Chapy 21: Cheater

57 2 0
                                    

(((Sky's POV)))

Pano ka makaka move on kung palagi mo pa rin syang iniisip? Kung sa lahat ng ginagawa o gagawin mo sya ang naaalala mo? Pano mo sya kakalimutan kung hindi ka gumagawa ng paraan para makalimutan sya?

"Evelyn pano ba kita kakalimutan?!" Tanong ko out of frustration,

"Pakalasing ka!" Sabi ng bigla na lang sumusulpot na si Aris,

"Tapos punta ka sa tulay or sa tuktok ng building, tapos tawagan mo sya, sabihin mo tatalon ka kapag di sya nakipaghiwalay sa boyfriend nya at hindi sya makikipagbalikan sayo" sabi naman ni Sam na may bitbit pang sandwich na kung hindi ako nagkakamali gawa ng mama ko.

"Oo nga, kung gusto mo kami pa ni Sam susundo sa kanya masigurado lang na pupuntahan ka nya" pagsang-ayon naman ni Aris sa sinabi ni Sam.

"Gagawin nyo talaga?" Tanong ko naman in a serious and curious tone, nagkatinginan naman sila saka ako nginitian.

"Disporado lang bro?" Sabay nilang sigaw sakin.

"Mga tarantado talaga kayo! Akala ko talaga gagawin nyo talaga yun para sakin" sabi ko na parang dismayado, sinubukan kong magmukhang nadismaya lang pero parang nakita nilang dismayado talaga ako.

"Man, oo kaibigan ka namin, pero hindi ka namin kukunsintihin sa katangahan mo" sabi na lang ni Aris.

"Tangina kasi bro, nilamon ka na masyado ng pag-ibig!" Sabat naman ni Sam.

"Gago hindi pa naman" sabi ko na lang at nahiga sa higaan.

"Alam mo, ito mukhang magandang plano, tara billiards" aya ni Aris na hindi naman namin tinanggihan ni Sam, dahil ang huling labas namin ay nung nag-aya yung pinsan nyang mag-chill, kung saan nagkalat daw ako sabi nilang dalawa.

Hindi kami into sports na tatlo, pero lahat ng laro alam namin. Hindi lang namin alam kung mgagaling kami, basta alam namin lahat ng laro, liban sa laro sa casino at iba't ibang gambling games.

Nagrent kami ng isang room na para samin lang, kalaban namin ang isa't isa. Habang naglalaro, na-open ni Sam yung topic tungkol sa nangyare last time sa bahay ng pinsan nya.

"Pero Sky, tingin ko talaga na-offend mo si Kei kaya sya umalis" biglang sabi ni Aris.

"Hindi ko rin alam, siguro nga" walang gana kong sagot habang nag-iisip ng titirahin kong bola. "Pero sinasadya ko talaga lahat ng yun, hindi ko sinabi lang yun dahil lasing ako, sinabi ko yun para magising sya kahit papano sa mga kamalditahan at kasamaan ng ugaling meron sya" sabi ko naman.

"Man, sa pagkakakilala namin sayo, ikaw yung taong mabait sa lahat, lalo na sa babae, kaya sobrang nanibago kami sayo nung gabing yun" sabi naman ni Sam.

"Siguro kasi una pa lang nalaman ko na ang tunay na ugali nya" sabi ko nang tirahin ko ang bolang number 12 at pumasok ito. "Pasok" masaya ko pang sabi. "Alam nyo, dapat hindi na natin pinoproblema yung babaeng yun, focus na lang tayo dito" sabi ko na lang ng tatlong beses ay sunod sunod na pumasok yung bolang tinatarget ko.

"Sa bagay" sabi naman ni Aris na mukhang inip na inip na dahil hindi sya makatira dahil samin ni Sam. "Yung matinik na si Clark Vicencio" biglang sabi ni Aris, kaya napatingin kami ni Sam sa kanya.

"Sinasabi mo?" Tanong ko na medyo naguguluhan.

"Si Clark na sikat sa accountancy!" sabi nya ulit, Sikat? ni hindi ko nga sya kilala, pano sya naging sikat?

"Pano sya naging sikat? sino ba yun?" walang gana kong tanong habang nakatingin pa rin sa billiard table.

"Yung kaagaw ng mga lalaki sa mga chicks bro! yung matinik na si Clark Vicencio ng Accountancy nga!" sabi naman ni Sam "Saang lupalop ba ng Campus ka naglalagi at hindi mo sya kilala?" tanong pa nito.

"Bro parang si Kei yang si Clark, kung si Kei pinag-aagawan ng mga lalaki, si Clark naman pinag-aagawan ng mga babae. Pero unlike Kei, hard to get daw yang si Clark. Siguro they we're going to be the best couple if ever magkatuluyan sila" sabi naman ni Aris.

"Baka kasi wala lang talaga akong paki sa kanya" sabi ko na lang nang hindi na pumasok ang bolang tinita ko,

"Tsss, sabihin mo kay Evelyn lang kasi umiikot mundo mo mapa-labas o mapa-loob ng campus, kaya ayan, wala kang ibang kilala maliban samin ni Sam, Evelyn at ilan sa mga naging ka-block" mahabang sabi naman ni Sam.

"Ewan ko sayo Sam!" saway ko "Bakit nga ba napasok sa usapan yang Clark na yan?" tanong ko na lang nang maupo ako sa tabi ni Aris, nakasandal kasi sya sa kabilang dulo ng billiard table.

"Ang alam ko kasi nagdedate sila ni Kei" sabi nya, napaka-chismoso talaga nito.

"Oh ano naman ngayon satin?" tanong ko na parang buryong buryo na, ang tagal kasi sumablay ng tira ng mokong na to.

"Sya yun, diba?" tanong nya habang seryosong nakaturo sa labas. "Yung may kasamang babae" dagdag nya pa.

Yung style kasi ng bilyarang to parang sa mga bars na may VIP area na pwede mong rentahan, pader ang naghihiwalay sa limang VIP room, samantalang salamin lang ang pinto at dingding nito para makikita ng mga nasa VIP ang mga taong nasa labas.

"Saan?" tanong naman ni Sam na mukhang hindi pa nakikita yung tinuturo ni Aris, kahit naman ako, may kasamang babae pa ang description, halos lahat naman ng mga lalaki sa labas may kasamang babae.

"Yung nasa pangalawang table lang mula dito sa unahang table na nasa tapat lang ng kinaroroonan natin" sabi nya, dahil doon agad naman naming nakita yung tinutukoy nya.

Isang lalaking matangkad, maputi, may katamtamang laki ng katawan at may nakakalokong ngiti ang nakita ko, sa tabi nya ay isang babaeng balingkinitan, maputi at may maiksing damit at short shorts, typical type of girls nowadays.

"Oo nga, hindi naman si Keira yang kayakap at hinahalik halikan nya" sabi naman ni Sam na akala mo boyfriend kung maka-react.

"That's what I'm trying to say earlier" sabi ni Aris, kahit na wala naman syang gustong sabihin kanina.

"Ang tanong alam ba to ni Keira?" tanong naman ni Sam, mukha namang hindi. Yung lalaki, the way he kiss that girl, parang hindi sya kagaya ng ibang babae na bayaran, hindi kaya girlfriend nya yan?

"Dapat na yata natin tong sabihin kila Ken" sabi naman ni Aris.

"Guys, walang gagawa ng kahit ano satin, at lalong hindi tayo makikialam sa problema ng Keira na yun, malay mo naman kasi alam nya na ang tungkol dito magmukha pa tayong tanga, isa pa, ang problema nya, problema nya lang, wag na tayong makisawsaw" Bilin ko sa dalawa at tinalikuran na sila para ipagpatuloy ang paglalaro.

"Okay na bro, tara na billiards na lang" rinig ko namang sabi ni Aris at tumabi na sya sakin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon