Chapy 36: Shattered

47 3 0
                                    

(((Keira's POV)))

My life has been messed for almost two months!

Leche kasing tadhan yan ang galing galing nya makipaglaro ng gaguhan sakin. Pinaniwala nya ako sa mga bagay na hindi naman pala totoo!

Pag nakilala ko talaga yang tadhanang yan, ipapasalvage ko sya tapos ilalagay ko sya sa drum at ipasesemento ko yun, saka ko ipatatapon sa ilog, ay hindi pala, sa Pacific Ocean na lang!

Nandito ako sa room ko at halos isang linggo nang hindi lumalabas o kumakain, hindi ko feel ang humiwalay sa kama ko. Kahit ang kausapin sila Ken at Charms hindi ko feel, baka kasi pag hinayaan ko ang sarili kong kausapin at makita sila hindi ko na mabuo ulit ang sarili ko. Feeling ko kasi pag sinabi ko sa kanila ang nararamdaman ko tuluyan na akong mawawasak, at natatakot akong mangyare yun.

"Kei?" rinig kong tawag ni Charms mula sa labas ng room ko, sa tono ng boses nya, ramdam kong nag-aalala na sya.

"Friend, papasukin mo naman na kami, we missed you already" sabi naman ni Ken.

Isang linggo ko na rin silang hindi nakikita at nakakausap, kahit magkakasama kami sa iisang bahay, namimiss ko na rin sila. Pero kahit sobrang miss ko na sila, hinayaan ko lang magdaldal sila sa mula sa labas.

"Hoy Keira! ano ba! kanina pa kami nagdadaldal dito, ah! isang linggo mo nang binuburo ang sarili mo sa kwarto mo! hindi ka pa ba nagsasawa?!" biglang sigaw ni Ken na nakapagpabalik sa lutang kong isip.

Dahil doon napatayo ako sa kama at binuksan na ang pinto ng room ko.

"Buti naman buhay ka pa!" Bungad ni Ken sakin.

"Ano bang balak mo sa buhay mo Kei ha?!" sabi ni Charms nang makapasok sila sa room ko.

"Ano hindi ka pa rin papasok? ano ba talagang gusto mong mangyare? magpapakamatay ka ba? buburuhin mo ba talaga sarili mo dito?!" sunod sunod na tanong ni Ken na ang sama na ng tingin sakin.

Pakiramdam ko dalawang nanay ang nanenermon sakin ngayon, natouch ako in a way, pero mas nangingibabaw yung sakit, kasi hindi nila naiintindihan yung nararamdaman ko, hindi nila nagegets yung gusto ko, hindi nila nararamdaman yung sakit na unti unti nang lumalamon sakin.

"Ano napanis na ba ang laway mo at nalunok mo na ang dila mo kaya hindi mo kami masagot?" bigla ulit sabi ni Ken na nagpabalik na naman sa lumulutang kong utak.

Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na mukhang galit, pero I can see deep in their eyes that they are just worried about me, and through that, my tears started to fall.

"You guys couldn't understand me, kahit kailan hindi nyo ko maiintindihan! kasi hindi kayo yung nasa sitwasyon ko!" sigaw ko sa dalawa. "I feel so damn useless, buhay pa ko pero feeling ko nililibing na ko, feeling ko unti-unti na kong nalalagutan ng hininga dahil sa mga nangyayare sa buhay ko!" I added.

"Kei, kasi nandito pa naman kami" Charms said in a calm tone.

"Pero pakiramdam ko wala kayo, kasi para sa inyo lahat ng ginagawa ko mali, para sa inyo masama ako at walang kwentang babae"

"That's not true Kei!" sabi naman ni Ken.

"But that's how I feel!" sabi ko saka na nag-walk out.

Tumakbo ako palabas ng bahay kahit na naka shorts at plain v-neck shirt na black lang ako, ni hindi ko nga alam kung mukha pa rin ba akong tao, eh. Buti na lang may taxi na dumaan, nagpahatid ako sa isang mall para bumili ng descent cloths, pati na rin sapatos, naka tsinelas lang kasi ako, buti na lang rin at kahit naiwan ko ang phone ko, dala ko ang wallet ko.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon