Chapy 35: Deep convo

39 3 0
                                    

(((Aris POV)))

"Man Chill, hayaan na muna natin, broken, eh, nasaktan, kaya intinihin na lang" sabi ni Sam habang hinahagod hagod pa ang likod ko.

Naiinis na kasi ako, bakit ba kahit anong gawin at sabihin namin ni Sam kay Sky parang baliwala lang sa kanya!

"Lahat naman tayo nasasaktan, lahat naman tayo nagiging broken hearted, ah, pero hindi naman lahat ng tao gagawin ang ginagawa nya!" inis kong sabi habang nakatingin parin sa malayo. "Walong buwan na silang hiwalay, bakit hindi nya na lang tanggapin yun?"

"Man alam mo naman diba, mahal na mahal nya, eh" sabi naman ni Sam na inilingan ko na lang.

Nandito kami sa garden ng campus, rest day namin, pero pumasok kami dahil may ipapasa kaming requirements, pero si Sky nauna nang nagpasa ng requirements kaya hindi nya na kailangan pang pumunta.

"Hey, couz!" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses kay Sam mula sa likod ko.

"Oh Ken, ginagawa nyo dito?" tanong ni Sam sa pinsan na umupo sa tabi ko.
Bakit sa tabi ko pa? ang lawak ng upuan sa tabi ng pinsan nya!

"Hi Aris, bad trip ka?" nakangiti nyang tanong.

"Kanina, pero nung tinabihan mo sya, hindi na daw" singit ni Sam na sinamaan ko na lang ng tingin, bahagya namang natawa si Ken sa ginawa ko.

"Teka nga, bakit parang ang seryoso ng usapan nyo? nakaka-istorbo ba kami?" tanong ni Charms na sa tabi naman ni Sam naka-upo.

"Ah, hindi naman, topic lang namin si Sky" sabi naman ni Sam na ngiting ngiti.

Itong si Sam, saming tatlo sya ang pinaka malandi, naalala ko nga noong una nyang nakita si Kei nilandi nya rin ito, pero dahil parehas sila ni Kei maglaro, hindi nya na tinuloy ang panlalandi nya. Pero noong pinakilala ni Ken si Charms sa kanya, naging pa-demure tong mokong na to, konware mabait, pa-good boy ang loko, hinayupak talaga!

"Bakit, anong meron kay Sky?" tanong ng katabi ko.

"Oo nga, nasan pala yun, bakit hindi nyo kasama?" dagdag pa ni Charms.

"Hindi namin alam kung nasan sya, baka nasa bahay nila" sagot ko sa tanong ni Charms.

"Magkaka-away ba kayo?" tanong ulit ni Ken na inilingan lang namin ni Sam.

"Let's just say na may katangahan na naman kasing ginawa kahapon tong si Sky, kaya ayan bwisit na bwisit na si Aris" sabi ni Sam.

"Let me guess, he tries to chase his ex again, am I right?" tanong ni Charms na tinanguan lang namin ni Sam.

"Pinuntahan lang naman nya si Evelyn exactly 12 midnight kahapon, dahil gusto nya daw sya ang unang babati at magbibigy ng regalo sa kanya" sabi ko.

"Did the girl appreciate his efforts?" tanong naman ni Ken.

"Syempre hindi" sagot naman ni Sam.

"Nasapak pa nga ng present boyfriend dahil bumalik pa kinagabigan, eh" dagdag ko pa.

"Ow, I can't imagine how it hurts" sabi na lang ni Charms.

"Malamang ngayon naglalasing at umiiyak na yun" sabi ni Sam.

"Grabe, ang tanga ni Sky!" sabi na lang ni Ken na sinang-ayunan naming tatlo, real talk talaga. "Pero mas tanga yung babae" bigla ulit nyang sabi, kaya napatingin kami sa kanya ng may halong pagtataka. "Pakawalan nya ba naman ang isang taong handang magpakatanga mapasaya lang at wag lang syang mawala, eh, sobrang tanga nya talaga, sagad hanggang buto ang katangahang taglay nya!" dagdag nya.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon