Chapy 12: Visitors

43 4 0
                                    

(((Skyler's POV)))

Ginising ako ng dalawa kong kupal na kaibigan dahil daw may pupuntahan kami! Saan naman kaya kami pupunta ng ganto kaaga? Ni hindi pa nga lumiliwanag!

"Sky dali na! kilos na!" Pagpapamadali pa ni Aris nang maimulat ko ang mga mata ko.

"Saang lupalop naman ba ng Earth ang punta natin at wala pang alas syete nang-aabala na kayo!?" Tamad at antok ko pang tanong.

"Sa ospital man!" Sabi naman ni Sam na nagpamulat ng malaki sa mata ko.

"Bakit? Sinong nasa ospital?"

"Mamaya mo malalaman dali na kilos na!" Sabi ni Aris na tinulungan pa akong tumayo mula sa kama ko.

Kaya wala na akong nagawa kung 'di ang gawin ang inutos nila. Hindi naman masyadong malayo yung ospital na sinasabi nila, kaya narating namin ito twenty minutes before mag-eight. Tuloy tuloy kami sa fourth floor at sa kaduluduluhang room.

"Teka, teka, teka, sino bang nasa loob ng kwartong yan?" Pagpipigil ko nang akmang bubuksan na sana ni Sam ang doorknob.

"A friend" sabi nya sabay ngiti at bukas sa pinto.

Agad namang bumungand sakin ang tatlong babaeng peaceful na natutulog, yung dalawa nakayuko lang sa magkabilang gilid ng hospital bed at ang isa naman ay ang mismong nakahiga sa hospital bed, may benda sa ulo at mangilan ngilang gasgas sa braso,

Yung pakialamerang babae na ulyanin!

Anong namang nangyare sa kanya?

Hindi ko pa rin makuhang makipag kaibigan sa kanya kahit na tinulungan ko na sya minsan, kahit pa maging kaibigan ko yung dalawa nyang kaibigan, mukha yatang malabong magkasundo pa kami nitong babaeng to. Mukhang pinagtatagpo lang kami ng tadhana para bwisitin at awayin lang ang isa't isa.

"Napaaga ata tayo mga brad" sabi ni Aris sabay tingin saming dalawa ni Sam.

"Mga sira ulo kasi kayo! Ginising gising nyo pa ko ng maaga!" Reklamo ko naman. Nagsisihan pa yung dalawa kaya tuloy nagising yung pinsan ni Sam.

"Couz?" Patanong at mahinang tawag nya kay Sam, halatang antok na antok pa ito dahil pikit pa ang isa nyang mata.

"Couz, dito ba kayo natulog? Hindi kayo umuwi?" Tanong ni Sam, abnormal na tanong alam ko, kaya napakunot na lang ang noo ko sa tanong nya.

"Bro, isn't obvious?" Pabalang namang sabi ni Aris.

"Oo nga couz, but by the way, bakit naman napaka-aga nyo?" Tanong nito nang tumayo sya at magpunta sa c.r.

"Ito kasing si Aris excited makita ka" panlalaglag ni Sam, na nakagising naman dun sa isa pang babaeng natutulog, if I remembered it correctly her name is Charm?

Napatingin muna ito sa kaibigan nyang nakahiga sa hospital bed bago ibinaling ang paningin samin, saka tumingin sa wrist watch nya bago magsalita.

"Oh, bakit ang aga nyo namang bumisita?" tanong nya rin at agad na pumalit sa pinsan ni Sam na kalalabas lang ng c.r.

"That was what I am asking them earlier" sabi naman din nung pinsan ni Sam.

"Couz, kasi nga namiss ka na ni Aris!" Pag-uulit naman ni Sam sa sagot nya rito kanina. Kaya napa fake smile ang pinsan nya sa kanya saka ito tinignan ng masama.

"At ikaw naman namiss mo si Charms, ganun?" Tanong nya na may halong pang-aasar pa sa pinsan na kinawala ng ngiti ni Sam at ginrab naman ni Aris as opportunity para makaganti.

"Who's missing who?" Walang ideyang tanong naman nung Charms paglabas nya ng c.r, may s pala ang pangalan nya kala ko kasi Charm lang.

"He misses you" diretso at walang pakundangang sabi nung pinsan ni Sam sa kaibigan habang nakaturo pa sa pinsan nya ang pointing finger nito, bahagyang nagkatinginan pa si Sam at yung Charms at nakita namin ni Aris yun at sabay pa silang nag-iwas ng tingin kaya natawa kami pareho nitong si Aris.

"Hashtag inlove pumapag-ibig 🎶🎶🎶" sabay naming kanta ni Aris na kinatawa rin ng pinsan ni Sam.

"Hey, tama na nga yan, manahimik muna kayo, mamaya magising pa tong si Kei kakatawa nyo, eh!" Saway nung Charms samin kaya nanahimik na kami.

"Upo muna kayo" alok nung pinsan ni Sam nang makaupo sya sa mini salas, kami naman ay sa tapat nila umupo.

"So, ano nga palang nanyare kay Keira?" Tanong ni Aris.

"Hoy Aris, pati ba si Keira type mo?" Pang-aasar ni Sam "Be loyal to my cousin naman!" Dagdag nya pa na inilingan na lang nitong si Aris! Palibhasa yung pang-aasar nya kay Aris kanina hindi umubra, eh!

"Gago mo pre, manahimik ka na nga!" Saway ko na lang.

"Accident, she was about to hit a truck, but someone rescued her, so yun, nung tumilapon sila sa gilid ng kalye nabagok sya, hindi pa nga sya gumigising, eh" sagot nung Charms.

"Bakit naman sya mabubunggo? Di ba sya marunong tumawid?" Tanong ko,

"She's running away that's why!" Maarteng sagot naman ng pinsan ni Sam.

"Eh, kung hindi ba naman pala baliw yang kaibigan nyo, eh, bakit naman sya tatakbo sa kalsada? Didn't she know how to read a traffic signs?" Sabi ko nanaman,

"Can you please stop saying those things? You know nothing!!" saway ng pinsan ni Sam. Magsasalita rin sana yung Charms ng may magsalita mula sa likod namin.

"I'm not crazy, but because of the shits happening to me, I think sooner I will be!" Sabi nito sa nanghihinang boses, napatayo naman bigla yung dalawa nyang kaibigan.

"Kei, buti naman gising ka na!" Masayang sabi nung Charms na agad lumapit sa kanya.

"Kei, how are you feeling? Are you hungry? Thirsty? Do you feel anything? pain? Saan? Kumikirot ba yung sugat mo? Want me to call a doctor?" Sunod sunod na tanong nung pinsan ni Sam na nakita kong kinangiti nung Keira.

"Chill Ken, I'm doing good as of now" mahina nyang sagot saka muling ngumiti. Lumapit naman kami sa kanya pero nasa likod lang ako nila Sam at Aris.

"Good morning Keira, musta?" Bati ni Aris sa kanya na ginantihan lang nito ng ngiti at ng okay sign.

"Sorry sa sinabi nitong si Sky, ah, by the way, we're glad you're okay now" sabi naman ni Sam.

"No, it's fine, but thanks anyway" sabi nya, nanghihina pa sya, halata sa boses nya "Teka, sino palang tumulong at nagdala sakin dito sa hospital?" Nagtatakang tanong nya sa mga kaibigan.

"Si Clark" sagot lang ni Charms,

"Naku friend, buti napadaan si Clark sa area at nakita ka, dahil kung hindi, baka maga na ang mata ko kakaiyak!" Sabi naman nung pinsan ni Sam.

"Bakit naman mamamaga at bakit ka iiyak?" Nagtatakang tanong ni Charms sa kanya.

"Syempre pag hindi sya naligtas ni Clark malamang tsugi na sya at iiyakan ko sya, ikaw talaga Charms wala kang kwentang kaibigan, pag namatay si Kei di ka iiyak?" Mahabang paliwanag nito na kinakunot lng ng noo ng dalawa pa nyang kaibigan.

"Ay grabe, tsugi agad friend?" Sabi naman ni pasyente.

"Oo nga couz, pinatay mo agad!" Singit naman nitong si Sam. "Hindi ba pwedeng nag-aagaw buhay muna?" Dagdag nya na dahilan ng pagkakapalo ni Keira sa tyan nya "Aray!"

"Papunta na rin dun, eh" reklamo naman ni Keira sa kanya.

"Kidding" sabi na lang nito.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon