Chapy 15: Malanding Ugnayan

48 3 0
                                    

(((Keira's POV)))

"Thanks sa paghatid, inggat sa pagdadrive" sabi ko ng makababa ako sa kotse ni Clark. Galing kasi kami sa party ng friend nya.

"Where have you been?" Salubong ng dalawa na busy kakatitig sa t.v nagmomovie marathon sila ng kung ano, hindi ko alam kasi korean!

"Kila Mike" sagot ko saka naki upo sa kanila, ang dami nilang pagkain, eh.

"Sino naman si Mike?" Tanong ni Ken habang ngumunguya.

"One of Clark's friend" sagot ko habang nakatingin na rin sa pinanunuod nila. Parang ang ganda kasi nito kahit di ko naman maintindihan bakit kasi ang bilis nung subtitles, nabitin naman ako nang bigla na lang itong namatay.

"Oh, bakit nyo pinatay?" Reklamo ko sa dalawa na masama na ang tingin sakin.

"Nung isang Araw si Renzo yung naghatid sayo, tapos kagabi si Jovet ngayon si Clark" sabi ni Charms na nakaupo na sa sofang nasa harapan ko.

"Wag mong sabihing friends mo lang ang mga lalaking yun, dahil makakalbo kita!" Sabi ni Ken sakin.

"Totoo naman, eh, kaibigan ko lang sila" sabi ko naman habang ngumunguya ng chichirya.

"Eh, yung lalaking halos araw-araw mong kasama sa loob ng tatlong buwan nang mahigit, kaibigan mo lang rin?" Tanong naman ni Ken, I know that she's referring to Clark.

"Special friend" mahina kong sabi habang hindi nakatingin sa kanila, dahil alam kong nakatitig sila sakin ng makabuluhan or maybe ng nakamamatay?

"Special friend? Bakit? May mental disorder ba si Clark kaya special friend mo sya?" Sarcastic na tanong ni Charms na inirapan ko na lang.

"Funny Charms" Sarcastic ko ring sabi sa kanya.

"Kung sinasagot mo kasi ng maayos diba?" Sabi naman ni Ken.

Bumuntong hininga ko bago muling magsalita "Sinagot ko na diba? He's a special friend of mine" sabi ko saka uminom ng drinks nila.

"Hindi kayo?" Tanong ni Charms na inilingan ko lang as an answer.

"Walang kayo?" Sabi na naman ni Ken.

"Ken ulit ulit tayo dito? Wala nga!" sabi ko ulit. "Bakit ang kulit nyo?" Dagdag ko pang tanong.

"Kasi naman po, few months ago, three moths to be exact, sinabi mo samin na sinabi nya sayo na he likes you. So ano ibig sabihin ng he likes you na yun? He likes talking to you? He likes to be with you? He likes to Love you? O he just like to play with you?" Mahabang litanya ni Kendra.

"Play talaga?"

"Kei, magkwneto ka nga samin! Bakit kung umasta kayo ni Clark parang may something? Ano yun M.U na ba kayo?" Tanong naman ni Charms sakin.

"Hindi rin, eh, look, girls hindi ko rin talaga alam kung anong meron samin, I think we're just enjoying each others company?" Naguguluhan ko ring paliwanag sa kanila.

"M.U nga" they both said

"You can also say that" sabi ko na lang. "Kasi hindi rin naman namin iniintindi kung ano ba kami, kaya nga I still hang out with other boys" dagdag ko pa.

"Nagkiss na ba kayong dalawa" seyosong tanong ni Ken na tinaguan ko lang bilang sagot.

"Ken mali yung tanong mo, dapat nagkikiss ba kayo?" Pagcocorrect pa kuno nitong si Charms "Ganun dapat, so ano na Kei? Sagot" utos pa nito sakin, kaya tumago na lang ako, peste sya, eh!

"At ito pa, diba nung gabing nakauwi tayo from the hospital, tabi kayong natulog, then mula nun parati ka na nyang sinusundo at minsan hinahatid ka rin pauwi, madalas rin kayong gumala at magpunta kung saan saan ng kayo lang, take note, just the two of you" dagdag pa ni Ken sa kanina nyang sinabi.

"Hoy babae, pano mo nalaman lahat yan? Sinusundan mo ba kami sa mga lakad namin?" Tanong ko habang nakaturo pa ng tinidor sa kanya, kinakain ko kasi yung cake na nasa platito, malamang kay Charms to.

"Nagdrugs ka ba? Malamang kinukwento mo duh! Ulyanin lang?" Sarcastic nyang sagot habang iiling-iling pa.

"Parang alam na namin kung ano ngang meron sa inyo ni Clark!" Sabi ni Ken saka tinignan si Charms and nagkangitian pa sila, nakakaloko tong dalawang to, may alam silang hindi ko alam!

"Yang mga ganyan nyo, ah, oh sya sige, ano?" Pagtataray ko sa dalawa.

"Malanding Ugnayan!" Sabay pa nilang sabi at sabay pa silang tumawa!

"Alam nyo! Letche kayong dalawa!" Irita kong sabi sa kanila.

"Friend answer me, may endearment ba kayo?" Pag-usisa pa ni Ken na parang nang-aasar lang.

"Wala!" Walang gana kong sagot. Nakakainis tong dalawang to! Inaasar lang ako, eh! kung anu-ano nang mga kalokohang tanong ang tinanong sakin, yung iba nga hindi ko na alam kung tanong pa ba yun!

"Pero friend ito seryosong tanong" sabi ni Charms na parang ayaw ko pang maniwala, dahil mula pa kanina puro kalokohan na ang tinatanong sakin.

"Ano na naman yan? Naku Charms umayos ka na, ah, kapag yan hindi matinong tanong tatamaan ka sakin" pagbabanta ko agad sa kanya.

"Oo nga, seryoso" sabi nya saka umayos ng upo "Diba crush mo naman si Clark? And una pa lang naman alam mo na na the feeling is mutual, pero bakit hindi mo sya binoboyfriend? Ayaw mo na ba sa kanya?" Seryosong mukha nya ngang tanong sakin.

"Hindi ko alam, maybe because he didn't asked if he can court me? Or maybe kasi hindi nya talaga yata balak na ligawan ako at all" Naguguluhan ko ring sagot.

"Alam mo friend, ang gulo nyong dalawa, naglalandian kayo pero walang kayo. Lagi kayong magkasama at lumalabas, pero hindi kayo nagliligawan. Nagkikiss kayo, pero hindi kayo mag jowa. Ano ba talagang laro ang nilalaro nyo?" Sabi naman ni Ken na parang super interesado samin ni Clark.

"Alam nyo kayong dalawa, itulog nyo na lang yan, antok lang yan, yung samin ni Clark, wag nyo nang problemahin dahil hindi nyo naman na yun problema" sabi ko na lang saka na tumayo para sana umakyat sa room ko ng tawagin ako ni Charms.

"Bakit na naman?" Tamad na tamad ko nang tanong, 

"Akala ko ba kami ang matutulog? Bakit ikaw ang umakyat?" Tanong nya.

"Hindi ba pwedeng matutulog na rin ako?" Sarcastic kong sagot saka na dumiretso sa room ko.

Umupo ko sa may bintana saka ko lang narealize lahat ng mga pinagtatanong sakin nung dalawa kanina lang, lalo na dun sa huling sinabi ni Ken.

"Naglalandian kayo pero walang kayo. Lagi kayong magkasama at lumalabas, pero hindi kayo nagliligawan. Nagkikiss kayo, pero hindi kayo mag jowa. Ano ba talagang laro ang nilalaro nyo?"

Clark?

Nakikipaglaro ka ba talaga?

Kasi ako hindi!

Yes lumalabas pa rin ako kasama ang ibang mga lalaki, pero hindi mo alam kung gano ko hinihiling na sana ikaw na lang sila.

Hindi ka nanliligaw pero sa tuwing magkasama tayo hindi mo alam kung gano ko hinihiling na sana one of those days magsasabi ka na na gusto mo kong ligawan.

Tuwing dadampi ang labi mo sa mga labi ko, hindi mo alam kung gano kalikot ang mga nilalang na naninirahan sa loob ng tyan ko.

Sa tuwing hahawakan mo ang kamay ko hindi mo alam na hinihiling ko na sana wag mo na yun bibitawan pa.

Hindi ako maaga gumising pero dahil alam kong lagi mo kong susunduin, parati na kong maaga kung gumising, minsan pa nga nauuna pa ko sa alarm clock ko!

Letche ka Clark, kung gusto mo kong maging girlfriend mo magtapat ka na! Ayokong mauna!!!

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon