Chapy 5: Bump

69 6 0
                                    

(((Charms POV)))

"Friend, sumama ka na sa birthday ni Aris, makikikain lang naman tayo!" pag-aaya ni Ken dito kay Kei na ayaw daw sumama bukas.

Bukas kasi ang birthday ni Aris. Itong si Ken, kala mo naman sya ang mag-bibirthday kung makapang aya! Now I know kung kanino sya nagmana, sa pinsan nyang si Sam!

"Ayoko, makikita ko lang yung hinayupak na tangang kaibigan nila doon" reklamo naman nitong si Kei na busy sa pagliligpit ng mga gamit nya.

"Eh, friend, hindi naman sya yung pupuntahan mo dun!" sagot ko naman.

"Pag-iisipan ko" sagot nya.

Naglalakad na kami pababa para pumunta sa parking nang may tumawag sa pangalan ni Kei.

"Keira!" tawag nito, nagkatinginan muna kaming tatlo bago lumingon.

Paglingon namin..

"Gosh, si Jimuel!" tarantang sabi ni Kei.

Simula kasi nang magbugbugan sila ni Ryan, parang nabaliw na tong si Jimuel at habol ng habol kay Kei, para syang aso. Alin ba sa mga katarayan at sa speech ni Kei sa kanya ang hindi nya maintindihan?

Napatakbo tuloy kami nang di oras palabas ng campus.

"Girl, bakit hindi tayo dumiretso sa parking?" tanong ko habang taranta na ring tumatakbo.

"Maaabutan kasi tayo, saka baka macorner ako!" sagot naman ni Kei na parang runner kung tumakbo.

Ano bang problema nitong lalaking to? nadadamay kami sa pagiging obsessed nya kay Kei, ah.

"Kei, kausapin mo na kasi, pagod na ko" reklamo ko habang patuloy kami sa pagtakbo.

"Ayoko, baka kung anong magawa sakin nyan!" reklamo nya, at lalo pang bumilis yung takbo nya.

"Friendships, maghiwahiwalay tayo, pagliko, ah, kita kits na lang sa bahay" suggestion ni Ken, Nag okay sign naman kami ni Kei.

Pagliko namin papunta sa hindi namin alam kung saan sa left pumunta si Kei at sa right kami ni Ken.

"Friend, tago dali" mahinang bulong ni Ken nang may makita syang isa pang eskinita.

Pagpasok namin sa eskinita, nakahinga kami parehas.

"Pakiramdam ko hinabol ako nang isang malaking asong nangangain ng tao!" sabi ni Ken habang nakahawak sa dibdib nya at naghahabol ng hininga.

"Ako nga pakiramdam ko aatakihin ako sa puso dahil pagkakapos ko sa hininga, eh" sagot ko naman.

Parehas kaming wagas kung himinga nang hawakan ni Ken yung braso ko.

"Si Kei kaya san na napunta?" tanong nya.

"Hindi ko rin alam, pero sana safe na na  rin sya. Sana nakapagtago rin sya" sagot ko naman.

(((Keira's POV)))

"Juice colored, pagod na ko, help please" mahina kong bulong habang patuloy parin sa pagtakbo.

Hindi ko na alam kung san ako pupunta, nagbu-blur na rin yung mata ko dahil naiiyak na ko. Nagsisimula na kong matakot sa taong humahabol sakin.

"Diyos ko naman, ayoko pa po mamatay" sabi ko pa hanggang sa.... 

"Aww, Ano ba? hindi kasi nag-iingat, eh!" reklamo ko habang pinipilit kong tumayo dahil parang nase-sense ko na si Jimuel ay papalapit na sakin.

"Miss sorry, ayos ka lang ba? may humahabol ba sayo?" tanong nang lalaki na nakabunggo sakin.

Gusto ko na tumayo kaso nanlalambot na yung mga tuhod ko sa sobrang pagod.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon