(((Kei's POV)))
"Congratulations!" masaya naming sabing lahat habang sama sama kaming nakabilog sa isang malaking table at nakataas ang mga baso ng inumin.
Nandito kami sa resto ni papa Frank, pinasara nya ito para sa celebration naming anim. Same dates kasi kaming anim ng graduation different time lang, nauna yung mga boys, tapos kasunod nila kami.
"Now, certified mga pabigat na rin tayo sa lipunan" sabi ni Sam.
"Congratulations mga anak, you all make us proud" sabi ng mama ni Ken.
"Ngayong graduates na kayo, hindi na kayo makakakuha ng allowance nyo samin" sabi naman ng dad ni Charms na tinawanan lang namin.
"Kaya nga, you should earn by your own na" sabi naman ng mama ni Sky.
"Mga mahal naming mga magulang, please, magsikain na lang po tayo, wag nyo po muna kaming lecturan, tapos na nga kami mag-aral, may pahabol pa pala" pabirong pag-awat ni Sam sa mga parents namin, dahil mukhang mommy nya na ang susunod na manenermon samin.
"Oo nga naman, pakainin muna natin sila" sabi ni papa na ginawa naman namin.
We enjoy and share laughter with each and everyone's family. Madilim na nang matapos ang celebration namin, kaya nagpaalam na ang mga magulang namin at hinayaan na kaming magkaroon ng barkada time.
Dumiretso kami sa bahay at doon nagkwentuhan. Nagdecide na rin sila na dito na matulog dahil mukhang ito na ang huling beses na makakapunta sila dito, kaya pumayag na kami.
Masaya dapat ako, eh, kasi matapos ang lahat ng paghihirap, sa wakas graduate na kami. Pero, hindi ko magawa knowing na bukas na aalis si Sky.
"Akala ko ba pumayag ka na? bakit ganyan ang itsura mo?" biglang tanong ni Charms na bigla na lang sumulpot sa likod ko.
Nandito ko sa kitchen at nagtitimpla ng juice.
Bumuntong hininga na lang ko, "Charms, tanggap ko naman na, it's just that, nalulungkot lang akong isipin na aalis sya" malungkot kong sabi.
"Pe..."
"Sabi mo masaya ka?" pagputol ng isang pamilyar na boses sa sasabihin sana ni Charms.
"Sky" sabay pa naming sabi na may halong gulat.
"Ahm, Kei, sa room na lang kayo, ako na magpapatuloy ng ginagawa mo" sabi ni Charms, kaya umakyat ako sa room, sinundan naman ako ni Sky.
Napaupo na lang ako sa sofa, sya naman sumandal sa may bintana, habang nakatingin sakin.
"Akala ko masaya ka kasi aalis ako at makikita ko na si papa" mahina nyang sabi.
"Masaya naman ako"
"Pero ayaw mo naman talagang umalis ako, bakit hindi mo sinabi?"
"Kasi ayoko namang magstay ka kahit na ayaw mo naman talaga" nakayuko kong sagot.
"Alam mo hindi na kita nagegets! gusto mong umalis ako, kahit na deep inside ayaw mo naman talaga" may inis sa tono nitong sabi.
"Kasi nga I want to support you, even if it means lying to myself"
"Pano pa ko aalis nyan kung ganto naman pala ang nararamdaman mo?"
"Kaya nga ako nagsinungaling kasi alam kong pag nalaman mong ayokong umalis ka hindi ka talaga aalis. Gusto ko lang naman gawin mo kung anong makapagpapasaya sayo, eh" paliwanag ko.
"Pero ikaw ang nagpapasaya sakin"
"Pero mas magiging masaya ka kung magkikita kayo ulit ng papa mo"
BINABASA MO ANG
Paasa Sya, Tanga Ka!
Fiction généraleSya ay isang paasa, ikaw naman ay tanga! Pano nga ba magmahal ang isang tanga? At pano kaya masaktan ang isang paasa?