Chapy 3: Second time

157 7 2
                                    

(((Keira's POV)))

Dahil linggo ngayon, rest day namin.

Tanghale na ko bumangon. Nung i-check ko yung phone ko ang daming messages.

"Sino ba to? galing lang sa iisang tao tong 27 messages na to?" tanong ko nang makitang unknown number na naman yung nagtext.

Pagbukas ko ng phone, yung Sam pala, yung guy na nakilala ko kahapon.

"Binibini kakain na tayo ng tanghalian, bumaba ka na dyan" tawag ni Charms sakin sa labas ng pinto.

"Pababa na" sagot ko.

Pagkatapos ko maghilamos, dinampot ko ulit yung phone ko at bumaba na.

"Oh, sinong bagong boy toy mo?" bungad na tanong ni Ken nang makitang hawak ko ang phone ko.

"Wala pa" sagot ko habang nagsasandok ng kanin.

"Wala pa talaga, ah" pag-uulit nya pa sa sinabi ko.

"Eh, gusto ko na sana tumigil friend, kaso yung mga laruan na yung kusang lumalapit sakin, eh" sagot ko pagkasubo ko ng ulam.

"Ayaw mo talaga tumigil hanggat hindi pa dumadating si karma, ah" sagot nya. Nginitian ko lang sya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Nga pala, may naghahanap na naman sayo" sabi ni Charms nang hindi nakatingin sakin.

"I bet, isa na naman sa mga ex ng mga laruan mo yun" sabi ni Kendra.

"Tama, ex daw sya ni Leonard na as usual iniwan sya dahil sayo" sabi ulit ni Charms while pointing on me using her fork.

"Friend, sinasabi ko sayo, pag yang ginagawa mo nangyare sayo, ewan ko na lang" sabi ni Kendra na hindi rin nakatingin sakin at busy sa pagkain.

Hindi na ko nagsalita at tinapos ko na lang ng mabilis ang kinakain ko saka dumiretso na pabalik sa room ko.

Nireplyan ko yung Sam na nanlalandi sakin. Ano pa nga ba? Syempre papatulan ko to, bored ako, eh.

***

"Hoy Miss paasa, bangon na, baka malate pa tayo dahil sayo!" pang bungad na gising ni Kendra sakin.

"Oo na Miss perfect, babangon na" reklamo ko saka na tumayo sa higaan.

Kainis talaga yung babaeng yun, binyagan ba naman ako ng bagong pangalan. Bukas nga pupunta ko sa NSO at papapalitan ko na ang pangalan ko ng Miss paasa.

"Sasabay ba kayong dalawa?" tanong ko dun sa dalawa bago ako lumabas ng pinto.

"Okay, tara na" sagot ni Charms at nauna pang sumakay sa kotse ko.

Pagbaba ko sa kotse sinalubong kami ng ilan sa mga ka-block namin.

"Keira, si Ryan at Jimuel nag-aaway sa room" sabi ni Levi na kaibigan ni Ryan.

Aba bakit sakin sila nagsusumbong? sa ganda kong to mukha ba kong guidance councilor?

"Anong gagawin ko? mukha ba kong guidance councilor? bakit sakin kayo nagsusumbong?" reklamo ko pagkasara ko ng pinto ng sasakyan

"Keira, ikaw ang pinag-aawayan nila" sabat naman nung isa pa naming ka-block.

"Hoy babaita, ano na namang ginawa mo?" masungit na tanong ni Kendra.

"Hindi ko alam" mataray kong sagot at dumiretso na sa room.

Pagdating namin, nakasara yung room, at tinakpan pa ng buang kong mga ka-block yung salamin nung door. Nakapalibot sila dun sa dalawang nag-aaway, and sa dinami-rami nilang nanunuod, walang makaawat?

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon