Chapy 43: Nakaraan

35 0 0
                                    

(((Charms POV)))

After namin manuod ng spoken poetry contest, dumiretso kami sa isang resto para magmeryenda, pero di namin inaasahang may spoken poetry ring nagaganap dito.

"Kei, di ka pa ba nauumay sa mga spoken words na yan?" tanong ni Aris, pero nginitian nya lang ito saka umiling.

"Maganda naman sa tenga, lalo na pag magaling yung nagdedeliver nung lines" sabi ni Sam.

"Trut, parang yung spoken words ni Sam kanina, nakakabwisit lang talaga yung laman" pagsang-ayon ni Kei sa sinabi ni Sam.

Habang kumakain kami, bigla kong nakita si Clark kasama si Trina, pumwesto sila sa dulo malayo samin, buti na lang at mukhang di nila kami napansin.

Matutuwa na sana ko ng matapos ako kumain, eh, kaso ang tagal magsikain ng mga kasama ko. Hanggang sa isang babae ang tumayo sa stage at pinerform ang kanyang spoken words na tungkol sa mga pafall na di ko alam
bakit lahat ata ng tao dito ay nakakarelate.

After nung babae wala namang sumunod agad, nagulat ako ng tumayo si Kei,

"Kei, washroom ka? sama" sabi ko, patayo na sana ako ng pigilan nya ko.

"Stage ang punta ko" she said while smiling at iniwan na ko,

"May piece din sya?" tanong ni Ken,

"Baka naman tungkol sakin yang tula nya?" biglang sabi ni Sky.

"Bakit mo nasabi?" tanong ni Sam.

"Yung tula mo kanina tungkol saming dalawa, yung babae kanina tungkol sa kanya, oh isa na lang kompleto na" paliwanag nya,

"Shhh, wag na nga kayo mainggay, pakinggan na natin si Kei" saway na lang ni Aris kaya tinuon na namin yung pansin namin kay Kei na nasa stage.

"Hi, good afternoon guys, I'm Keira Raven, and I just want to share my first ever spoken poetry, kaya ito na, Atin nang simulan, upang bago lumabas ang buwan ay makabalik na ako sa aking upuan, ang title nito ay Nakaraan" panimula nya, pumikit sya saglit bago tuluyang mag-umpisa.

"Mayroon akong dalawang taong nais patungkulan nitong aking tula,
ang dalawang tao na nagkaroon ng malaking parte sa nakaraan ko,
nakaraan na pilit ko mang kalimutan,
takasan at burahin sa aking isipan,
ay hindi pa rin nawawala,
Dahil alam ko, alam kong kailan man di na sila mawawala.

Uunahin ko na ang aking dating kaibigan.
Bago ang lahat,
hayaan mo muna akong kamustahin ang iyong kalagayan,
Bess, kamusta na?
Mabuti naman buhay ka pa,
akala ko nilamon ka na ng galit nang malaman mong jowa moy aking inakit,
Sinabihan mo pa nga akong walang malasakit.
Pero bess, hindi yan totoo, mali ang yong inisip,
kaya siguro pagkakaibigan nati'y di nasagip,
dahil ako'y masyadong nagmalasakit.
Pinili mong maniwala sa kanya nang hindi pa naririnig ang nais sabihin ng aking bibig.
Kaya hayaan mong magkwento ako,
nang malaman mo na kung ano ang totoo.
Ilang buwan pa lang nang ipakilala mo sya,
Nakita ko na sya ay may ibang kasama,
Itinago ko ito, nilihim at sinekreto sayo,
Kasi ayokong isipin mong mali na naman ang desisyon mo.
Inakit ko sya at pinaniwalang ako'y gaya rin ng iba,
pero ako'y kanyang nabisto,
at nang mahuli mo na sya sa akto,
ako na ang lumabas na mali sa kwento.
Bess, kung sakin ka lang naniwala,
baka wala ka sa nakaraan dito sa aking tula.

Itong sunod ay para sa lalaking pinaikot ako, at pinaasa ng todo.
Chlorine, Argon, Potassium, para to sayo.
Hindi ikaw ang unang lalaking nakahalik sakin, oo
pero ikaw, ikaw yung unang dumurog sakin ng husto.
Nung una, hindi ako naniniwala sa salitang tama na, sapat na at mahal kita,
pero nung dumating ka at nakilala kita,
pananaw ko'y nag-iba,
ewan ko ba,
bakit pa ko naniwala sa salitang iba ka!
Well, totoo nga naman, iba ka!
Kasi sa lahat ng lalaki, namumukod tanggi ka!
Yang mapupungay mong mga mata na kung tignan ako, ay para bang ako lang ang nakikita
Yang amoy mo na mula ng malanghap ko ay hinanap hanap ko na.
Yang labi mo na kakulay ng mansanas sa sobrang pula na tila ba walang ni isang kasinungalingan ang lalabas pa.
Yang nga kamay mo na gustong gusto kong hawakan sa tuwing tayo'y sabay na lumalakad.
Yang mga katanggiang yan,
ang mga katanggian bumulag sakin sa katotohanang, ikaw ang lalaking hindi ko dapat kailan man pinagkatiwalaaan,
Dahil, dahil sa likod ng mapupungay na mga matang yan, nagtatago ang galit.
Yang amoy mo na amoy pala ng nagbabalat kayong mapagmalasakit,
Yang mga labi mo na wala palang ibang lumabas kung hindi puro kasinungalingan,
at yang mga kamay mo na hindi ang mga kamay ko ang nais hawakan kung hindi ang aking kaligayahan.
Nga pala, bigla kong naalala, yung limang buwan na tayo'y parating magkasama,
Sa limang buwan na yun,
Bigla akong nabago, at
Ikaw, ikaw ay minahal ko ng husto,
pero huli na ng malaman kong nagkamali na naman ako,
Nagtiwala na naman ako sa maling tao,
kasi nga akala ko yun na,
akala ko ikaw na,
pero mali, mali na naman pala ako, kasi ikaw, ikaw pala ang magiging karma ko.
Kung alam ko lang, kung alam ko lang,
Sana hindi ko na hinayaan ang sarili ko na mahulog sayo,
kaya salamat at parte ka na lang ng nakaraan ko.
Para sa inyo, alam kong alam nyo kung sino kayo,
kaya may isang mensahe lang ako,
Salamat,
Salamat sa pilat, sakit at pasakit na binigay nyo,
dahil sa inyo mas naging matatag ulit ako"

Napanganga kami sa laman ng piece na yun. Si Sky hindi ata inaasahan ang maririnig kay Kei. Habang speechless ang mga kaibigan ko, napatingin ako dun sa dalawang taong laman nung tula. Parehas silang namumutla at medyo tulala.

Nakita kaya sila ni Kei?

Napatingin tuloy ako kay Kei bigla, is she okay?

Alam kong hindi, pero here she is, smiling and pretending that nothing is wrong.

"Ang ganda, tara na, uwian na, may nanalo na" pag-aasar ni Ken na kinatawa na lang namin.

"Dahil dyan, treat tayo ni Sam!" sabi ni Kei,

"Woh, teka, bakit ako?" tanong naman nitong si Sam.

"Kasi ang pangit ng tula mo" biglang sagot ni Sky na nagpatigil sa pagtawa namin. "Tara na umuwi na tayo" dagdag nya pa at nauna nang tumayo para lumabas.

"May regla na sya, tara na uwi na tayo, bayad ka na Sam" sabi naman ni Kei na sinundan na si Sky kaya tumayo na rin kami nila Aris at Ken, para no choice na si Sam kung hindi ang bayaran yung bill namin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon