Chapy 28: Companion

36 2 0
                                    

(((Skyler's POV)))

Ngayon sana ang 4th year anniversary namin. Apat na taon na sana kami, kung hindi lang umepal ang boyfriend nya ngayon!

Nandito ako sa bar na mula nang maghiwalay kami ay madalas kong puntahan.

Nasa kasuloksulukang table ako malapit sa bar counter at tahimik na umiinom, nang mapansin ko ang isang babaeng kanina pa nilalapitan ng mga lalaki, pero iling lang ang sinasagot nya sa mga ito.

"For the third time, pwede na ba kitang yayain sa dance floor?" tanong ng isang lalaki na nakatanggap lang ng isang basong tubig sa mukha nya.

"And for the third time, I will say no!" rinig kong sabi ng babae, parang pamilyar yung boses nya?

"Ang lakas ng loob mo, ah! hindi mo ba kilala kung sino ang tinatanggihan mo?" sigaw ng lalaki, nakita kong kahit yung waiter na nasa counter natakot dun sa lalaki.

"I don't care who ever you are! kahit anak ka pa ni Duterte wala akong pake!" sigaw ulit ng babae kaya bigla syang sinampal ng lalaki, nalaglag tuloy mula sa pagkaka-upo sa bar stool yung babae.

"Yan ang napapala ng mga babaeng hindi marunong gumalang" dagdag nya pa, pero yung babae nakaupo pa rin sa sahig at nakayuko.

Agad naman akong pumunta sa likod nung lalaki at sinapak sya ng buong lakas, dahil dun natumba rin sya. "Yan ang napapala ng mga lalaking hindi marunong gumalang ng babae!" sigaw ko saka nilapitan yung babae para tulungang tumayo. Inabot naman nya ang kamay ko na inextend ko in front of her.

"Thanks" mahina nyang sabi, dun ko lang napansin na sya nga ito.

"Ang sweet mo naman!" sigaw nung lalaki mula sa likod ko.

"Yuko!" sigaw naman ng babaeng nasa harap ko at bigla nyang hinawakan ang batok ko at niyuko ito, after nun ang tanging narinig ko na lang ay ang tunog ng isang boteng nabasag. "Yung bill ko, singilin mo sa gagong to huh!" sabi nya sa waiter na nasa counter saka tinuro yung lalaking nakahiga sa sahig na may mga dugo dugo pa sa kamay at meron din sa mukha.

Nagulat ako sa nangyare kaya hindi ko namalayan agad ang sumunod na pangyayare, nabalik lang ang senses ko ng maramdaman kong may malambot na kamay na nakahawak sakin.

"San mo naman ako dadalhin?" angal ko.

Tumigil sya at tinignan ako "San table mo?" tanong nya, hinila ko na lang sya sa table ko.

Tinawag nya ang isang waiter at nagpakuha ng isang bote ng Jack Daniels, na agad nyang binuksan at tinungga.

"Hindi ka ba marunong gumamit ng baso?" tanong ko, kaya napatingin sya sakin ng masama. "Sabi ko nga ipagpatuloy mo lang yan" Agad kong bawi sa una kong sinabi.

Muli nyang tinagay yung bote at seryoso akong tinignan "Anong ginagawa mo dito?" bigla nyang tanong.

Napa-iling na lang ako bago magsalita "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan, anong ginagawa mo rito?" pagbalik ko sa tanong nya.

"Isn't obvious? maglalasing ako!" sagot nya in a sarcastic tone saka muling tumungga "Now your turn, bakit ka nandito?" tanong nya.

"Kagaya lang din ng sagot mo" mahina kong sagot.

"Eh, bakit ka maglalasing?" Tanong nya at muli na namang tumungga.

"Gusto ko lang makalimot" mahina kong sagot.

"Ano namang gusto mong kalimutan?" tanong nya, sasagutin ko na sana nang bigla na lang syang tumawa "Ah, alam ko na! natauhan ka na ba sa ex mo? narealize mo na na mukha talaga syang palaka, at kaya ka maglalasing, dahil gusto mong kalimutan na pumatol ka sa isang babaeng palaka!" full of confidence at tuwang tuwa nya pang sabi, akala mo nakasagot sya sa isang ten points na recitation, napa-iling na lang tuloy ako.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon