Chappy 29: Drunken Convo

35 2 0
                                    

(((Skyler's POV)))

Kanina ba sinabi ko talagang may sense kausap ang lasing na babaeng nandito sa tabi ko?

Pwede bang bawiin ko na lang?

Habang tumatagal nawawalan sya ng sense kausap!

Kung anu-ano na ang mga bagay na pinagsasabi nya. Ang dami nya nang fantasy at fictional stories na sinasabi. Kagaya na lang nang nakapag-dive na daw sya sa Atlantic ocean at nakita nya daw doon yung lumubog na barkong Titanic. Saka wag daw akong mainggay sa iba, wag ko daw ipagkakalat o ipagsasabi kahit kanino na naging sila daw nung Jung Kook Jeon, na member ng isang korean boy band na hindi ko na matandaan kung anong pangalan. Niligawan din daw sya ni Justin Bieber, pero dahil friends sila ni Selina Gomez, hindi nya daw pinatulan si JB, Sinabi nya pa ngang ipakikilala nya daw ako kay Zayn Malik na pinsan daw nya.

Hindi ko alam kung nag-de day dream ba sya o lasing lang talaga sya! Buong oras na nagkukwento sya wala akong ibang ginawa kung hindi magpigil ng tawa, dahil kapag tumawa ako paniguradong uuwi akong mukhang talong. Pano ba naman kasi, nung una nya kasing sinabi na tito nya si Mr. President Duterte, humagalpak na agad ako ng tawa, pero nakatanggap ako ng malakas na batok, nang sumunod naman nyang sabihin na kaya nyang mag levitate natawa na naman ako, kaya pinilipit nya yung kamay ko at pinagbantaan pa akong wag tatawa dahil pawang katotohanan at hindi daw jokes ang mga sasabihin nya sakin.

Pakiramdam ko mababaliw ako ng wala sa oras dahil sa babaeng kausap ko. Pero in fairness to her, hindi sya mukhang lasing, pero pag kinausap mo, dun mo masasabing nakarami na sya. Naubos nga nya yung isang bucket ng sya lang dahil sa kakakwento nya at ng maubos nya yun nag-order pa sya ng dalawang bucket pa.

"Keira, madaling-araw na, let's go ihahatid na kita" mahinahon kong sabi, pero sampal ang naabot ko.

Anak naman talaga ng tinapa oh, nagmamagandang loob na nga nasampal pa, malambot yung kamay nya pero parang limang kilong bigas yun sa bigat.

"Ayoko pa nga! I still want to drink, can't you see, may inumin pa ko oh" sabi nya at tinungga na yung pangalawang bote nya sa unang bucket na in-order nya.

"Pag naubos mo yan uuwi na tayo, is it a deal?" sabi ko, lumagok muna sya bago ako sagutin.

"Deal!" malakas nyang sabi, hindi na ko uminom dahil baka parehas pa kaming magkalat dito at hindi maka-uwi, pinanuod ko na lang syang magpakalunod sa alak kagaya ng gusto nyang gawin.

"Hoy ikaw!" tawag nya sakin ng mapansin nyang chinecheck ko yung phone ko. "Nandito na nga ako may iba ka pang tinetext! sino ba yan?" inis na tanong nya, pero ayoko makipagtalo sa lasing kaya tinago ko na lang yung phone ko.

"Wala tinignan ko lang yung oras" sabi ko na lang.

Ala-una na pero hindi pa rin bumibigay tong kasama ko, gusto ko nang matulog, pero mainggay dito at mainggay rin tong katabi ko kaya hindi ko magawa.

Kinalabit ko si Keira na sumasayaw sayaw habang naka-upo at nagpaalam na ma-c-c.r muna ako, tumango naman sya. Pagdating ko sa C.R tinatawagan ko sila Aris at Sam pero nakapatay ang mga phone nila, gusto ko sanang tawagan yung dalawa nyang kaibigan, pero hindi ko alam kung pano.

Pag balik ko sa table nakita kong nakayuko na si Keira, akala ko aabutin pa kami ng closing dito, eh! Umupo ako sa tabi nya at isinukbit ang sling bag na dala nya, bubuhatin ko na sana sya ng muli na namang nakatikim ng malutong na sampal ang kawawa kong pisngi.

"Oy! ikaw pala yan, sorry, nasaktan ka ba? kasi naman bigla bigla kang lumalapit, eh" sabi nya saka pa hinimas himas yung mukha ko.

"Pwede na ba tayong umuwi?" tanong ko, ngumiti sya saka tinignan yung table,

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon