(((Kei's POV)))
Gusto ko siyang kausapin, but I don't think that this is the right time.
Kanina habang tinitignan ko sya mula sa labas ng resto, nararamdaman kong she really wanted to talk to me, but I don't feel the same way. Kaya kahit nasa labas na ako ng resto, sinabi kong sumama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakaalis ng bahay. I can see disappointment in her eyes, pero hinintay ko munang makaalis sya bago ako umuwi.
Nang malapit na ko sa bahay, nakita ko ang isang pamilyar na mukha, may dala syang backpack na mukhang madaming laman, nakatayo sya sa gate at mukhang inis na inis na, kasi parang sisirain nya na yung doorbell namin.
"Sky" tawag ko sa kanya ng makababa ako sa sasakyan ko, "Hindi ka pa pinagbubuksan?" tanong ko ulit,
"Obviously" he reply in a sarcastic tone, shunga rin naman kasi, obvious naman nagtatanong pa.
Kinuha ko na lang ang susi ko at pinapasok sya sa loob.
"Drinks?" alok ko, pero umiling lang sya.
"Nasan sila Aris at Sam?" tanong nya lang.
"Well, obviously, wala sila rito, bakit dito mo sila hinahanap?"
"Sabi kasi nitong si Sam may out of town trip daw, bawal hindi sumama at dito raw magkikita-kita" sagot nya na kinagulat ko,
"Talaga? bakit di ako na-inform?" nagtataka kong tanong "Teka, check ko sila Charms" sabi ko at saka na inakyat yung dalawa, pero parehas nakalock ang pinto at walang sumasagot sa mga kwarto nila.
"Did they just left me alone?" tanong ko sa sarili ko, pero bumaba muna ako para balikan ang masungit na si Sky.
"Walang tao sa taas" sabi ko, kaya napabuntong hininga na lang sya
"Tatawagan ko sila" sabi nya and he immediately call who ever he wanted.
"Hey Aris!" sigaw na bungad nya ng sagutin ni Aris ang phone, he put it in a speaker phone para marinig ko rin.
"Hey man, nasan na kayo?" cool na tanong ni Aris sa kabilang linya.
"Nandito sa bahay nila Keira! mga gago kayo, sabi nyo magkita-kita rito, nasan kayo!?" inis nyang tanong.
"Sorry bro, kinailangan na namin mauna, para may makakain tayo pagdating" rinig kong sagot ni Sam.
"Oo nga, sunod na lang kayo, may tracker ka diba, track mo na lang tong phone ko" sabi naman ni Aris.
"Fudge! fine we're on our way!" sagot ko na lang.
"Okay, inggat" Sagot naman nilang lahat.
"Tara na" sabi nya,
"Teka, di pa ready mga gamit ko" sagot ko, at nakita ko na naman ang mukha nyang irita, kaya napatakbo na ko sa kwarto at dali daling nagpasok ng mga damit at gamit sa backpack ko.
Nang pababa na ko, nauna nang lumabas si Sky at hinintay na lang ako sa tapat ng sasakyan ko.
"You drive the first half, I'll drive the rest" sabi ko saka inabot sa kanya ang susi, pero tinitigan nya lang ito. "Hindi tayo makakaalis kung tititigan mo lang ang car keys" I added.
Umiling lang sya saka tumingin sa ibang direksyon bago magsalita, "I don't drive" he said na kinagulat ko.
"Hindi ka marunong? aka...." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang sya magsungit.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Genel KurguSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?