Chapy 34: Down

42 2 0
                                        

(((Sam's POV)))

"Bakit kaya wala pa si Sky?" tanong ni Aris habang busy sa phone nya.

"Hawak mo phone mo, bakit kaya hindi mo tawagan?" tanong ko, tinignan nya ko saka binalik ulit ang tingin sa phone nya.

"Hawak mo rin phone mo, isa pa, wala kang ginagawa, bakit kaya hindi ikaw ang tumawag" mahaba nyang sabi ng hindi ako tinitignan.

Napailing na lang tuloy ako sa inasal nito, tatawagan ko na sana si Sky ng mapadaan si Evelyn at ang boyfriend nitong si Rico sa tapat namin. Nandito kasi kami sa hallway sa tapat ng hagdan at hinihintay ang pagdating ni Sky. May assignment kasi kami, at alam naming may gawa na sya.

"Mga pare" biglang sabi ni Rico samin ni Aris, kaya tumabi sakin si Aris.

"Kung hinahanap nyo si Sky, wala pa sya" masungit na sabi nitong katabi ko.

"Ayos lang, iparating nyo na lang ang sasabihin ko" pag-uumpisa nito "Tell him to stay away from my girlfriend, akin na si Evelyn at kahit kelan hindi na babalik sa kanya and girlfriend ko!" sabi nya saka na sila umalis.

Nagkatinginan kami ni Aris.

"Ano na naman kayang ginawa nya?" sabay pa naming tanong sa isa't isa.

Papasok na kami sa room dahil 5 minutes na lang time na, at handa na kaming masermunan ng matrona naming professor dahil wala kaming assignment, nang biglang makita namin si Sky na parang lantang gulay.

"Sky!" tawag ko sa kanya, agad kaming lumapit ni Aris sa kanya.

"Bago ang lahat, alam naming may assignment ka na sa Algebra, kaya pakopya muna, bago natin pag-usapan ang problema mong alam naming mas mahirap pa i-solve kesa sa math problems" mahabang sabi ni Aris habang kinukuha na ang bag ni Sky.

Tama nga kami, may assignment na siya, kaya automatic bumilis kami sa pagsusulat dahil konting oras na lang ay darating na ang prof.

"So if X is blah blah blah blah......." kahit pilitin kong makinig sa prof namin hindi ko magawa, tignan ko pa lang yung nga numbers na may kasama pang letters sa board nanlalambot na agad ang buong kamay ko at ayaw na nito gumalaw para magsulat.

"Okay, bring out a yellow paper ang answer page 97 on your book, may pupuntahan lang ako, ipapasa nyo yan pag balik ko. Class gawin nyo lang ang pinagagawa ko, dalawang problems lang yan. Babalikan ko kayo, wag maingay" sabi ni ma'am saka na umalis.

"Yung ex ko sinabi ring babalikan nya ko, pero hindi na sya nagparamdam! kaya classmates wag kayong maniwala kay ma'am, di na babalik yun" sabi ni Aris na kinatawa at kina-inggay ng buong classroom.

Naglabas na kami ng papel pero ng hanapin ko na ang ball pen ko, hindi ko na sya makita, lintik, san naman kaya nagpunta yun?

"Putapete, dapat yung ball pen kong nawawala tuwing math subject ang hinahanap natin, eh, hindi ang X na parati na lang naglalakwatsa, eh, nasa iba naman na!" sigaw ko sa klase na kinatawa na naman ng mga abnormal kong classmates, hindi naman ako nag-jo-joke, seryoso ako, nawawala parati ang ball pen ko kapag math time na!

"Baka kagaya ng X na sinasabi mo, nasa iba na rin yung ball pen mo, kaya wag mo na syang hanapin Sam" sabat ni Candy, isa sa mga babaeng maloko rin, and as usual nagtawanan na naman kami.

Imbis na gawin namin yung exercises na iniwan ni ma'am samin, nagbatuhan na lang kami ng hugot lines hanggang sa maubos ang oras at hindi na nga talaga kami binalikan ni ma'am Paras.

"Sabi sa inyo, eh, tara na at mag-lunch, wag na nating hintayin ang mga taong nangakong babalikan tayo, dahil sa huli wala na nga tayong mapapala, magugutom pa tayo" sabi ni Aris na nagliligpit na ng gamit. Since time naman na, at wala ring nakagawa nung pinagagawa samin, nagsilayas na kami sa room at dineclare na lang na assignment tong iniwang gawain samin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon