(((Keira's POV)))
"Kei are you sure hindi ka sasabay samin?" Tanong ni Ken na naka-uniform na at ready to go na, hindi naman maaga ang pasok namin, pero gustong pumasok ng maaga nitong dalawa,
"Yup, ayoko pumasok ng maaga, eh" sagot ko naman. I tried my best to smile for them not to worry.
"Papasok ka ba talaga?" tanong naman ni Charms na tinanguan ko at tinaas ko pa ang right hand ko as a sign of promise. Kaya iniwan na nila ako.
Isang linggo na ang lumipas mula ng magsimula na naman ang panibagong semester, at sa limang araw na pasok namin, apat na beses na akong absent. Okay lang naman dahil wala pa naman nagpapakitang professor. Pero ngayon, for sure magsisipasok na sila, kaya labag man sa loob ko, papasok na ko.
Dalawang linggo naman na mahigit ang lumipas mula ng huli ko syang makita at makausap, at sa loob ng dalawang linggo na yun, hindi pa rin ako nawawalan ng hope na magpapakita sya ulit sakin.
Papasok na ko, hindi para makita ang bagong mga professors at block mates ko, kung hindi para makita ko na sya ulit.
I was about to park my car in the campus parking, nang unahan ako sa parking space ng isang nakakabwisit na babae, alam ko dahil sinadya nyang ibaba ang window nya para ngisian ako, the hell I care, ang lawak lawak ng parking dito sa campus nakikipag-unahan sya, pathetic!
Nang marating ko ang room namin agad akong hinarang nung dalawa.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Friend, kasi, nagugutom ako, eh, pwede ba baba muna tayo sa cafeteria?" Tanong ni Charms "My treat!" Pahabol nya kaya napatingin ako ng seryoso sa kanya.
"Aba bago yan Charms, ah, anong meron?" Tanong ko.
"Grabe, tara na bago pa magbago ang isip ko" sabi nya saka na kami nagpunta sa cafeteria.
Pagpasok pa lang namin, ang dami ng tao, pero nakatingin sila sa dulong part ng cafeteria, para kasing may nagpopropose or something doon, dahil dakilang chismosa si Ken, hinatak nya kami ni Charms doon.
May babaeng nakapiring na naka-upo sa nag-iisang upuan na pinalilibutan ng mga petals of roses,
"Ay ang taray, swerte naman this girl" sabi ni Ken na kung makangiti kala mo sya yung ginawan ng surprise,
Nang tanggalin ng isang babae yung piring nung babaeng naka upo, bigla na lang lumadlad ang isang tarpaulin sa harap nya na may nakasulat na "happy second anniversary mahal".
Ngayon ko lang napansin, yung babaeng naka-upo, sya? bakit sya?
Kasabay ng pagladlad ng tarpaulin, bigla na lang din nagplay yung kanta ni Yeng Constantino na Ikaw. Tapos bigla na lang may lumabas na lalaki mula sa likod ng kumpol ng mga tao. Bigla na lang nagpalakpakan yung mga tao sa paligid ko,
"Congrats"
"Happy anniversary sa inyo"
"Sweet naman"
"Kiss"
Sunod sunod at paulit ulit na sigaw ng mga tao sa paligid ko, pero ako parang na-estatwa sa kinatatayuan ko, hindi ko alam pero gusto kong umalis sa kinaroonan ko, pero hindi ako makagalaw, feeling ko bigla akong binuhusan ng tubig na may yelo na mula pa sa Antartika.
"Kei!" Tawag ni Charms sakin habang niyuyugyog ang braso ko na hawak nya na syang nagpabalik sakin sa mga senses ko.
Tinignan ko sila ni Ken at nang tignan ko yung babaeng sinorpresa ng lalaking mahal ko na, ay parehas na silang nakatingin sakin, gusto ko nang lamunin ng lupa, pero hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sakin at naglakad ako papunta sa tapat ng dalawa, and all of a sudden, I found myself lying on the floor habang hawak hawak ang buhok ng babaeng mang-aagaw na to na nakapatong sakin at hawak hawak na rin ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?