Chapy 24: Lies!

57 2 0
                                    

(((Kendra's POV)))

"Nasan ba si Clark? Kanina ko pa sya hinahanap hindi ko pa rin sya nakikita" reklamo ni Kei habang naglalakad kami papunta sa second subject namin.

"Friend wag ka ngang OA dyan, second subject pa lang, dalawang oras pa lang tayong nandito sa campus" saway ni Charms sa kanya.

"Eh, kasi, kagabi ko pa sya tinetext ni isang reply wala man lang akong narerecieve" mahina nyang sabi.

"Hi Kei" bati ng isang grupo ng mga lalaki samin, este sa kanya lang pala sa may hagdanan, ngumiti at tumango lang naman ng matamlay si Kei sa kanila.

Ganyan yan si Kei, kaya hindi mo malaman kung malandi ba sya o sadyang friendly lang talaga, kasi lahat halos ng mag-a-approach sa kanya pinapansin nya.

"Friendships, pano kung hindi ko sya makita today?" Tanong nya samin.

"Edi bukas, friend, don't lose hope, marami pang bukas na dadating" sabi naman ni Charms na tinanguan ko naman.

Nang makahanap kami ng seats ay agad nang nagsalpak ng earphones si Charms sa tenga nya at yumuko para matulog, pero kami ni Kei nagkakanda haba ang leeg na parang giraffe kakahanap kay Clark.

"Ken wala talaga kong makita" reklamo nya saka ako hinarap. "Can you come with me? Hanapin natin sya!" Sabi nya,

"Pe....... " Hindi pa man din ako natatapos sa speech ko ay hinatak na nya ko palabas ng room. "Nagtanong ka pa, hindi mo rin naman pala ko pasasagutin!" Reklamo ko habang naglalakad kami pababa.

Lahat ng floor at rooms sa bawat floor ay sinisilip nya, hindi sya tumigil hanggang malibot namin ang buong building ng buong college department namin.

"Kei nakakapagod, ah! Nagugutom na ko!" Reklamo ko at naupo sa isa sa mga upuan ng vacant room na nadaanan namin.

"Tama, tara sa cafeteria, baka nga nandun sya!" sabi nya saka na naman ako hinatak sa cafeteria, buti nakahanap ako ng bakanteng upuan, medyo maraming tao na nakatambay dito, wala pa kasi masyadong prof kaya siguro ang ilan ay hindi na sa room tumatambay.

"Wala rin naman akong Clark na makita dito, eh" reklamo nya ng maupo sya sa tapat ko.

"Akala ko naman iniwan mo ko sandali para bumuli, yun pala para hanapin pa rin sya!" Pag-iinaso ko.

"Bibili ka ba?" Tanong nya, napangiti tuloy ako,

"Your treat?" Tanong ko nang may malaking ngiti.

"Syempre hindi, buti sana kung nakita natin, eh, hindi" sabi nya napasimangot tuloy ako bigla.

"Kayong dalawa, ang bait nyo talaga! Iwan daw ba ko sa room!" Reklamo ng biglang sulpot na si Charms na nakasimangot.

"Sorry na friend, ito kasing si Kei bigla bigla na lang nanghahatak, eh!" Bintang ko pa with matching turo kay Kei na parang nalugi.

"San ba kayo nanggaling, at anong ginawa nyo, bakit parang nalugi tong isa?" Tanong nya nang maupo habang nakaturo kay Kei saka ako tinignan "At ikaw, bakit parang pagod na pagod ka?!" Tanong nya sakin.

"Hinanap kasi namin si you know who" sabi ko,

"Nahanap nyo ba?" Tanong nya

"Hindi pa ba halata ang sagot, naman Charms!" Sarcastic kong sabi saka na tumayo para bumili ng pagkain, madaming tao, pero wala naman pila kaya nakabili rin naman ako agad.

"Asan yung para samin?" Tanong ni Charms.

"Nagbigay ka?" Masungit kong tanong na inilingan nya lang. "Naman pala, eh" sabi ko saka na kinain ang waffle na binili ko. Umalis naman sandali si Charms para bumili ng pagkain.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon