(((Skyler's POV)))
"Hi tita, hello po!" Bati nung dalawang bugok kay mama ng makita nila ito sa may sala habang busy manuod ng t.v.
"Oh hi boys, nagmeryenda na ba kayo?" Tanong pa ni mama sa kanila, pero bago pa man sumagot ang parating gutom na si Aris inunahan ko na sya.
"Busog na busog na po yang mga yan ma, kaya wag mo na silang alokin" sabi ko habang nakangiti kay mama "Tara na nga sa taas! Bago maakit si Aris ng fridge" sabi ko saka na sila hinatak paakyat.
"Bakit ba kayo nandito? Ayoko maglaro, ang init-init oh" reklamo ko habang nakaturo pa sa labas at pinapakita sa kanila ang araw na tirik na tirik.
"Gunggong, mukha ba kaming maglalaro? Ganto get up namin maglalaro kami?" Sagot naman ni Aris na proud na proud sa porma nyang dark grey sweater na tinaas nya hanggang siko at tinernohan nya pa ng light brown pants. Samantalang si Sam naman ay naka white polo shirt at brown na pedal shorts at pareho pa silang nakasapatos.
"San ba punta nyo at ganyan pormahan nyo?" Tanong ko,
"Today is Friday, and ngayon tayo tatambay kila Kendra diba?!" Masayang sabi ni Aris, kaya pala! "Wait man, don't tell me nakalimutan mo?" Tanong nya pa na di ko na pinansin, ano naman kasi kung nakalimutan ko? lagi naman silang nandyan para ipaalala sakin.
"Bihis na man!" Utos naman ni Sam sakin na inabutan pa ko ng damit. Binigay nya sakin ang isang kulay puting pedal shorts at itim na v-neck shirt.
"Dali na man, malelate na tayo" excited pang sabi ni Aris
"Oo ito na nga!" sagot ko.
Dahil mabilis lang naman ako kumilos nang matapos ako ay agad na kaming nagpaalam kay mama at dumaan muna sa grocery para daw bumili ng mga chips, saka kung anu-ano pang mga pinaglalalagay nung dalawa sa basket, utos daw ni Kendra.
Hindi naman kalayuan yung grocery sa village ng bahay na pupuntahan namin kaya mabilis rin namin itong narating.
"Oh couz" bati nung pinsan ni Sam sa kanya habang may bitbit na mga barbeque na hindi pa luto, bumeso sya sa pinsan at saka kami nginitian "Hi Aris, buti naman sumama ka Sky, nice outfit" bati nya rin samin.
"Napilit, but thanks anyway" sagot ko naman sabay ngiti.
"Ganun ba? No worries, ah, couz yan na ba yung mga pinabibili ko?" Tanong nya pointing to the plastic na hawak ni Sam using her lips kaya tumango naman si Sam sa kanya.
"Salamat, teka lang, bibigay ko muna to kay Kei sa likod, saglit lang babalikan ko kayo, wait lang, ah, dyan lang kayo" sabi nya habang dahan dahang naglalakad pababa sa may hagdanan sa gilid ng bahay.
"Nice house" kumento ko,
"Yuh, balita ko si Kei pumili nito" sagot ni Sam sakin, she really had a good taste.
"Teka, bakit si Kei ang pumili? Kanino ba bahay to?" Tanong ni Aris.
"Sa kanilang tatlo, binili ng mga parents nila para daw may privacy sila habang nag-aaral" paliwanag nito.
Mganda ang bahay nila, katamtaman ang laki ng gate na kulay dark grey at ang garahe na pagsilip mo pa lang sa gate ay ang tatlong kotse agad ang bubungad, isang black Lexus, grey Bentley at isang white na Jaguar. Pagpasok mo naman sa maliit na gate ay ang hagdanan papunta sa double door agad ang bubungad sayo, may bermuda grass sa paligid pero konti lang at mangilan ngilan lang din ang mga halaman.
"Tara pasok" sabi ni Kendra na nakabalik na pala, pinagbuksan pa kami nito ng pinto. Pagpasok naman ay bubungad agad ang sala na may eleganteng sofa at sa right side ng pinto ay ang hagdanan na may glass handle "Take a sit first, feel at home lang, dalhin ko lang to kay Charms" she said saka na kami iniwan at pumasok muna sya sa isang pinto na nasa may left side lang namin na mukhang kitchen nila.
"Wala silang katulong?" Tanong ko, pero nagkibit balikat si Sam, sa bagay wala naman ata talaga syang alam.
"Oh hi boys" bati ni Charms samin ng lumabas sya sa pintong pinasukan ni Kendra kanina. "Wait lang, ah, may aayusin lang kami sa labas tapos game na tayo, okay" dagdag nya habang naka thumbs up pa na tinanguan at nginitian lang naman namin kaya lumabas na sya.
Nagkukwentuhan kami habang pinupuna ang mga gamit na nandito sa bahay nila ng lumabas mula sa pintong pinasukan nya kanina si Kendra.
"Boys, pwede help?" Tanong nya kaya tumayo naman kaming tatlo at agad lumapit sa kanya. "Pakuha naman na yung mga drinks and foods" sabi nya saka tinuro ang mga pagkain at inuming nakahain sa isang six sitters na glass table. Kinuha nya yung topper wear na may lamang sisig na talagang sinundan ni Aris ng tingin. "Follow me na lang" sabi nya at nagsimula nang maglakad palabas.
"Bro matunaw!" Saway ni Sam.
"Hindi naman si Kendra tinititigan ko, yung sisig na hawak nya" sabi naman nitong isa.
Pagdating namin sa likod isang grass land ang sumalubong samin, nilagay namin ang mga pagkain sa table na nakalagay sa gitna ng green na bakanteng space na pwedeng ganapan ng kung ano anong event, hindi naman ito ganun kalaki pero parang kakasya ang tatlo o apat na ten sitters table dito. Nang malabas na lahat ng dapat ilabas ay nagsi-pwesto na kami.
"Ganda ng bahay nyo!" Puri ko sa bahay,
"Syempre magaganda ang mga nakatira" sagot ni Keira.
"Yuh right, I second the motion" taas kamay namang sabi ni Kendra.
Nakapalibot kami sa isang square metal table na pinatungan ng glass, magkatabi si Sam at Aris, katapat nila sila Kendra at Charms, samantalang ako katapat ko si Keira na hindi na muling nagsalita mula ng sagutin nya ang papuri ko sa bahay nila.
Nagkukuwentuhan yung apat nang tungkol sa mga kung anu-anong kabaliwang karanasan nila sa buhay, itong dalawa namang babae parating binabara at pinagtatawanan yung mga kwento nung dalawa kong kupal na kaibigan, hindi ako natatawa sa mga kwento nila Sam at Aris, natatawa ko sa ginagawa nila Kendra at Charms, maging sa nagiging reaksyon nung dalawa dahil sa pambabara sa kanila.
"Tuwang tuwa kayo samin, ah!" natatawang sabi ni Aris.
"Lakas maka-imposible kasi ng ibang kwento nyo, eh, mema na lang ata kayo" sabi naman ni Ken.
"Hey couz, pinsan mo ko, alam mong totoo lahat ng mga sinasabi ko, ewan ko lang dito kay Aris" sabi naman ni Sam sabay turo pa kay Aris.
"Hoy, tarantadong to, hindi ako imbentor! sapukin kita, eh" sabi naman nung isa.
"Teka lang, maiba tayo, ilan na nadala nyong lalaki dito?" tanong ni Sam, nagkatinginan yung dalawa saka natawa.
"Wala, virgin pa sa lalaki tong bahay na to" sabi naman ni Kendra.
"Eh, kayo ba?" biglang tanong ni Sam, natahimik tuloy yung dalawa. "Don't get me wrong, what I mean is, kayo ba, nagkaroon na ba ng lalaki sa buhay nyo?" paglilinaw ni Sam.
"Ayan, lilinawin agad dapat!" sabat naman ni Ken.
"Nagkaroon na ko ng ex, tatlo?" patanong na sabi ni Ken na kinagulat ni Sam.
"Hoy couz, bakit hindi ko yan alam? bakit hindi ko sila nakilala?" protesta nito na kinailing lang ng pinsan nya.
"Kasi play time lang yun, joke lang" natatawang sabi ni Charms dahil pinanlakihan sya ni Kendra ng mata "Joke lang, lahat yun sineryoso at minahal nya, sya lang talaga ang hindi minahal" sabi nya na tinawanan na lang nilang dalawa.
"Don't worry, pag naging tayo, hindi ka lang sasaya araw-araw, mararanasan mo ring maiyak sa tuwa dahil mamahalin ka lang naman ng isang Samonte" banat ni Aris na nakatanggap ng batok mula kay Sam.
"Wag mo ngang gamitin yang mga gasgas mong linya sa pinsan ko" sermon nya na lalong tinawanan ng dalawang babae.
"Grabe ka man, tatanungin ko rin naman kung naka-ilang boyfriend na si Charms, hindi ka makapaghintay!" sabi ni Aris na nakatanggap na naman ng batok mula kay Sam. Buti na lang malayo ako sa kanila.
"Isa pa lang Sam, wag mo nang batukan si Aris kawawa naman" parang nang-aasar pang sabi ni Charms kaya biglang namula na lang si Sam na kinatawa at inasar pa namin ng tuluyan.
Sa kalagitnaan ng tawanan namin, bigla naman tumayo si Kei kaya napatigil kami, at nagkatinginan sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Ficción GeneralSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?