Chapy 4: War

81 8 0
                                    

(((Kendra's POV)))

Nandito pa rin kami nila Kei at Charms sa likod ng campus, with my cousin Sam and his friends na sila Aris at Skyler.

Looks like, kakilala na nila Sam si Kei.

Yun nga lang, umandar ang pagiging ulyanin ni Kei, kaya nakalimutan nya agad tong mga lalaking to.

Maganda nga ang kaibigan kong to, ulyanin naman.

Pano naman kaya sila nagkakilala?

Nanahimik si Kei sandali, halatang iniisip kung san nya nakilala sila Sam.

Panigurado isa sa tatlong to muntik na kay Kei.

"Ah, mr boastful!" sabi nya bigla habang nakaturo sa pinsan ko.

Then tinignan nya yung medyo nerd na kasama nila na busy sa phone nya at tunuro "Tapos, sya si Mr. Stupid!" bigla nyang sabi

Dahil busy nga yung lalaki sa phone nya, hindi nya alam na sya yung stupid na sinasabi nito. Pero nang tignan nung boy si Kei, nanlaki ang mata nya.

"Ikaw!" medyo malakas at medyo galit na tonong turo nya kay Kei.

Napahawak naman si Kei sa dibdib nya, mukhang na-offed ang bruha?

Ano naman kaya ang kasalanan nya sa kaibigan ni Sam?

"Bakit? may problema ba?" tanong ni Charms sa kanilang dalawa.

"Ikaw ang dahilan kung bakit lalong nagalit si Evelyn sakin! masyado ka kasing pakialamera!" sigaw nung lalaki habang nakaturo kay Kei.

"Bro chill, babae pa rin yan, you don't need to shout at her" saway ni Aris.

Si Kei naman hinarap ko sandali.

"Kei, ano na naman to?" masungit kong tanong.

"Ken, wala akong ginagawa sa kanyang masama, in fact, tinulungan ko pa nga yan eh!" protesta naman ni Kei habang nakaturo dun kay Skyler.

"Tinulungan? mas pinalala mo pa nga yung sitwasyon!" sabat naman ni Skyler.

"Pinalala? wow, ah, sorry at sinave kita sa pagpapahiya sayo nung babaeng yun, kapal ng lalaking to!" sagot naman ni Kei.

At ayun na, nagsimula na sila ng debate. Nakatitig lang kaming apat dun sa dalawa na nagsasagutan, titingin kami dun sa kung sino ang magsasalita, at aabangan naman kung ano ang isasagot nung isa.

Ngayon ko lang nakita si Kei na lalaki ang kaaway at hindi ang mga babaeng ex ng mga ng lalaki nya. In fairness walang pinagka-iba, mahadera pa rin sya kahit lalaki ang kaaway nya.

"Talaga, you must be sorry, dahil sa'yo wala na kong pag-asa kay Evelyn"

"Ewan ko sayo, totoo nga yung sinabi nung babae sayo, stupid ka!" sabi naman nitong si Kei.

"Hey Kei, watch your mouth!" bulong ko.

"Oh di ikaw na matalino!" sabat naman ni Skyler.

"Talaga" mataray na sagot ni Kei.

"Pakialamera!" sabi ulit ni Skyler.

"Sinabi nang hindi kita pinakialaman, eh, ikaw na tong tinulungan, ako pa ang naging pakialamera! Ano ba naman yung mag thank you man lang diba!" protesta na naman ni Kei. "Napaka walang manners talaga" dagdag nya pa sabay irap at cross arms pa.

"Sinabi na ngang hindi naman nakatulong yung ginawa mo. Lalo lang akong nawalan ng pag-asa kay Evelyn dahil sa pakikialam mo! So why should I thank you?!" sabat na naman ni Skyler.

"Hoy excuse me, matagal ka nang walang pag-asa sa babaeng mukhang palakang yun. Kita mo ngang lumuhod ka na't lahat tinalikuran ka pa rin, eh. Kaya pwede ba, wag kang naninisi dyan!" pagtataray lalo ni Kei.

"Makatawag ka nang babaeng mukhang palaka sa kanya, kala mo naman ang ganda mo" pagtatangol naman ni Skyler dun sa kung sino man ang tinutukoy nila.

"Oo kaya, di hamak naman na mas mukha akong dyosa kesa sa kanya" pagbubuhat ni Kei sa sarili nyang bangko .

"Wow, ang kapal lang" sagot naman nitong isa.

"Ganun talaga!" sagot naman ni Kei, at tumalikod na, ganun din naman ang ginawa ni Skyler.

"Ano, tapos na po ba ang debate nyo?" tanong ko in a sarcastic tone, oero hindi ako pinansin nung dalawa.

"Ahm, ano bang nangyayare?" tanong ni Charms.

Lumipat kami ni Charms ng upuan at tumabi kay Kei, kaya sila Sam, sa harap namin naupo, kaharap ni Kei si Aris, si Charms naman, kaharap si Sam at kaharap ko si Skyler.

"Pano ba nagkakilala, at nag krus ang landas ng dalawag to?" tanong ko habang nakaturo kay Kei at Skyler.

Kinuwento naman nila Sam samin ang nagyare. At pag si Sam ang nag kwento, the best, madaming labis madami ring kulang, kaya laging sumasabat yung Aris.

Paki-alamera talaga naman kasi nitong si Kei, eh. Pero sa bagay, tanga nga talaga tong si Skyler, at kampi ako kay Kei this time.

Hindi na namin pinag-usapan pa yung problema nung dalawa. Tutal nananahimik naman na sila, at baka kami pa ang pagbuntunan nila. Nagkwentuhan na lang kami nila Charms, Sam at Aris.

Hanggang sa mag-aya na si Kei na pumunta na sa next subject namin.

"Guys, next time na lang ulit, may next class pa kasi kami, eh" paalam ni Charms pagtayo namin.

Nauna nang umalis ai Kei, kaya naman nagmamadali rin kami ni Charms.

"Ah, girls, birthday kasi ni Aris sa Saturday, diba couz half day lang kayo sa Saturday, baka pwede kayong pumunta" pag-i-invite ni Sam samin.

Ang kapal ng pinsan ko, kala mo sya ang may birthday.

"Sam, kapal mo rin noh, kala mo ikaw ang may birthday, nauna ka pang mag-invite" saway ko sa kanya.

"No girls, it's okay, tutal naunahan lang naman nya ko" sabi naman ni Aris.

"Okay, sige sa Saturday na lang, susundan pa namin si walk out princess, eh" sabi ko naman saka na nagmadaling umalis, baka kung saan kasi magpunta yung isang yun, eh.

"Hay naku, nakakagutom, parang gusto ko ng carbonara" pagpaparinig ni Charms habang nagmamadali kaming maglakad, mukhang alam ko na kung san papunta to, ah! "Ken, luto ka later, ah, daan tayong grocery after class" sabi nya sabay kawit pa ng mga braso nya sa braso ko at niyugyog pa yun. Tumango na lang ako dahil wala naman akong palag sa isang to.

Palibhasa hindi mga marunong magsiluto, eh, kaya ako ang naging cook sa bahay, itong si Charms ang taga-linis, si Kei naman, taga kain, taga kalat at taga hugas ng pinggan.

Habang nasa room kami, nirereto ko na ang cute kung pinsan kay Charms, kahit naman kasi malandi tong si Charms, loyal naman to, eh.

Nag-chichikahan kami ng magtext sakin ang mama ni Kei.

"Ah, friend" tawag ko sa atensyon ni Kei na busy pumikit habang nakasalpak sa tenga nya ang headset nya.

Tinanggal nya yung isang headset sa tenga nya at tinignan ako.

"Ah, friend, nagtext kasi si tita. Aalis daw sya, she's trying to call you, bakit daw hindi ka nya macontact?" tanong ko habang pinapakita yung text ng mama nya sakin.

"Replyan mo, sabihin mo wag na sya bumalik!" sagot nya saka binalik na ulit yung headset nya sa tenga nya at dinukdok na ang ulo nya sa desk.

Cold hearted much naman ng kaibigan kong to, tumingin na lang ako kay Charms.

"Pabayaan mo na yun, replyan mo na si tita, sabihin mo inggat sya, then sabihin mo na lang busy ang paasa nyang anak!" utos nito na ginawa ko na lang.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon