Chapy 53: Granted

35 2 0
                                    

(((Kei's POV)))

"S-sky?" gulat at di pa rin makapaniwala kong banggit sa pangalan nya nang makita ko syang nakatayo sa tapat ng gate namin.

Magkahalong kaba at tuwa yung nararamdaman ko ngayon, natutuwa ako kasi natupad at nagkatotoo yung sign, pero kinakabahan ako kasi baka imagination ko lang ulit sya.

Sandali pa kong natulala habang nakatingin sa kanya, sinisigurado kung sya nga ba talaga yun. He's just looking at me with a blank expression, nakikita ko ang mga mata nya kahit na natatakpan pa yun ng nakababa nyang basang buhok.

Nang matalsikan ako ng ulan na pumapasok na pala sa bintana ko, agad ko na itong sinara at saka ako tumakbo pababa.

"Dumating sya" mahina kong tili habang bumababa.

Wala akong paki kahit gabing gabi na at malakas ang ulan, agad akong lumabas nang mahawakan ko yung payong na nasa may likod ng pinto.

"Sky!" Masaya kong tawag sa kanya nang makalabas ako ng gate, pero wala namang tao.

Wala akong ibang nakita kungdi ang dalawang sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay ng magkabila naming kapit bahay.

"Umasa ka na naman, shunga ka talaga Kei!" bulong ko sa sarili ko.

Muli kong nilingon ang kaliwat kanan ko, pero wala talaga, kaya napagdesisyonan ko nang bumalik. Nang makapasok ako sa gate may boses na tumawag sakin. Boses ng taong kanina ko pa gustong gustong makita.

"Kei!" rinig ko sa boses na mula sa likod ko, hindi ko alam pero, pansamantala akong nanigas at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko, pero iniling ko ang ulo ko,

"No, hindi sya yun, Kei! wala talagang tumatawag sayo, nasisiraan ka na! imagination mo lang yun, pumasok ka na!" sabi ko sa sarili ko, kaya naglakad na ko ulit papasok.

Nakaka-dalawang hakbang palang ako, narinig ko ulit yung boses "Ui, Keira!" tawag ulit nito, this time, lumingon na ko.

He's here, nakatayo sya sa gitna ng kalsada sa gitna ng ulan at nakatingin sakin. "Sky" mahina pero masaya kong tawag sa pangalan nya. Dahan dahan akong naglakad ulit palabas hanggang sa makarating ako sa harap nya.

"Nandito ka ba talaga? Totoo ka ba? hindi ba kita imagination lang? as in kaharap kita?" sunod sunod kong tanong.

"You can touch me if you want" sabi nya pa saka kinuha yung kamay kong walang hawak at nilagay sa mukha nya.

Naramdaman ko sa palad ko ang malamig nyang pisngi na basang basa na ng ulan.

"Shet, totoo ka nga, nahahawakan kita!" masaya kong sabi, at sa sobrang saya ko binitawan ko na yung hawak kong payong at saka sya niyakap, agad naman din nya kong niyakap pabalik.

We just hug each other under the rain for a couple of minutes, hanggang sa magsalita ako.

"Sky!" tawag ko sa kanya nang hindi bumubitaw sa pagkakayakap.

"Hmmm?" tugon nya naman.

"I like you" mahina kong sabi, pero bigla syang bumitaw sa pagkakayakap sakin.

Nagulat na naguguluhan ako sa inasal nya. Tinignan ko sya sa mata pero yumuko lang sya at hindi ako tinigan.

"I'm sorry" mahina nyang sabi nang hindi pa rin ako tinitignan.

For the second time, naramdaman ko ulit ang halo halong emosyon, hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag, pero alam ko kung ano ang mas nangingibabaw, yung sakit. Sakit kasi akala ko parehas yung nararamdaman namin sa isa't isa, pero akala ko lang pala yun.

Buti na lang nasa gitna kami ng ulan, hindi ako mahihirapang itago yung luha na ngayon ay tumutulo kasabay ng mga patak nito sa mukha ko.

Tinignan ko sya, and this time nakatingin na rin sya sakin, his staring at me blankly, ngumiti na lang ako, kahit na may tumutulo pa ring luha sa mga mata ko.

"I'm sorry, I just thou....." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hilahin nya ko palapit sa kanya, and the next thing I know is that, his lips is into mine.

Hindi ko na nagawa pang magreklamo o magreact dahil feeling ko nadikit na ang mga labi ko sa mga labi nya, at ang gaga kong labi parang puso ko lang, may sariling utak, nagreresponce ng kusa.

Now, we're sharing the most sincere, romantic and special kissed under the rain.

After a few minutes, dahan dahan nyang pinakawalan ang labi ko, but still, magkadikit pa rin ang mga noo namin.

He genuinely smiles at me, "I'm sorry but I don't like you" sabi nito, and with that, nakalimutan ko ulit na kanina lang ay nagkiss kami, napayuko na lang tuloy ako, ipamukha daw ba sakin? bwisit, and sakit na, ah, paulit ulit! "Hey" tawag nya sa pansin ko. Inangat nya ang mukha ko para makita nya ito, saka sya ngumiti, "I don't like you, because it's not the exact words to use for what I'm feeling for you"

"What?" naguguluhan kong tanong, sira ulo talaga tong lalaking to, ang daming pasakalye.

"I don't like you, because I love you, tss, konyare ka pang hindi mo gets" sabi nya sabay ngisi, napalo ko tuloy sya ng ng mahina.

"Hindi ako nag...." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang muli na naman nya akong halikan.

"Shut up, and just kiss me" he said nang may ngisi pa rin sa mga labi nya. Then he slowly kiss me again.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga labi nya, pero damn him, his a good kisser. Sa dami ng mga lalaking nahalikan ko from the past, his kiss is very different, ito ba yung passionate kiss na tinatawag? ang mga labi nya, mas malambot pa yun kesa sa mga labi ko, ang halik ng lalaking to, parang nakaka-adik.

After that second kiss, we just hug each other again.

"Kei?" tawag nya sakin nang hindi pa rin bumubitaw sa yakap.

"Hmm?" sagot ko lang.

"So ano nang status natin?" mahina nyang tanong, kaya bumitaw ako.

"What a silly question, I'm your girlfriend now, stupid" mataray kong sagot at akmang papasok na ulit nang hilahin na naman nya ang kamay ko at yakapin ako ng mahigpit.

"Thank you, hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya. Salamat, Keira" he said while still hugging me tightly.

Muli nya akong pinakawalan sa pagkakayakap nya at akmang hahalikan na naman ang mga labi ko.

"Ops, enough, nasarapan ka na, ah, pumasok na tayo, nilalamig na ko" sabi ko saka na sya hinila papasok sa bahay.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon