(((Skyler's POV)))
"Bro, hindi mo na kasi dapat pinuntahan, sinabi na ngang ayaw na sayo, eh" pangaral ni Sam sakin.
"Bro tanga nga, eh, anong bago?" dagdag naman ni Aris. "Kasi naman, ikaw ba naman ang ibigay mo na halos ang lahat nang sayo, eh, iniwan ka pa" dagdag pa ni Aris sa statement nya.
"Lesson learn brother, pag nagmahal ka...." sigaw ni Sam sakin, pero bago tapusin yung sasabihin nya nagtinginan muna silang dalawa ni Aris.
"Wag ibibigay lahat!" sabi nila at nag cheers sila sabay tawa.
Kita nyo tong dalawang to, parang hindi kaibigan, eh. Napaka supportive talaga nila, ipamukha pa talaga sakin na tanga ako!
"Alam nyo, salamat sa inyong dalawa, ah, napaka-supportive nyong mga kaibigan talaga!" sabi ko naman saka tumagay at kumain ng pulutan.
"Your welcome bro!" sarcastic na sabi naman nitong si Sam.. Gagong to!
"Eh, bro kasi naman, gago ka, eh, pag inayawan ka ng babae, hindi mo na dapat hinahabol" sabi ni Aris at saka tumungga ng inumin.
"Saka hindi binibigay lahat para sa kanila. Tuloy, tignan mo sarili mo, 18 ka pa lang, pero mukha ka nang 30!" dagdag pa ni Sam.
"Hoy Samuel Mendrado, kapal mo, ah, porket naka salamin mukha nang 30?" sagot ko naman na kinatawa nya.
"Hindi naman yun yung ibig sabihin nitong si Sam bro, alam mo, lasing ka na, may pasok pa bukas, ibig bang sabihin nyan hindi ka papasok?" tanong naman ni Aris.
"Papasok ako, sige na magsi-layas na nga kayo, salamat sa pagdamay" sabi ko na lang saka umakyat na sa kwarto at iniwan na yung dalawa, bahala na silang dalawa sa buhay nila.
"Sige, Skyler Dy, see you tomorrow huh!" Pahabol pang sigaw ni Sam bago ko maisara ang pinto ng kwarto ko.
***
"Aris, hindi ko alam may zombie na pala tayong kaibigan" sabi ni Sam kay Aris nang makisali ako sa pagtambay nila sa may hall way.
Tinawanan pa nila ako, bad trip naman tong dalawang to oh, kagabi pa nila ko pinagtutulungan.
"Bro, sana hindi ka na lang pumasok, mukha kang zombie oh" sabi ni naman ni Aris habang tinuturo pa yung dalawa kong mata na tinatakpan ko na ng eye glass ko.
"Bro, umuwi ka na kaya, ipahinga mo na yan" sabi naman ni Sam.
Nandito kami sa tapat ng room namin. Papasok na sana ko para umidlip sandali, nang makita ko syang parating. Kaya naglakad na ko papunta sa kanya para salubungin sya.
"Hoy Sky, san punta?" rinig ko pang tawag ni Sam sakin, pero hindi ko sya pinansin.
"Ah, Evelyn, pwede ba tayo mag-usap" tanong ko.
"Skyler, hindi na pwede, may boyfriend na ko, saka pwede ba, tigilan mo na ko" sagot nya nang hindi man lang nag-abalang tignan ako.
"Sige naman na, kahit sandali lang" pagmamakaawa ko pa.
"Ayoko nga!" sigaw nya na medyo nakatawag sa atensyon ng iba pang estudyante na nakatambay dito sa hallway.
"May kailangan lang naman ako sabihin sayo, eh" sagot ko naman ng medyo mahina.
"I said ayoko, alin ba sa salitang 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?" tanong pa nya, at this time, pinagtitinginan na talaga kami ng mga schoolmates namin.
Lumuhod ako sa harap nya. Wala na kong pakialam kung anong iisipin ng mga nanunuod samin, ng present boyfriend nya or even her. Lulunokin ko na ang natitira kong pride, para lang sa kanya.
"Hey ano ba, tumayo ka na dyan ayoko nga makipag-usap sayo" sabi nya at pilit akong pinatatayo.
"Bro, ano ka ba naman, tama na yan, tumayo ka nga dyan" sabi nila Aris na nasa likod ko, pero hindi ko sila pinakikinggan.
"Mag-uusap lang tayo, please naman" I begged, hinawakan ko pa yung kamay nya na agad naman nyang binawi.
"How many times do I have to tell you, I don't want to talk to you, idiot" sigaw nya,
"Please Evelyn, I still love you" pagmamaka-awa ko parin.
"Hindi na kita mahal, ganun ka ba katanga para hindi yun maintindihan, you stupid nerd" sigaw ulit nya saka ako tinulak para makadaan sya na naging dahilan para mapa-upo ako.
Pagkatalikod nya sakin, may babaeng lumuhod sa harap ko at ngumiti sakin saka biglang nagsalita.
"Hey you!" Sabi nya sabay tayo at turo kay Evelyn. "Yes you froggy lady" sigaw nya habang nakataas pa ang kilay nya.
Tumingin naman si Evelyn sa babae at sa paligid nya, tinitignan yata nya kung sya ba ang tinawag nitong babae.
"Are you talking to me?" tanong pa nito habang nakaturo sa sarili nya.
"Ay, sino pa bang babaeng mukhang palaka dito, eh, ikaw lang naman" sagot nya in a sarcastic way saka nag cross arms.
"Ah, ang kapal naman ng mukha ng babaeng to" sabi pa ni Evelyn habang nakatakip ang isang kamay sa bibig.
Tumingin yung babae sakin saka in-extend nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo, inabot ko naman agad yun.
"How dare you call him idiot and stupid nerdy? kala mo naman kung sino kang matalino at maganda, mas maganda naman di hamak si Annabelle sayo noh" she said in a serious tone of voice na kinagulat ng lahat ng nandito na nanunuod, at lalong lalo na ni Evelyn.
Sino ba tong babaeng to?
Bakit nya ko tinutulungan?
Isa ba sya sa kaaway ni Evelyn?
"Hoy, sino ka ba at, bakit mo sya pinagtatanggol?" masungit na tanong ni Evelyn habang nakaturo sakin.
"Ako lang naman si Keira Raven, a very good friend of him, so siguro naman natural lang na ipagtanggol ko sya sa mga taong tumatapak sa pride nya, lalong lalo na sa matapobreng mukhang palaka na kagaya mo diba?!" mataray nyang sagot saka pa tinaasan ng kilay si Evelyn.
Napanga-nga na lang tuloy si Evelyn habang nakatingin samin.
Itong babaeng nasa tabi ko naman, kumapit sa braso ko at hinatak na ko patalikod palayo kay Evelyn.
"Maglakad ka lang palayo, wag kang lilingon" pabulong nyang sabi nang hindi bumubukas ang bibig nya.
Dinala ako ng babaeng tumulong sakin sa likod ng campus na bihirang puntahan ng mga estudyante, kasi sa katunayan, hindi ko rin alam ang dahilan.
Umupo kami sa simentong upuan na nasa gilid ng isang malaking puno.
Maya-maya lang dumating na yung dalawa kong dakilang kaibigan.
"Bro, may kaibigan ka palang kasing hot nya?" tanong agad ni Aris pagka-upo nito sa tabi ko.
"Hi Miss, I'm Sam by the way" pakilala naman ni Sam dun sa babae.
"I'm not interested" mataray nyang sagot.
"Keira, kaya ba binusted mo ko? dahil sa lalaking yan?" biglang sulpot ng isang lalaki na may itsura din naman kung tutuusin, habang tinuturo si Sam.
"Arvin, what are you talking about?" tanong nung babae dun sa parang kabuteng lalaki. Bigla na lang kasing sumusulpot.
"Sya ba ang pinalit mo sakin?" tanong ulit nya habang dinuduro pa rin si Sam.
Tumabi bigla yung babae kay Sam at kinawit ang mga braso nya sa braso nito.
"Yes, and his much better than you" sagot nung babae sabay ngiti.
Hindi na nakapagsalita yung lalaki at umalis na lang.
She's almost perfect. She has a nice skin tone, nice shape of lips, bagay sa hugis ng mukha nya ang style ng buhok nya na straight at may curl sa dulo, at ang pungay ng mga mata nya, parang mata ng isang angel na hindi makasalanan. Hindi matangos ang ilong nya, pero bagay na bagay sa mukha nya ang hulma ng bawat parte nito.
Is she an angel or what?

BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Genel KurguSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?