Chapy 51: Dream Catcher

29 0 0
                                    

(((Kei's POV)))

Nang mahimasmasan ako, dinala ako ni Sky sa isang restaurant para kumain.

Parehas kaming tahimik at walang imik, pero halata at ramdam ko ang mga tingin ni Sky sakin.

"I'm fine, don't worry" sabi ko na lang habang hindi sya nililingon at patuloy pa rin sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay dinala naman nya ako sa isang coffee shop.

"Salamat, ah" sabi ko na kinagulat nya. Alam kong kanina pa sya alalang alala sakin.

"You sure your okay?" nag-aalala pa rin nyang tanong na nginitian at tinanguan ko lang.

"Ang dami ko nang utang sayo"

"Edi, quits na tayo" sabi na lang nito saka na tinuon ang tingin sa tasa nya.

"Haaaayyyy" malalim kong buntong hininga, "Alam mo Sky, akala ko nakatakas na ko sa bangungot na yun" mahina kong sabi habang hinahalo ang kapeng nasa harap ko. "Pero kanina, nung nakita ko ulit sya, pakiramdam ko kahit anong gawin ko, hinding hindi ko na matatakasan ang bangungot ng nakaraan ko, pakiramdam ko, tototohanin nya yung sinabi nyang babalikan nya ko"

"Kei" mahinahon nyang tawag sa pangalan ko, "You're not alone, okay, nandito kami, nandito ako, and I'll make sure na hindi ka na nya mababalikan, and that's my promised, remember?" he said na tinanguan ko.

Pasado alas dyes na nang bumalik kami ni Sky sa bahay, at wala na sila mommy doon, pero nandoon pa sila Sam at Aris. Nandatnan namin silang apat na nagmimisa sa sala.

"Tungkol saan ang misa nyo?" I jokingly asked nang makalapit kami sa kanila, pero imbis na matawa sila, tinignan nila ko ng masama.

"San kayo nanggaling?" galit na tanong ni Aris.

"Akala namin nagtanan na kayo, eh" sabat naman ni Ken.

"Matapos mong umalis ng mukhang takot na takot, nakukuha mo pang magbiro?" sermon naman ni Charms.

"Kei, Sky, pinag-alala nyo kami, you should at least texted us" Sabi naman ni Sam.

Nagkatinginan tuloy kami ni Sky.

"Sorry" sabay na lang naming sabi at naupo sa tapat nila.

"Bakit ba kayo biglang tumakbo?" medyo inis, pero halata sa tonong nag-aalalang tanong ni Charms.

"Yung lalaki kanina" mahina kong sabi.

"Lalaki? you mean yung tito Jonas mo, na friend ng mom mo?" tanong ni Ken na tinanguan ko lang.

"Why? what's with him?" tanong naman ni Sam.

"It's him" sabi na lang ni Sky.

Nagkatinginan muna yung apat bago magsalita.

"You mean yung sya ay yung lalaking yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken,

"Wow Ken, hindi ka buffering ngayon, ah!" puri naman ni Charms dito na kina-irap na lang ni Ken.

"Kaya pala yung mga tingin at ngiti nya kay Kei ganun, kakaiba" sabi naman ni Aris.

"Pero Sky, pano mo nalaman?" tanong naman ni Sam.

Oo nga, kanina ko pa sya kasama pero hindi ko alam kung pano nya nalaman.

"Oo nga pala, pano mo nalaman?" nagtataka ko ring tanong sa katabi ko. Nakaupo kasi sya sa armrest ng single sofa na inuupuan ko.

"I was just staring at you, tapos napansin kong natakot ka sa presence nung lalaki, tapos nung tinignan mo sya, parang gustong gusto mo syang patayin, pero nandun pa rin sa mga mata mo ang takot" paliwanag nya.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon