(((Kei's POV)))
Tinagalan ko talaga ang pagkain, bumili pa ko ng fries, burger at sundae para lang makapagpahinga muna ko. Nakakangalay na nakakapagod kaya mag drive ng mahigit limang oras.
"Hindi ka pa busog?" Sky asked na para bang gulat na gulat nang makita akong may bitbit pang pagkain pagbalik ko sa kotse, umiling lang ako habang nilalantakan ko ang burger ko.
"Here, binilhan rin kita, baka sabihin mo selfish ako, eh" sabi ko nang iabot ko ang pagkaing binili ko for him.
"Salamat" he reply and started to eat.
Tahimik kaming kumakain nang bigla na lang umulan, though di naman kami mababasa, mas lumamig lang at isa pa, gabi na.
"Someone's calling" he said habang nakatingin at tinuturo ang phone ko using his lips.
Kinuha ko yung phone ko at sinagot ang tumatawag na si Ken.
"Why?"
"San na kayo?"
"Nandito pa sa sasakyan kumakain" walang gana kong sagot.
"Where exactly are you, kung 4 kayo umalis ng bahay you should be here already"
"Hindi ko alam kung saan eksakto kami naroroon, remember ni hindi nga namin alam kung saan kami eksakto pupunta, eh, we're just following the tracking device" reklamo ko.
"Friend, we're in Vigan"
"Ken, it's nonsense, kahit alam kong nasa Vigan kayo, hindi ko naman alam ang daan eksakto papunta sa kinaroroonan nyo, so don't expect na makakasunod kami agad agad sa inyo" inis kong sabi.
"Okay, look Kei, I'm sorry, my fault. I'm just worried, lalo na't gabi na, delikado na sa daan"
"I'm not blaming you"
"Okay, just drive safely, and call us when you're near na, abangan namin kayo sa labas ng bahay" She said saka ko na binaba ang phone ko, doon ko lang narealize na 10% na lang yung charge nito, at sa dinami rami ng pwedeng maiwan, charger ko pa talaga, ni yung power bank ko, hindi ko nadampot kakamadali ko.
"May charger ka?" tanong ko sa katabi ko na busy kumain ng ice cream.
"Wala akong dala" he simply response,
"Power bank?" tanong ko ulit, pero inilingan nya lang ako. "The hell, sa dinamirami ng pwedeng iwan charger at power bank talaga?" inis kong tanong.
"Bakit ka nagagalit, asan ba yung sayo?" medyo inis na rin nyang tanong.
"Naiwan, eh" mahina kong sagot.
"See, at least ako, iniwan ko talaga since wala namang use yung phone ko" sabi nya lang, napabuntong hininga na lang ako, so I decided na magpatuloy na sa pagmamaneho para makarating na kami agad.
I started the engine and tap the phone in front of me to give me the next location, pero ayaw nito bumukas.
"Open your phone" utos ko kay Sky na busy pa rin sa pagkain.
"Double tap lang" walang gana nyang sagot.
"Ayaw nga, eh" reklamo ko, kaya naman kinuha nya ang phone nya at sya ang nagbukas nito.
"Shit!" bigla nyang sabi saka tumingin sakin.
"Bakit?" masungit kong tanong,
"Dead batt" he said habang nakataas pa ang phone nya. "Use yours, tawagan mo agad sila, tell them to send the exact address of the house" utos nya na agad kong ginawa.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?