CHAPTER 34 - A DAY OF PAIN PART 2

1.3K 20 2
                                    

CHAPTER 34 – A DAY OF PAIN PART 2

 

CELYN’S POV

 

“Hayyy. Thank you, Dane ha? Salamat talaga...” Paulit-ulit na pasasalamat ko kay Dane dahil sa ginawa niya. Naaalala niyo pa yung kumalat na chismis na kami? Ginawan niya yun ng paraan. Siya mismo ang nag-clear ng pangalan ko. Kinausap niya rin yung ex-girlfriend niya na obsess na obsess sa kanya para tigilan na ako. Sobrang okay na ako ngayon. Buti hindi na kumalat pa masyado lalo na sa media. Dahil kung nagkataon, yari ako. And since hindi ko pa nakakausap yung mga parents ko about sa issue na yun, ehh hindi ko pa sigurado kung alam na nila o hindi pa. Pero tinawagan ako nila mommy, uuwi daw sila dito sa Pilipinas next week para kausapin ako for some reasons. Sana lang ehh hindi yun tungkol sa issue naming dalawa ni Dane.

 

“Wala yun... You know I’ll do anything for you.” Alam ko na kung saan papunta itong paguusap namin kaya naman nag-decide na akong magpaalam sa kanya. Tutal ehh magsisimula na rin yung klase ko maya-maya kaya kailangan ko nang pumunta sa building kung saan gaganapin yung klase ko.

“Ah sige, Dane. I’ll go ahead. Salamat ulit.”

Kung akala ko ehh titigil na siya, nagkamali pala ako. “Celyn, totoo yung sinabi ko. That I’ll do everything for you. Sana nga... Sana nga tayo na lang... Sana nga totoo yung issue... Dahil kahit hindi pa totoo yun, believe me or not, natuwa pa ako nung lumabas yung issue na yun. You don’t know how I really wanted to be your boyfriend. Pero dahil sa ayaw mo at maaapektuhan ka, I decided to admit the truth... I’m sorry for being a hypocrite, pero yun talaga yung naramdaman ko nun. Pero sana, wag kang magalit...”

Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti. “Hindi ako galit sa’yo, Dane. The truth is...galit ako sa sarili ko... Galit ako kasi bakit nga ba hindi ko kayang mahalin ka... Bakit nga ba hindi na lang ikaw...” Yan ang mga sinabi ko sa kanya. Like what I have said, Dane’s almost perfect. He’s gentleman, he’s very intelligent, plus good-looking. And why can’t I love him???

Nagulat na lang ako sa mga susunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko and then...

He kissed me...

Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa ginawa niya. Well, it was a very soft kiss at pagkatapos nun ehh, natulala na lang ako kay Dane.  Hindi ko alam kung anung sasabihin o gagawin ko. I just want to punch him for stealing my first kiss. Yes, it was my first kiss. At kay Dane? Kay Dane napunta yun??? Sadyang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I am suppose to be angry this time pero hindi ako makakilos. That kiss was hypnotizing.

I was really taken aback. Lalo na nung...may humatak sa kamay ko. Mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino iyon. Walang iba kung hindi si Jason...

Hindi ko na nagawa pang lingunin si Dane dahil na rin sa pagkaladkad ni Jason sa akin. Yeah, that’s the right term. Kinakaladkad niya po ako. Kung hindi ko lang mahal itong mokong na ito ehh sasapakin ko talaga ito sa mukha o kaya ililibing nang buhay. Aba! Tatay at nanay ko nga hindi ako magawang kaladkarin nang ganito ehh, siya pa kaya? Oh sige na nga, I’m giving him the permission to do this to me. Mehehehehe.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon