Chapy 47: Facing fear

41 0 0
                                    

(((Sky's POV)))

Dahil sa pag-iyak, nakatulog ulit sya, this time, sa mga braso ko na.

All this time, akala ko ako na ang pinakamalas at may masamang nakaraan, pero walang wala pala yung nakaraan ko sa nakaraan nya.

Tinignan ko ulit si Kei na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakayakap pa rin sakin. She looks so vulnerable this time, I badly want to help her, pero pano? ni simpleng pagmamaneho nga hindi ko magawa!

Napatingin ako sa orasan na ngayon ay nakaturo na sa number 7.

7 am na, kailangan na namin makapunta kila Aris, for sure kagabi pa sila nag-aalala. Inayos ko si Kei at pinahiga ng maayos sa kama saka ko kinuha ang phone ko at bumaba. Nanghiram ako ng charger sa receptionist at naki-usap na icharge sandali ang phone ko. Nakitawag na rin ako.

"Skyler! nasan kayo? si Kei? anong nangyare? ayos lang ba kayong dalawa?" alalang-alalang bungad ni Sam sakin.

"Sam relax, ayos lag kami, tulog pa si Kei, parehas na dead batt phone namin kagabi kaya di kami nakatawag sa inyo, tumawag ako para sabihing wag kayo mag-alala, we'll be there before lunch" sabi ko.

"Gusto mo bang sunduin na lang namin kayo? nasan ba kayo?" he asked,

"Wag na man, ayos lang kami, pag full charge na phone ko, we'll go right away" sabi ko kaya nagpaalam na sya at di na nagpumilit na puntahan pa kami.

After that phone call pumunta na ko sa parking lot at binuksan ang pinto sa may driver's seat.

"Sky, kailangan mong kayanin, para makaalis na kayo dito" sabi ko sasarili ko habang nakatayo at nakatitig lang sa driver's seat. Huminga ako ng pagkalalim-lalim saka nilakasan ang loob na umupo dito, pero hindi ko pa nahahawakan ang manibela. "Hinay-hinay lang, one step at a time" pagpapakalma ko pa sa sarili ko dahil sobra pa rin akong kinakabahan.

Nakatitig lang ako sa manibelang nasa harapan ko, "Kailangan kayanin ko to"  bulong ko sa sarili ko.

Dahan dahan kong pinasok ang susi at hinawak sa manibela ang mga kamay kong nanginginig. I started the engine and step on the clutch, saka ko dahan dahang inapakan yung accelerator hanggang sa dahan dahan na ring umaabante yung sasakyan. Nang dahan  dahan ko nang marelease yung clutch bigla na lang may mabilis na sasakyang dumaan sa harap ko kaya nataranta ako at napatapak bigla sa break dahilan para mauntog ako sa manibela.

Nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo, gusto ko nang buksan yung pinto para makalabas, pero ayaw nitong bumukas kaya lalo akong nataranta.

"Sky! Sky!?" rinig kong tawag mula sa labas, doon ko nakita si Kei na alalang-alala. "Buksan mo!" sigaw nya pero dahil sa pagkataranta ko napindot ko pa yung lock kaya lalo akong nataranta at kinabahan. "Sky, kalma, kumalma ka! Sky makinig ka! kumalma ka at buksan mo yung pinto" rinig kong sabi nya mahina pero naiintindihan ko pa rin.

Huminga ako ng malalim hanggang sa maunlock ko yung pinto, at bumukas ito dahil kay Kei na agad akong hinila palabas. Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya napaupo ako,

"Sky ano bang  ginagawa mo?" galit nyang sabi.

"Akala ko kaya ko na ulit" umiiyak kong sabi, "Akala ko kaya ko, pero hindi pa rin pala, pinangungunahan pa rin ako ng takot" dagdag ko pa, kaya napa-upo sya sa tabi ko at dahan dahan akong niyakap.

"Ayos lang, wala namang pumipilit sayong mag-drive, eh" mahina nyang sabi, kaya napayakap na rin ako sa kanya. "Wag mo nang uulitin yun, ah!" she said, kaya napaluwag yung yakap ko "Dahil pag nagasgasan yang kotse ko, makakalimutan ko talagang may utang na loob ako sayo kanina lang" she added saka na bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Sorry" may luha pero natatawa kong sabi, napangiti sya saka tumango,

"Tara na, puntahan na natin sila" sabi nito saka tumayo at inabot ang kanang kamay nya para alalayan akong tumayo. "Oh phone mo, lagay mo na sa tracker" utos nya nang maiabot nya sakin ang phone ko.

"Ganun ako katagal natula sa loob ng sasakyan? muntik na talagang mapuno yung phone ko?" I asked her na tinanguan nya lang.

Nang makasakay na kami sa kotse ay agad na nya itong pinaandar. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila Sam ay di na kami ulit nag-usap pa.

"Kei, Sky!" Sabay sabay na bungad samin nung apat.

"Buhay at safe kami, kaya chill" pangunguna ni Kei sa ready to fight nang bunganga ng dalawa nyang kaibigan.

"Pinag-alala mo kami!" sabi ni Ken sabay yakap sa kaibigan, maging si Charms ay yumakap na rin.

"Sorry friendships, sunod sunod lang talaga ang malas na nangyare samin kagabi. Mamaya ko na ikukwento, sa ngayon, pwede matulog muna ako?" tanong nito sa dalawa, kaya sinamahan na sya ng mga ito sa kwarto nya.

"Hoy Sky, ano ba talagang nangyare sa inyo?" tanong ni Aris.

"Oo nga, bakit mukhang pagod na pagod si Kei, pinagod mo?!" tanong ni Sam na para bang may iba pang meaning.

"Gago, wala kaming matinong tulog parehas" sabi ko lang, itong dalawa naman nagkatinginan at napatawa pa ng malakas na para bang may iba pang gustong ipakahulugan.

"Hindi sila nakatulog, Sam" Sabi ni Aris in a sarcastic way.

"At napagod si Kei!" dagdag pa ni Sam sabay tawa na naman silang dalawa.

"Mga tarantado, umiiral na naman pagiging berde ng utak nyo" sabi ko at iniwan na sila doon sa sala saka dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Pero man, ano kayo na ba? iba ka talaga Sky, lumevel up ka na talaga" sabi na naman ni Sam.

Sumunod pa pala sila hanggang dito.

"Walang kami, isang hirit nyo pa, makakatikim talaga kayo sakin" pagbabanta ko,

"Ow, not on the mood, pagod rin" sabi na naman ni Aris na tinignan ko lang ng masama,

"Oh, relax man, pagod ka rin like Kei, so matulog ka na rin, nasa taas yung room mo, unang pinto sa left side" Sabi na lang ni Sam.

Iniwan ko na lang sila at umakyat na sa kwartong sinabi ni Sam. Nang makapasok ako ay agad kong nilock ang pinto at nahiga. Hindi na ako ulit nakatulog mula ng magising ako dahil nananaginip si Kei, pero parang hindi pa ako tinatamaan ng antok. Tinignan ko ang relo ko, alas dyes na ng umaga, ala una ng madaling araw pa ko gising. Sinubukan kong pumikit, pero pakiramdam ko naririnig ko si Kei na  umiiyak, kaya lumabas muna ko ng kwarto. Sakto namang paglabas ko, lumabas sa katabing kwarto ko sila Charms at Ken.

"Si Kie?" out of the blue kong tanong na kinagulat nila, halata dahil nagkatinginan sila.

"Bagsak" sagot lang ni Charms kaya napatango na lang ako.

"Sige, baba muna kami, pahinga ka na rin" sabi naman ni Ken na nginitian at tinanguan ko na lang.

Sana wag na sya bangungutin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon