(((Kei's POV)))
Nagising ako dahil sa gutom, kaya sinilip ko yung wrist watch ko and to my surprise, alas singko na pala ng hapon. Bumangon ako at bumaba pero wala akong taong nakita, nasan na naman kaya yung nga kasama ko?
Naupo ako sa upuan sa sala at pinagmasdan sandali yung kabuoan ng bahay, ang ganda kasi nya, pleasant sa paningin. Para syang sinaunang bahay, pero gawa sa marmol at mukhang antiques pa yung mga wood crafts na naka display.
"Kei?" gulat na bangit ni Sky sa pangalan ko nang lumabas sya mula sa, kusina ata,
"Sky, san sila?" agad kong tanong.
"Hindi ko nga alam, nagising ako dahil sa gutom kaya ako pumunta sa kusina" he said sabay turo sa likod nya.
"So busog ka na kaya ka na lumabas?" may pagka-sarcastic kong sabi.
"Wala ngang laman yung ref" dismayado at malungkot naman nyang sabi, dahil doon, nadismaya na rin ako, kasi nga gutom na rin ako, "Gutom ka na rin?" bigla nyang tanong na tinanguan ko lang.
"Nagising rin ako dahil sa gutom" I said, tas bigla na lang syang tumawa, problema nito? may nakakatawa ba sa sinabi ko?, "Did I say something funny?" nagtataka kong tanong pero umiling lang sya saka tumigil na sa pagtawa.
"Wala naman, halata nga kasi sa mukha mong gutom ka na" natatawa nyang sabi, natawa na lang din tuloy ako. "Tara, sa labas na lang tayo kain" aya nya, since gutom na nga talaga ko, pumayag na ko,
"Tara" masaya kong sabi.
Kinuha ko yung wallet ko saka kami naglakad lalad, pagod na ko magdrive at isa pa maganda maglakad lakad, malapit lang kasi yung bahay nila Sam sa Calle Crisologo, yung sikat na kalsada dito.
"Ang ganda pala dito pag gabi" mangha kong sabi habang ginagala ang paningin sa paligid.
"Gusto mo rin bang magpapicture?" tanong ng kasama ko, napangiti ako dahil sa alok nya,
"Oo sana, kaso iniwan ko yung phone ko" I said, and was about to walk again nang pigilan nya ko,
"Dali, dyan ka sa gitna" sabi nito. "Pose na, bago pa magbago ang isip ko" reklamo nya agad, dahil trip ko naman talaga magpapicture, nagpose na ko at humirit pa ng ilan pang shots.
"Ikaw, ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya habang tinitignan namin yung pictures ko.
"No, mas gusto kong kumain" simple nyang sabi saka nya ako tinalikuran, kaya hinila ko sya at tinapat saming dalawa yung phone nya.
"Smile" sabi ko sabay capture. "Isa pa" hirit ko, pero masama na ang tingin nya sakin, kita ko sa rihehistro ng mukha nya sa camera, "Last na promise, ang panget mo kasi dun sa una, eh" reklamo ko pa, "Last na kaya, smile" sabi ko na ginawa naman nya.
"Okay na? pwede na ba tayong kumain?" inis nyang tanong sabay lakad, iwan daw ba sakin yung phone nya?
"Huy teka lang, hintayin mo kaya ako" angal ko habang hinahabol ko sya.
Himinto sya sa isang kainan na nakahilera dito rin sa Calle Crisologo. Umorder sya ng para samin saka nya ako muling tinignan.
"Oh, phone mo, send mo na lang sakin later" sabi ko.
After namin kumain, nag-ikot ikot muna kami. Habang tahimik kaming naglalakd ay tahimik ko ring pinagmamasdan si Sky. Napalitan man yung good guy image nya, yung pagiging malalim na tao nya, hindi pa rin talaga nawawala, ang hirap nya pa ring basahin, or mas tamang sabihin kong mas mahirap syang basahin ngayon.
"Hoy kayong dalawa, bakit kayo bigla biglang nawawala?" bungad ni Charms samin nang makauwi kami.
"Oo nga, kaya nga naimbento ang phone for communication, sana nagtext man lang kayo" Segunda pa ni Ken.
"Nagdate ba kayo?" seryoso namang tanong ni Sam.
"Hindi pa ba kayo nakuntento na buong gabi kayong magkasama kagabi?" sabi naman nito si Aris.
"Ma......" magpapaliwanag pa sana ako kaso, pinutol ni Sky yung sasabihin ko.
"WOW!" He reacted in a sarcastic tone, "Kayong apat ba nakarinig ng reklamo mula samin simula nung dumating kami kanina? nagreklamo ba kami na iniwan nyo kami at pinahirapang sumunod sa inyo? nagreklamo ba kami sa inyo nung hindi nyo man lang kami sinabihan na may plano pala kayong out of town trip na ganito, malalaman na lang namin kung kelan nakaalis na kayo. Tapos nagising kami wala na naman kayo, nagsabi ba kayo samin na aalis kayo? nagutom kami wala namang lamang pagkain yang ref na pagkalaki laki dyan sa kusinang yan, nagreklamo ba kami? did you ever heard any word from us? apat pa kayong may mga phone na full charge at may mga load, now, ni isa ba sa inyo may nakaisip na i-inform or magpaalam man lang samin?" mahaba nyang sumbat sa kanila na nagpatahimik at nagpayuko sa apat.
"Sky" awat ko, pero tinignan nya lang ako.
"You're my friends, that's why, I know that you know the things that I like and the things that I don't" sabi nya saka na sya umakyat at iniwan kami.
"Lagot kayo" pangongonsensya ko pa.
Naupo yung apat sa sala at bigla na lang boom, nakaisip na raw sila ng paraan para makabawi kay Sky.
Tinawagan ni Aris si Sky, "Bakit?" bungad nya ng masagot ang phone.
"Sorry na agad" sabay nilang sabi ni Sam.
"Oo na sige na, magsitulog na kayo" rinig ko namang sabi ng nasa kabilang linya, dahil doon bigla na lang silang nasisigaw sa tuwa, may sapi talaga silang dalawa.
Napaiing na lang ako sa kanila. This is the things I like the most to the both of them, alam nila kung pano nila suyuin ang kaibigan nila pag nagagalit o nagtatampo na ito sa kanila. I find it sweet though, medyo nailang ako nung unang beses nilang gawin sakin yun.
Tapos yung dalawa naman.
"Sky, sorry na, wag ka na magalit, promise di na po mauulit"-Ken.
"Sorry na talaga Sky, kasalanan namin, super duper sorry" - Charms.
Bago pa ako umakyat ay bigla na lang naghigh five yung dalawa, sabay pakita samin ng reply ni Sky sa kanila na apology accepted.
"Oh edi, congratulations sa inyong apat, magsitulog na kayo" sabi ko saka na ako naunang umakyat.
Walang gaanong laman tong kawarto kungdi ang isang malaking kama na gawa sa matibay na kahoy, kagaya nang mga kahoy na nasa ding ding at pinto ng buong bahay. Sa tabi ng kama ay may isang bed side table, nasa gilid ng pinto ang isang katamtaman ang laking aparador na gawa rin sa kahoy at may veranda na ang harang ay gawa sa bakal.
Huminga ako ng malalim saka nahiga, tapos bigla akong napangiti nang maalala ko na naman yung ginawa nung apat.
Sa dinami rami ng problemang halos araw araw dumadaan sa buhay ko, kaibigan ko na lang ang maituturing kong, magandang problemang dumating dito. Lalo na nang dumating pa sila Aris at Sam, sige isama na natin ang halos hindi ko pa rin makasundo na si Sky. Kahit nasusungitan, inaaway, naiinis at nagtatampo kami sa isa't isa, di rin naman namin matitiis ang bawat isa. Kaya at the end of the day, nagbabati at nagbabati pa rin kami.
Kaya kahit minsan napapatanong na lang ako kung pano ko sila mga naging kaibigan, at the end of the day, I found myself thanking God for giving me such an amazing bunch of friends like them.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Fiksi UmumSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?