CHAPTER 12 - JEALOUS

1.9K 20 0
                                    

Pakibasa ng note sa ibaba ha? Hahaha. *O*

 

******

 

CHAPTER 12 – HONESTLY

 

CELYN’S POV

“Uy aga-aga nakapangalumbaba ka diyan. To think na Monday pa ngayon. Wanna end this week like that?” Bungad sa akin ni Princess habang nilalapag niya ang mga gamit niya at bag sa upuan niya. Kakapasok ko lang kasi at Monday ngayon. Obviously. Kakasabi nga lang diba? Hoho. Ehh basta, iniisip ko pa rin ang tungkol sa dalawang bestfriend ko.

“Tse!” Ang tipid ng sagot ko noh? Haha. Ehh kasi busy talaga ako magisip ng kung anu-ano.

“May problema ba?” Umupo na rin si Princess sa upuan niya. Magkatabi kasi kami. Tapos humarap siya sa akin habang inaalog-alog ang mga braso ko na pinagpapatungan ng baba ko. Nakapangalumbaba nga kasi ako.

“Ah, wala naman.” Pagsisinungaling ko. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko nang bestfriend. It is like inaagawan ko yung bestfriend ko sa isipan ko. And worst, nagsisikreto pa ako tungkol sa nararamdaman ko. Tapos pinagseselosan ko pa siya. Kaasar naman! Hindi naman siguro masisisra ang friendship namin nang dahil lang sa lalaki hindi ba? No. Hindi yun pwede.

Ang mas masaklap pa ehh yung naiisip ko na...hindi lang friendship namin ni Princess ang pwedeng masira. Kundi friendship din naming ni Jason. Ughhhh, nakakainis talaga! Kayo ba naman maka-experience ng ganitong situation, hindi ba naman kayo mainis! Sa lahat pa ng pwede mong mahalin ehh yung guy bestfriend mo pa at sa lahat ng pwede mong maging karibal ehh yung girl bestfriend mo pa. Saklap.

“Asus. Wala daw. Is it about Jason?” O______O

Saisip ko ehh sobrang gulat na gulat ako. How could she read what’s on my mind? Ugh. Tapos parang hindi pa siya affected. Ano ba talaga???

“H-hah? W-what are y-you t-talking about!?” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Yumuko ako sa desk ko. Yung parang balak matulog. At syempre, itinalikod ko sa kanya yung mukha ko pero agad naman siyang nagsalita ulit.

“Celyn naman! Humarap ka nga! Kainis naman to oh!!! Meron ka ba at ang moody mo ata!” Sabi niya habang inaalog-alog na naman ako sa may balikat. Shemay naman Princess ohhh, don’t you think ganun lang kadaling sabihin yun sa’yo na gusting-gusto ko si Jason kaya lang ikaw ang mahal niya na para bang walang pakialam sa kanya? Tsk. Minsan ang sarap din sabunutan nitong bestfriend ko kasi manhid din eh. Ang sarap nilang pag-untugin ni Jason! Parehong-pareho sila! Mga manhid! If only Princess likes Jason too edi walang magiging complications sa part nila. Atleast kahit hindi na ako yung maging masaya for myself basta masaya yung dalawang tao sa buhay ko. Ehh pero sa nakikita ko, hindi lang ako yung nasasaktan at pwedeng masaktan ehh. Pati na rin si Jason. Loka-loka kasi itong bestfriend ko eh!

“Oo meron ako kaya wag mo ako istorbohin!” Yan na lang ang sinabi ko kahit wala naman talaga baka sakaling tigilan na ako ni Princess.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon