CHAPTER 68 - WELCOME TO THE FAMILY
CELYN'S POV
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Kunyaring pagtataray ko kay Jason. Nandito siya ngayon sa bahay since Christmas vacation na. Yay! Ilang araw na lang, Christmas na!!! I am so excited!
Hindi ko pala nasabi sa inyo na nililigawan na po ako ni Jason. Hehehe. After nung monthsary namin ni Dane na sinurprise niya ako, niligawan na niya ako.
"Awch. It hurts ah! Ayaw mo ba akong makita???" Tsk. Kunyari ehh nagtatampo siya. Hahaha. Kunyari nga ba? Mukha naman kasi naka-pout pa siya. Hahahah! So cute! So bale, halos magi-isang buwan na rin niya akong nililigawa! Minsan, nate-tempt na akong sagutin siya kaya lang iniisip ko...baka naman isipin niya na easy-to-get ako. Hahaha.
Ako na maartiiii.
"Eto naman...Joke lang! Hahaha." Natatawang sabi ko.
Pumasok na kami sa loob.
"Oh, hijo! Nandito ka pala!" Masayang bati ni mommy sa kanya. Nandito sila ngayon ni daddy. Actually, kakauwi lang nila from their business trip abroad.
"Hi, tita." Bati ni Jason sa kanila at nagbesohan sila. Close na sila dati pa kasi nga diba? Barkada sila nila Kuya Cloud kaya matagal na rin silang magkakilala pati yung ibang BSB na rin. "Gumaganda po kayo ngayon ah!"
"Sus, ikaw talaga, nambola pa! Hahah!" Nakangiti pa rin si mommy. Naikwento ko na pala kay mommy lahat at masaya siya kasi daw sa huli, kami pa rin pala ni Jason. Na kahit anong obstacles pa ang pagdaanan namin, sa huli, we will always be inlove with each other. "Ehh sino mas maganda sa amin ni Celyn?"
"Tinatanong pa ba yan, tita? Alam mo namang magkamukhang-magkamukha kayo ni Celyn eh. Kaya pareho kayong maganda. Yun nga lang tita, mas mahal ko po si Celyn. Hahahah!" Kahit kailan talaga, ang galing mang-uto ng mokong. Pagdating talaga kay mommy, alam na alam niya kung paano makikipag-biruan dito.
"Ikaw talagang bata ka! Nako, hijo, ah, wag na wag mong sasaktan ang unica hija namin!" Bilin ni mommy.
"Opo naman po! Takot ko lang na umuwi si Cloud dito at ipagbugbog ako." Tsk, talagang matakot ka!
Tahimik lang ako habang nagu-usap sila Jason at mommy. Ehh kasi naman, si daddy nakikita kong nakatingin sa amin. Hehe, close din sila ni daddy. Yun nga lang, close sila dati dahil barkada nga sila ni Kuya Cloud at bestfriend kami, pero ngayong araw na ito, ipapakilala ko siya as my suitor. Tsk, kung pwede nga lang ehh boyfriend na eh. Hohoho!
"Ehemmm..." Ayan na pala si daddy. Saglit na natahimik ang paligid nang magkaharap sila ni daddy.
"Goodevening po, s-sir..." Halatang kinakabahan din si Jason pero deep inside, natatawa ako sa itsura niya. Haha. Pinagpapawisan na rin siya. Tapos sir talaga? Ehh parang dati, tito ang tawag niya kay daddy.
"Kumain na muna tayo ng dinner. Nakapaghain na ako..." Singit ni mommy. Kaya ayun, pumunta na kami sa dining area.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng