Chapy 52: Sign

48 1 0
                                    

(((Kei's POV)))

"Nakakapagod pala maghanap ng pwedeng pag-OJThan" reklamo ni Ken habang naglalakad kami papasok sa isang mall.

"Makapagreklamo ka, eh, company nyo, company namin at company ng ninang ni Kei lang naman yung pinuntahan natin!" suway ni Charms sa kanya.

"But still, ang lalayo ng distansya nila sa isa't isa, kaya nakakapagod" reklamo nya pa rin.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo, ni hindi ka nga nagdrive nagrereklamo ka pa!" sumbat ko naman na kinasimangot nya.

"Oo na nga, pagtulungan daw ba ko" reklamo nya sabay pout, jusme ang tanda nya na for that kind of facial expression, ah.

"Tigilan mo nga yang pag-pout, hindi cute, nakakairita!" pagsusungit na naman ni Charms.

Dumiretso na lang kami sa isang restaurant para kumain.

"Nga pala Kei, ano yung laman nung box na binigay ni Sky sayo kagabi?" biglang tanong ni Charms habang inaantay namin yung order namin,

"Dream catcher" casual kong sagot na tinanguan na lang nila.

"Alam nyo mga friendship, pansin ko lang, hindi na kayo nagbabangayang dalawa, ah" sabi ni Charms na may halong panunukso pa ang tono,

"Pansin ko rin yun, friend" sabi naman ni Ken na tinignan naman ako nang makahulugan,

"Alam nyo kayo, ang dami nyong napapansin. Can't you guys just be happy na sa wakas nagkakasundo na kami?"

"Sabi mo, eh" sabi na lang ni Charms, sakto namang dumating na yung inorder namin.

"Pero friend" sabi ni Ken, referring to me, "Ang lakas maka movie nung exit nyong dalawa kagabi, ah" kinikilig nyang sabi na inilingan ko na lang,

"Kumain ka na Ken!" suway ko na lang.

Nung paalis naman na kami, may nakita akong pamilyar na mukha,

"Is that him?" mahina kong tanong sa sarili,

"Wait, is that Sky?" biglang tanong ni Charms na may kasama pang pagturo sa way kung saan ako nakatingin.

"Oo nga, and whose that girl?" sabi naman nitong si Ken sabay tingin sakin.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sakin?" pagsusungit ko,

"Baka lang kasi kilala mo" sabi nito, kaya napatingin ulit ako sa kinalalagyan nila.

Nakatagilid si Sky sa way namin at nasa harap nya ay isang magandang babae, maputi, medyo blonde ang straight na may kulot sa dulo nitong buhok at mukhang may lahi. Seryoso silang nag-uusap dalawa.

"Ngayon ko lang sya nakita" mahina kong sabi. "Tara na nga, umuwi na tayo" sabi ko at nauna nang lumabas ng resto.

Si Charms na ang pinagdrive ko, at sa likod na ko naupo, nagkukwentuhan yung dalawa, pero parang hindi ko sila marinig o maintindihan.

"Kei!" sabay na tawag nila Charms sakin na nagpabalik sakin sa realidad, doon ko lang napansin na nasa bahay na pala kami.

"Hey, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Charms ng makapasok kami sa bahay.

"Oo naman, akyat na ko" paalam ko na lang saka na umakyat sa room ko.

Agad bumungad sakin ang dream catcher na nasa itaas lang ng head board ng kama ko. Napasimangot na lang ako.

"Gosh Keira! hindi ka dapat nagsiselos, wala kang karapatang magselos, kaya hindi mo dapat nararamdaman yan. Isa pa, kaibigan ka lang, you two were just friends, friends! nothing more nothing less! isaksak mo yan sa utak mo kung ayaw mong masaktan at umiyak ulit" sermon ko sa sarili ko saka bumuga ng hangin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon