(((Aris POV)))
Tinatanaw ko sila Sky at Sam, pati na yung tatlo naming bagong tropa na sila Kei, Charms at Ken na magkakasama sa isang table mula dito sa canteen. Watching them from a far, a realization comes to my mind,
bilog ang mundo at madaming pwedeng magbago.
Dahil madalas naming makausap at makakwentuhan ang grupo nila Kei, napalapit at masasabi naming close na kami ni Sam sa kanila. While Sky is just like hanging around with us, sumasama sya pero parang di rin naman sya interisado. Parang si Kei lang nung una naming subok na kaibiganin sila.
Sky is really different now, parang nagkapalit sila ng katauhan ni Kei, though yung dating legendary 'Keira Raven' ay di naman talaga nawala, nabawasan lang daw ika nga nya, si Sky, bumabalik lang sya sa dating sya pag kaharap nya ang mama nya.
"Ui pasok na tayo bukas" rinig kong pag-aaya ni Kei nang makalapit ako sa kanila dala ang mga pinabili nila.
Pano last day na bukas ng first sem, and wala naman na kaming klase, may closing event na ewan ko kung pano at anong ganap pero gusto daw manuod ni Kei.
"Ano bang meron bukas?" tanong ko habang inaabot sa kanila ang pagkain nila.
"Thanks, kasi may spoken poetry contest bukas, eh, lately nagustuhan kong manuod at makinig sa ganun, so gusto ko makapanuod ng live" paliwanag nya, napatango na lang kami.
"Okay, sige pasok tayo" sagot ni Sam.
"Teka, pano sumali sa contest?" tanong ko, napatingin tuloy si Kei sakin.
"Sasali ka ba?" agad nyang tanong, pero umiling lang ako,
"Gwapo lang ako, di ako makata" sabi ko na kinairap naman nya.
***
Hindi halatang excited si Kei for today, ang aga nila at talagang sa harap yung pwestong pinuntahan nila. Pumunta na kami sa tabi nila since pinagsave na daw nila kami ng seats.
Late kaming dumating, pero pag-upo namin saktong pagkyat rin sa stage nung host. Sabi nitong si Kei 10 am ang start, 10:30 na kaya.
"A pleasant morning to each ang everyone of you students of Mariana, salamat sa pagdating" panimula nya.
"Bago natin simulan ng spoken poetry contest, gusto ko lang sabihin na after our five contests, kung gusto nyo, pwede kayong magparticipate sa contest, kung may baon kayo" he reminded and then the contest started.
Hindi ako fan ng mga pusong sawi, kaya yung unang tatlong puro tungkol sa pusong sawi ang tula, di ko naenjoy. Pero yung huling dalawa na medyo comedy ang dating, yun ang gusto ko.
"Ayan thank you very much sa ating mga magagaling na contests" bati nung host sa mga contestants, "Now, meron bang gustong magshare ng kanyang spoken poetry?" he ask, akala ko walang may gusto, pero nang lumingon ako sa likod, may mangilan ngilan namang nagtataas ng kamay,
"Sige, ikaw kuyang nasa harap" biglang sabi nya, kaya napatingin ako sa mga katabi ko, nasa gitna ako ni Sky at Sam, kaya nagulat na lang ako ng tumayo si Sam at umakyat sa Stage.
"Seryoso ba yang kaibigan mo?" biglang tanong ni Sky na tanging kibit balikat lang ang naibigay kong sagot.
"Marunong ba yang pinsan mo?" rinig kong tanong ni Kei kay Ken na kagaya ko ay kibit balikat lang din ang naisagot.
Hawak na nya ang mic at huminga sya ng malalim bago magsalita, mukhang iniiwasan kaming tignan, naiilang si gago.
"Good morning everyone, I'm Samuel Medrado" he greeted, "Hindi ako magaling gumawa ng tula, pero nung sabihin sakin ng kaibigan kong may ganito dito, sumubok akong gumawa ng isa, kahit alam kong hindi naman ako nagparegister as contestant. So ito na sya, Ang title nito ay, dalawang magkaiba"
Bumuntong hininga sya saka pumikit at ng dumilat sya saka sya nagsimula.
"Mayroon akong kakilala,
acquaintance ika nga,
dalawang taong sobrang magkaiba,
bukod sa gender nila,
sa paniniwala't pananaw
sila ri'y magkaiba.
Ang una nilang pagkikitay kakaiba,
dahil imbis na ang lalaki ang nagligtas sa babae, ang babae ang nagligtas sa lalaki.
Doon na nagsumula na sila ay di mapagtabi.
Pano ba naman kasi tong si lalaki
walang kwenta ang mga sinasabi,
samantalang itong si babae,
masyadong mapagmalaki,
ayan tuloy pag nagsasama sila,
ay grabe
daig pa ang world war sa tinde,
wala namang baril, kanyon at granada,
pero sa bunganga nila, nabibingi kami,
kawawang mga tenga.
Ewan ko ba,
bakit ganyan sila,
eh, kung tutuusin naman iisa lang ang problema nila,
Problema na kamuntik nang lumamon sa dalawa.
Si ateng paasa, ayun nakahanap ng katapat nya na kung tawagin nya ay karma.
Kaya ayun sya, nagmukmok, nagkulong, at umiyak nang mag-isa, dahil sa nakaraang nilikha lang para sya ay pasakitan at gantihan.
Si kuyang tanga ayun, nandun pa rin sa taong walang ibang ginawa kung hindi ang saktan sya,
Gago talaga,
iniwan na nga't pinagpalit sa iba,
mahalaga pa rin sa kanya,
tanga talaga!
Ewan ko ba sa kanilang dalawa,
bakit hindi na lang sila magsama,
tutal nakikita ko namang bagay sila.
Dalawang tao man silang magkaiba,
parehas naman silang dapat lang maging masaya.
Kaya para sa dalawang taong dahilan ng kanilang sakit at pighati, maging sa
pagkawala ng ngiti sa kanilang mga labi,
ito lang ang aking masasabi,
lintik lang ang walang ganti,
pero wag kayong sakin ay babawi, dahil sa gagawin ko,
sisiguraduhin kong, hindi ka na makakaganti,
at hihilingin mong sana ang dalawang taong aking pinaghiganti ay di mo na kinanti.
Pero tutal ngayon ay ayos na silang dalawa,
parehong buhay na at di na patitibag pa, Okay na pala,
sila na lang ang bahala"After nun nagvow sya.
"Maraming salamat, Mr.Medrado, that was such a nice piece" the hosts said saka na tumawag ng susunod.
"Bwisit ka!" bungad ni Kei ng makabalik na sya sa upuan nya, mukhang gets na gets ni Kei yung story behind Sam's peace.
"Kupal ka! ang lakas ng loob tumayo, kami naman pala yung laman nung tula mo!" dagdag naman nitong katabi ko.
"Sorry na guys, pero aminin nyo, galing ko diba?" sabi nya lang habang tinataas taas pa nya ang kilay na inirapan na lang nung dalawang taong tinukoy nya sa kanyang tula.
"Kelan mo yun ginawa?" tanong ko,
"Kagabi" walang gana nyang sagot.
"Ano namang pumasok sa isip mo at sila ang ginawa mong topic?" tanong ko na naman.
"Naaalala ko lang kasi sila bigla nung naisipan kong sumubok gumawa" sagot nya.
"Gusto ko na sana yung second to the last part na pagbabanta, kaso binawi!" sabi ni Charms na kinatawa namin.
"Saka pinasa ulit samin" dagdag naman ni Kei.
Iba talaga tong si Sam.
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
General FictionSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?