanong naman ni Aris.

"Nagpatulong pa kasi sakin yung isa naming prof, actually saming dalawa ni Charms sya nagpatulong, kaso nga lang, kinailangan nga puntahan ni Charms si tito, so naiwan ako" paliwanag nya naman.

"Oh wag ka na magalit bro, inutusan sya ng prof kaya ngayon lang sya uuwi, hindi sya nanlalalaki" sabat ko na kinatahimik niya.

"Ah, couz, si Keira at Clark na ba?" Tanong bigla ni Sam sa pinsan nya, chismoso talaga ang isang to, talagang tinanong pa nya, umiling naman ang pinsan nya at saka nagsalita.

"Nope, hindi pa daw, actually hindi naman ata sila nagliligawan" sabi nito.

"Hindi sila nagliligawan, pero parang sila kung kumilos at umasta" sabi ni Aris.

"Oo nga" pagsesecond demonyo na naman ni Sam.

"Ewan ko dun, naglalandian lang yata sila" sabi nito na parang natural na lang ang ginagawa ng kaibigan nya. "Nga pala, couz, sama kayo samin nila Charms sa friday" pag-aaya nya.

"Saan?" Tanong naman ni Sam.

"Chill lang sa bahay" sabi nito.

"Sino sinong kasama?" Tanong naman ni Aris,

"Wala naman, kami lang tatlo ni Charms at Kei, tapos kayo, kung pupunta kayo" sagot nya.

"Sige ba, kita kits sa friday" sagot naman agad ni Sam.

"Hoy Sky, kasama ka sa friday, ah, at happy happy yun, kaya please, paki-iwan muna sa bahay nyo ang galit mo kay Kei at ang phone mo" sabi nito sakin. Bakit naman pati phone?

"Teka, bakit pati phone?" Anggal ko.

"Kasi for sure di ka namin makakausap pag kaharap mo yang phone mo!" Sabi nya at magsasalita pa sana ko nang huminto na ang sasakyan, nasa tapat na pala kami ng bahay nila. "See yah" masaya nyang sabi bago pa tuluyang makalabas ng kotse.

"Ano san tayo?" Tanong ni Sam ng makalabas na kami sa village ng bahay ng pinsan nya.

"Kain muna tayo guys, napagod ko mag-imbento ng mga kung anu-ano para dun sa reaction paper na yun" reklamo ni Aris.

"Tsss, kahit naman wala kang ginagawa pagod ka!" Sagot ko na lang. Pero dumiretso pa rin kami sa resto na madalas naming kainan.

Tahimik kami habang kumakain dahil mukhang gutom nga ang dalawang to na nasa harapan ko, nang mapansin kong nagkatinginan sila bago muling tumingin sakin.

"Problema?" Mahinahon kong tanong habang ngumunguya.

"W-wala" sabay naman nilang sabi saka nagpatuloy sa pagkain, nacurious tuloy ako sa kinilos ng dalawang to, kaya ginala ko ang mata ko sa buong resto, at sa di kalayuan ay nahagip nito ang pamilyar na mukha.

"Si.... Si Evelyn" maniha kong sabi kaya napatigil yung dalawa sa pagkain.

"Man, wag" pagpigil agad sakin ni Aris.

"Sky, kasama nya yung boyfriend nya, baka magkagulo pa" dagdag pa ni Sam.

"Alam nyo, tara na, medyo late na rin kasi, umuwi na tayo, tara Sam, Sky!" Sabi naman ni Aris na medyo pabulong.

"Bro come on" sabi pa ni Sam nang hindi ko napansing nakatayo na pala sila. Hindi ko naman na sila pinahirapang pilitin akong pauwiin, kaya nagkusa na kong tumayo at nauna pang maglakad papunta sa kotse ni Sam.

Hindi naman panget ang naging relasyon namin na tumagal halos ng tatlong taon, I always exert an effort para di sya magsawa sakin at para lagi syang masaya which is lagi ko namang nagagawa, kaya hindi ko alam kung pano nauwi ang tatlong taong relasyon namin sa hiwalayan.

"Man, ayos ka lang?" Tanong ni Aris sakin mula sa rear view mirror ng sasakyan, tumango lang ako saka binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Mga ganitong pangyayari ang mahirap intindihin, eh, yung akala mo okay kayo tapos bigla na lang matatapos ng walang dahilan. Yung hindi mo sya binigyan ng dahilan para iwan ka, pero iniwan ka pa rin nya!

"Bro, gusto mo ba ng kausap? Over night na lang kaya kami ni Aris sa inyo?" tanong ni Sam sakin na nagpabalik sakin sa reyalidad, saka ko lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"Oo nga man, pwede naman kami mag-over night sa inyo anytime diba?" Sabi naman ni Aris. Ang dalawang to, kunware gusto nilang makipagkwentuhan sakin, but the truth is, ayaw nilang iwan ako kasi alam nilang baka puntahan ko sya. Nginitian ko sila.

"Hindi ko sya pupuntahan, don't worry, I'm fine" sabi ko saka na bumaba ng sasakyan. "Salamat sa paghatid" sabi ko pa bago ako tuluyang pumasok sa gate, pero parang ayaw nila maniwala sa una kong sinabi dahil hindi sila umalis hanggat hindi ako nakakapanik sa kwarto ko. Tinawagan ko si Aris habang nakasilip ako sa bintana.

"I won't chase her, go home" I said saka pinaypay na palayo ang mga kamay ko dahil alam ko namang nakatingin sila sakin kahit na hindi ko sila nakikita.

"Ito na nga paalis na" sabi naman ni Sam sa kabilang linya, at saka na nga umandar palayo ang sasakyan kaya pinatay ko na ang phone ko at nahiga sa kama.

Kinalkal ko ang phone ko na hanggang ngayon ay sya parin ang lock screen at wallpaper.

"Sana binigyan mo ako ng warning na pagod ka na pala satin, sakin, at sa relasyon natin. Sana ginalit mo na lang ako ng husto para hindi ako nahihirapan ng ganito" sabi ko sa picture nya.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon