(((Kendra's POV)))
"Gising na sila?" bungad ni Charms sakin nang maka-upo sya sa stool na nasa tapat ng pinaglulutuan ko. Nasa gitna kasi ng dirty kitchen namin yung stove.
"Not yet, hayaan mo muna sila, for sure mamaya magsisisi sila" sabi ko habang hinahalo ang fried rice na ginagawa ko.
"Okay na kaya sila?" tanong nya habang naka pangalumbaba sa tapat ko, pero kibit balikat lang ang sinagot ko sa kanya.
"We'll never know, what you think?" pang-iintriga ko pa habang nagsasalin ng pagkain sa pinggan, pero gaya ko, kibit balikat lang rin ang sinagot nya sakin.
Naghahanda na kaming dalawa ng pagkain namin nang dumating si Sky sa dinning area ng naka messy hair pa at kumakamot pa sa batok, sabay hikab saka nag-unat unat, mukhang hindi nya alam na may nanunuod sa kanya, kaya bago pa sya magkamot ng kung ano, lumabas na kami ni Charms mula sa glass door na naghihiwalay sa kitchen at dinning area namin.
"Good morning" natatawa at may halong pang-aasar na sabi ko, then flash an intimidating smile, napaayos tuloy sya bigla ng tayo at napatakip ng bibig.
"Go-good m-morning" nauutal na nahihiya nyang sabi.
"How was your sleep?" tanong ni Charms na naglalagay ng mga utensils sa table.
"Ah, ahm, okay naman, salamat sa pagpapatuloy sakin, uuwi na rin ako, makiki-inom lang sana ako ng tubig sandali" paalam nya saka lumapit sa lagayan ng baso at naglagay ng tubig.
"No Sky, dito ka na mag-almusal, tutal I ask Sam naman na ipaalam sa mom mo na nandito ka, simple way na rin to thank you kasi hindi mo pinabayaan si Kei kagabi" sabi ko kaya tumango sya.
"So, lets have a late breakfast, shall we?" aya naman na ni Charms na naka-upo na sa upuan nya.
Uupo na sana si Sky sa upuang nasa middle nang titigan namin sya ni Charms. Ayaw na ayaw kasi ni Kei nang may ibang umu-upo sa pwesto nya dito sa dinning table, kahit kami pa ni Charms. Magsasalita na sana ako nang may magsalita mula sa likod ko.
"That's my Chair!" high pitch agad na sabi ni Kei, partida, bagong gising lang yan. Napatingin tuloy si Sky samin kahit na pakuha na sana sya ng fried rice.
"Ah, Sky tabi na lang tayo" Alok ni Charms saka tinap yung katabi nyang upuan kaya lumipat doon si Sky.
"Good morning" bati ko kay Kei in a sarcastic tone, nakasimangot kasi itong umupo sa upuan at nakahawak pa sa ulo nya, halatang may sakit syang nararamdaman, pero ayaw nya sabihin dahil alam nyang sasabunin namin sya ni Charms.
"Good morning" walang gana nya ring bati saka na kumuha ng fried rice.
Tumayo si Charms para pumunta sa kitchen, nang makabalik naman na sya ay may hawak na syang tray na may lamang dalawang tasa. Nilapag nya ito sa harap ni Sky at Kei na tinignan lang sya.
"Pantanggal hang over" sabi nya saka na muling umupo para kumain, susubo na sana sya nang magsalita si Sky.
"Salamat dito" sabi nito na agad ininom yung kape, ngumiti at tumango lang naman sa kanya sa Charms bago tignan si Kei,
"You're welcome friendship" sarcastic nyang sabi habang nakangiti ng malawak dito,
"Tse! salamat!" pagalit na sabi ni Kei sa kanya sabay irap na tinawanan na lang nitong isa, aasarin pa kasi, alam na ngang may hang over, eh! napa-iling na lang ako sa dalawa.
Nang matapos kami kumain umiinom pa rin ng kape si Kei, tumayo ako at pumunta sa medicine cabinet saka sya ikinuha ng gamot para sa hang over.
"Here" mahina kong sabi ng ilapag yun sa harap nya, saka na niligpit yung mga pinagkainan at nilagay sa may sink.
"Thanks Ken!" pahabol nyang sabi bago ako makalayo, hindi ko nakita ang mukha nya, pero sa boses pa lang nya parang masigla naman na sya, epekto ng kape ni Charms!
Pagkatapos naming kumain, uuwi na sana si Sky nang dumating yung dalawa nyang kupal daw na kaibigan, sila Sam at Aris na hinarang sya at pinilit na mag-stay muna. While si Kie matutulog daw muna, masakit pa rin daw kasi ang ulo nya.
Nandito kami sa likod ng bahay para magpahangin, nang maopen ni Charms yung nangyare kaninang madaling araw.
"Teka lang, saang bar ba kayo galing kagabi?" biglang tanong ni Charms kay Sky na tahimik lang na nagkakalkal ng kung ano sa phone nya.
"Sa may Morato" nahina nyang sabi ng hindi inaalis ang tingin sa phone.
"Teka, Sky!" tawag ko kay Sky na busy pa rin sa phone nya, pero tinignan nya naman ako,
"Hmm?" tanong nya,
"Tulog na tulog na si Kei nung dumating kayo, at super sakit ng ulo nya, meaning super nalasing sya kagabi?" nakangiti kong tanong, kasi kung oo, for sure nakwento na naman nya yung tungkol kila Jung Kook, Justin Bieber, Zayn Malik, Kay president Duterte, yung powers nya kuno, at yung adventure nya sa Atlantic Ocean.
Nakatingin si Sky sakin na parang nagtataka kung bakit ako nakangiti, pero si Charms nag-uumpisa nang matawa.
"Oo, sobra naubos nya yung dalawang bucket ng beer at isang bote ng Jack Daniels" sabi nya, yung dalawa naman nyang katabi parang bilib na bilib sa narinig.
"Talaga man? wow" sabi na lang ng pinsan ko, palibhasa mahina ang alcohol tolerance, eh!
"Oo man, gulat nga rin ako, mas madami pa syang nainom sakin" sagot naman ni Sky.
"So kung sobrang lasing sya, nakwento nya sayo lahat?" tanong ni Charms na nagpipigil ng tawa.
"Ahm, aling lahat?" takang taka namang tanong ni Sky.
"Yung powers nya na.... you know?" tanong nya, dahil doon bigla nang natawa si Sky, mukhang nakwento nga ni Kei sa kanya, at pag nalaman yun ni Kei, for sure lagot si Sky sa kanya.
"Yung kaya nya daw mag levitate? tapos tito nya daw si President Duterte?" natatawa nyang tanong na sinagot naman ni Charms ng tawa at tango.
"Oo nakwento nya, ang hirap nga ng kalagayan ko nun kasi pigil na pigil yung tawa ko, kasi pag tatawa ko kukurutin, hahampasin o babatukan nya ko" sabi ni Sky na parang nagsusumbong samin.
"Talaga ba? tito nya si President Duterte?" seryosong tanong ni Aris,
"At kaya nya talagang mag levitate?" dagdag pa ni Sam, kupal nga sila, Sky's right! Dahil sa dalawang to lalong natawa yung dalawa na kinatawa ko na rin ng husto.
"Syempre hindi! sinasabi nya yung mga yun kapag lasing na lasing na sya" sabi ko naman.
"Ito pa mga bro, sabi nga nya nakapag-dive na daw sya sa Atlantic ocean at nakita nya daw doon yung lumubog na barkong Titanic. Saka wag daw akong mainggay sa iba, wag ko daw ipagkakalat o ipagsasabi kahit kanino na naging sila daw nung Jung Kook Jeon, na member ng isang korean boy band na hindi ko na matandaan kung anong pangalan. Niligawan din daw sya ni Justin Bieber, pero dahil friends sila ni Celina Gomez, hindi nya daw pinatulan si JB, at ipakikilala nya pa daw ako kay Zayn Malik na pinsan nya" mahabang kwento ni Sky na kinatawa naming lima, lalo na namin ni Charms dahil na-imagine na naman namin ang itsura ni Kei habang nagkukwento.
"Hahahaha, tapos yung itsura pa ni Kei pag nagkukwento seryoso, eh, hindi sya mukhang lasing kahit na lasing na lasing na talaga sya, kaya parang magdadalawang isip ka ba kung hindi ka maniniwala sa kanya" paliwanag pa ni Charms na nagpupunas pa ng luha nya, naluha na kakatawa ang bruha!
"Jusme, buti tulog si Kei, pag narinig tayo nun na pinagtatawanan natin sya, lagot tayong lima" sabi ni Charms na ngumingisi pa rin.
"Lagot ka rin Sky pag nalaman nyang nakwento nya yun sayo" sabi ko kay Sky habang naka lagot sign pa, nawala tuloy bigla yung mga ngiti nya na para bang napalitan ng takot, at napahawak sya sa pisngi nya.
"Shit, mabubugbog na naman ang pisngi ko" sabi nya na kinatawa na naman namin ni Charms, for sure nasampal to ni Kei kagabi hahahaha,
Hay naku, Kei will always be Kei, kahit gawain nya kapag nalalasing, iisa na lang, eh! But still, natatawa pa rin kami ni Charms.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
قصص عامةSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?